MDTB 13: Falling

1K 44 14
                                    

Napatitig ako kay Rance na kasakalukuyang nakahilata sa kama niya. Shit. Paano ko siya bibihisan nyan?

Huminga ako ng malalim at umiling. Bakit ang init sa condo ni Rance? Ugh. Naglakad nalang ako papunta sa walk in closet niya tsaka pumili ng shirt at shorts na susuotin niya.

Pagkabalik ko ay umupo ako sa gilid ng kama para mas mabilis ko siyang bihisan. Tinangal ko ang botones ng polo niya pero nagulat ako nang bigla siyang bumangon at sumuka sa damit ko.

"Fuck. Rance!" Dali-dali akong tumayo at dumiretso sa cr. Gosh, nakadress ako ngayon at wala akong ibang damit na dala.

Nakarinig ako nang katok sa pinto kaya binuksan ko iyon. Kaagad nanlaki ang mata ni Rance nang makita niya ako kaya naman ay napairap nalang ako sa kawalan.

"Meg? Am I that drunk? Ikaw ba talaga yan? Why are you-" Hindi niya tinuloy ang tanong niya dahil bumaba ang tingin niya sa dress kong may suka niya. "Uhhh, sorry kung uhh.. nasukahan kita. I'll go get some shirt then." Sabi niya at nagiwas tingin sa akin.

Hinintay ko nalang siya sa loob ng cr at pagkabalik niya ay may hawak na siyang gray shirt and boxers. Kinuha ko iyon sa kanya at nagpasalamat. Sinabi ko din na magpalit na siya ng damit para tuloy-tuloy na yung tulog niya doon.

"Magsha-shower lang muna ako." Sabi ko sa kanya. Nagiwas tingin nanaman siya sa akin kaya kumunot na ang noo ko.

"Uhh, yeah." Sagot niya at bumalik na sa walk in closet niya para magbihis.

Mabilisan lang akong naligo dahil medyo nahihiya din ako lalo na't condo ito ni Rance. Sinuot ko ang oversized niyang gray shirt at boxers bago lumabas ng cr. Nakita kong napatingin siya sa akin na para bang sinusuri ang suot ko ngayon.

"Gutom ka na ba? I'll cook.." Sabi ko kaya napataas ang isa niyang kilay.

"You don't know how to cook." Sabi niya. Ang yabang talaga nito, akala mo kung sinong magaling magluto eh.

Aawayin ko sana siya nang makita kong napahilot siya sa sentido niya. Oo nga pala at medyo masakit pa ang ulo nito dahil sa hangover.

"Magpahinga ka nalang dyan, labas muna ako magluluto lang. Okay lang naman sayo yung itlog na sunog diba?" Tanong ko.

"What the fuck, Meg?"

Nagkibit-balikat nalang ako at lumabas na ng kwarto niya. Nagbibiro lang naman ako. Nang makapunta na ako sa kitchen niya ay kaagad kong tinawagan si Marky.

"Miss me, bish?" Bungad niya kaya napairap ako.

"Bakla. I need your help." Sabi ko at umupo muna habang hinihintay ang sagot niya.

"Alam mo namang hindi itesh free diba?" Huminga nalang ako ng malalim at tinanong kung anong gusto niyang kapalit. "Hmm, kasi ganitesh itesh sis.. kilala mo naman ang one and only babes ko diba? Ehh.. gusto ko sanang yayain siyang mag-date kaso I don't have the guts sis! Last date nalang ito kasi graduate na sila next year." Malungkot niyang sinabi.

Ahh, oo si Niel Santos yung crush niya. Kaklase yun ni Rance kaya madali kong matutulungan itong baklang 'to.

"Oo na. Akong bahala doon. So pwede mo na ba akong tulungan, huh? Alam mo namang wala akong alam sa pagluluto diba.." Sabi ko.

"Edi magpadeliver ka. MyGosh, sis! Shunga mo." Namilosopo pa ang gaga.

"Eh kung hindi kaya kita tulungan dyan? Bwiset ka. Lasing kasi si Rance at hindi ko alam kung anong kailangan niya tsaka gutom siya. Hindi ko alam ang gagawin ko." Sabi ko.

"Gaga! Hangover soup lang hindi mo pa kayang gawin. Pakshet ka girl.. pasalamat ka mahal kita, huh. Hay! Sunudin mo yung mga sasabihin ko, okay?" Sabi niya kaya naman ay napangiti ako.

Must Date The BadboyKde žijí příběhy. Začni objevovat