Station ● 12

Magsimula sa umpisa
                                    

"Sira-ulo ka talagang bata ka, bakit naisipan mong magpakalasing?" Sabi ko pero tumawa lang siya nang mahina. Napailing na lang ako dahil sa kalokohan nitong si Jessie, hindi man lang naisip na nasa train pa siya.. na may zombie.

Ito namang si Theo, hindi man lang inawat. Isa pa yang ilong na yan eh, pasalamat siya at hindi ako pumapatol sa bata.

"Malandi yang shi Andeh! Ayst. Lahat na langsh nilalandi niya. hehehe.." Napaatras ako nang bigla itong gumalaw pero agad din namang huminto. Aigoo.

Huminto ako sa tapat ng restrooms at sinamahan ko pa siya papunta sa sink. Napaismid naman ako nang sumuka nang sumuka si Jessie, lasing na lasing na nga.

Ikaw ba naman ang uminom ng dalawang bote ng Soju.. ay tatlo pala?

"Putek.." Narinig ko pa siyang napamura habang patuloy lang sa pagsusuka. At ito pa din naman ako, nakaalalay lang sa baywang niya.

"Maghilamos ka na din para naman mahimasmasan ka." Sabi ko at naramdaman ko namang tumango siya.

Hindi ko alam kung kakayanin ko bang makita nila ako sa carriage one na may buhat na babae pero para sa swaeg.. gagawin ko na lang. Pogi pa din naman ako eh kahit anong mangyari, maliit nga lang talaga.

"Dito ka lang ah? Kukuha ako ng damit mo at papapuntahin ko na din si Theo dito." Sabi ko pero bago pa man ako makaalis ay naramdaman ko yung kamay niya sa braso ko. Napahinto ako at humarap sa kaniya, napailing na lang ako. Nakasandal siya sa pader, pawis na pawis at nakapikit na.

"Aalis lang ako saglit, Jessie. Dyan ka lang kasi.." Akmang aalisin ko na yung kamay niya pero lalo lang itong humigpit.

"W-wag mo 'kong iwan.. please. Dito ka lang." Napakamot ako ng ulo dahil sa kakulitan nitong si Jessie. Hindi ko na siya pwedeng ilabas dahil basa na siya at may suka pa sa damit! Baka ipatapon pa kami bigla nung mga tao.

Hindi siya makakapagbihis kung pupunta pa siya sa kabila, mahihirapan lang kami kung pabalik balik kaming dalawa kaya mas maganda este mas pogi kung ako na yung kukuha ng mga damit niya.

"Jessie, magpalit ka muna ng damit mo. Saglit lang ako, mamaya nandito na din naman si Theo para alalayan ka. Hindi ka pwedeng lumabas na ganyan yang hitsura mo." Sabi ko.

Nakahinga ako nang maluwag nang makita kong tumango na siya at inalis na niya din yung pagkakahawak sa braso ko. Hinawakan ko siya sa kamay ako saka giniya na umupo muna sa gilid. Baka kasi bigla siyang matumba, maalog pa naman 'tong train.

Pagkalabas ko ng restroom saktong papasok si Ayura kaya agad ko siyang hinawakan sa braso niya na ikinagulat naman niya.

"Waeyo oppa?" Gulat na tanong niya. Napahawak pa siya sa dibdib niya na parang gulat na gulat.

"Mianhae." Sabi ko at napangiti naman siya. Pero bago pa siya dumaldal ay inunahan ko na siya, maganda ng maagap.

"Makikisuyo sana ako kung pwede mo bang bihisan yung kasama ko sa loob, ako na kukuha ng damit niya." Sagot ko. Ayoko mang makipagdaldalan kay Ayura pero wala akong magagawa kung tatadtadin niya ako ng mga salita niya. Nakikisuyo ako kaya no choice. Siya yung babae dito at pogi lang ako kaya hindi ako pwede.

"Sino bibihisan ko, oppa?! Si Nathan?!" Gulat na tanong niya. Umiling naman ako sa kaniya sabay hinga niya nang maluwag.

"Yung kaibigan ko, lasing kasi eh. Hindi ko naman pwedeng bihisan kasi babae." Sagot ko. Hindi ako pwede at mas lalong hindi ako makakapayag na si Theo, tatawagin ko lang siya para siya na yung magbuhat dito kay Jessie. Ang bigat kaya!

"Ah sige!" Pumasok na siya sa loob at hindi man lang ako nakapagpasalamat dahil sa pagmamadali niya. Tch. Ang hirap talagang intindihin ng mga babae, ano bang nakakatuwa o nakakaexite sa pagbibihis?

Train to Daegu | bts m.ygTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon