Station ● 11

Magsimula sa umpisa
                                    

Lalabas na sana ako pero nakarinig ako ng mga katagang nagpatahimik sa kanila mula d'on sa babaeng kasama ni Kyle..

"You two are cute."

   Napahawak ako sa cellphone ko nang magring ito bigla, pero imbis na sagutin ay napatitig na lang ako dito. Napakuyom ako ng kamao ko at huminga nang malalim, mas maganda nang sagutin ko kaysa sa pabayaan ko na lang.

"Sino po yan?" Napalingon ako kay Hannah na katabi ko ngayon. Magkatabi kasi si Nathan at Timothy ngayon, hindi na nga mapaghiwalay ang mga loko. Kasama pa nga nila si Brian at aaminin kong nagsisinungaling ako kapag sinabi kong sila ang PINAKATAHIMIK SA BUONG TRAIN. OO! NAPAKATAHIMIK PO NILA, SOBRA.

Nung una pa nga eh hindi ako pumapayag na lumipat.. ang kaso lang dito eh kapag hindi ako lumipat, makakatabi ko si Timothy at Nathan. Torture sakin 'yon!

"Ah wala 'to, saglit lang ako sa canteen ah? Dyan muna kayo." Sabi ko at saka lumakad na papuntang canteen. Mas maganda kung kakausapin ko siya nang wala sa harapan nung mga bata, baka marinig pa nila yung kung anu-ano kong sasabihin.

Natapos yung pagriring nung cellphone ko pagkapasok ko sa tahimik na canteen pero tumawag uli si Deserei, ilang ring pa at naisipan ko na itong sagutin.

"Anong kailangan mo?" Walang emosyon kong sabi. May zombie man na pagala-gala sa labas ay nasa state of moving on pa din ako! Excuse her, masyado akong pogi para hindi magmove on!

"Cody, ligtas ka ba dyan?"

"Nagsasalita pa ako nang deretso, siguro oo ang sagot ko di'ba?"

"Cody alam kong hindi gan'on kadali na mapatawad ako pero sana maintindihan mo ako ngayon."

"Naiintindihan naman kita eh, yung ginawa mo lang yung hindi." Diretso kong sagot.

"You cried because of me. I'm sorry."

"You cried because of yourself too, so would you mind to apologize to yourself and think of finding your lesson instead of talking to me?" Ay huta English, pwede nang pang international. Do I sound real?! Yehey!

"Cody, nasa Daegu na ako. Naghihintay ako ng pagdating niyo."

"Pakihanap naman yung pake ko, nasama na ata sa basurahan kasama ng pagmamahal ko sayo."

Narinig ko siyang napatahimik dahil sa sinabi ko. Hindi ko alam pero hindi ko na talaga gustong makausap pa siya, bumabalik lang lahat yung sakit na nararamdaman ko. Siya at siya pa rin talaga pero ano bang magagawa ko? Nagbunga yung kataksilan niya sakin.

Binabaan ko siya ng tawag dahil wala naman na kaming dapat pang pag-usapan. Bakit ba sa tuwing si Deserei ang tumatawag ay nagkakaroon ng signal?! Bakit kapag ako ang tatawag kayla eomma ay nawawalan? Ganyan ba kalupit sakin si tadhana? Bakit ba ang sama niya sa mga poging katulad ko?

Umupo ako sa counter at saka umorder ng beer. Hindi kagaya kahapon ay may attendant naman na dito at salamat sa Diyos at hindi zombie kagaya ng mga attendant kahapon.

Napansin ko lang na.. hindi ko siya napansin kahapon dito at dalawa na lang yung attendants na nakikita ko. Yung matanda at yung isang lalake, mukhang hindi ko siya napansing paikot-ikot kahapon.

"Siguro nagtataka ka kung sino ako." Natatawa nitong sabi. Teka? Nabasa niya yung nasa isip ko? "Hindi ako nakakabasa ng isip pero ganyan din kasi yung reaksyon nung babaeng pumasok dito kanina." Putek! May sa demonyo ba 'tong babaeng 'to?!

Napagpasyahan ko na lang na wag siyang kausapin at ipagpatuloy yung pag-inom ko, hindi naman ako madaling malasing kaya okay na okay pa.

"Hay nako, sir.. hindi mo talaga ako makikita kasi ako yung captain nitong train!"

Train to Daegu | bts m.ygTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon