MDTB 6: I Love You

1.1K 34 3
                                    

"Wow, bish! You look fab." Tumawa ako sa reaksyon ni Marky nang lumabas ako mula sa kwarto ko.

May lakad kasi kami and that is why kailangan namin itong paghandaan kasi birthday ngayon ni Ashton. Of course, I am expecting to see Rance there kaya kailangan presentable yung damit ko ngayon.

"Anything to say, queen bee?" Ngisi ko kay Ath kaya naman ay napataas siya ng kilay.

"You look beautiful.. pero di hamak na mas maganda pa din ako. Duh!" Maarteng sabi niya sabay flip ng hair niya.

"Forever feelingera." Pangasar ni Marky kaya tinapunan lang siya ng tingin ni Ath. "Halika na nga! Baka malate tayo dun sa party! Omg." Sabi niya at lumabas na ng condo ko kaya sumunod na lamang kami ni Ath.

"So how's the lovelife?" Biglaang tanong sa akin ni Athena. Medyo hindi ko maexplain ang awra niya ngayon. Parang ang seryo-seryoso niya at mukhang malalim ang iniisip.

"I guess lumelevel up na din naman ako? Maybe. I'm not that sure." Sabi ko nang hindi tumitingin sa kanya.

"Hindi ka ba nakokonsensya, Meg? I mean sa plano mo? You can't keep this forever, he'll know everything soon." Deretsyahang sinabi niya sa akin.

"What can I do? I don't have any choice-" Sumingit siya at pinutol ang sinasabi ko.

"You have, Meghan. You've picked the wrong choice nga lang. Kaibigan mo ako. I've always got your back, but this one.. you're totally wrong. I didn't mean na hindi mo ako kakampi pero just think about it. Napasaya mo nga ang ibang tao habang siya ay sinaksaktan mo naman. It's not fair, Meghan. Try to think about Rance's feelings too, try to think if he really does deserve any of this." Sabi niya at nauna nang maglakad.

I know. I know I'll hurt him.. pero I want to grant tito Johnny's wish. Ibang usapan na kasi ito eh. His dad is dying. I want to make him smile bago siya mawala dito. He's like my father, tinuring niya akong tunay na anak because he knew everything about my real dad. And this is the only way to make him happy kapalit ng mga ginawa niya sa akin.

I just need someone na makakaintindi sa side ko. I didn't even wanted to do this! I hated Rance for so many years pero I didn't even think to make him believe that I love him as my revenge.

"Hello! Earth to you, bish. Kanina ka pa tulala. Aminin mo nga, nagdadrugs ka 'no?" Natauhan nalang ako nang marinig kong sinabi iyon ni Marky.

"Ang daldal mo, Marko! Hayaan mo muna manahimik yang si Meghan para naman matauhan siya, okay?" Sabi ni Athena na kasakalukuyang nagdadrive ngayon.

"Ano ba! Nakakainis na yang Marko na yan ah. Kung bakit ba naman kasi yan ang ipinangalan sa akin ni mother rainbow. Tigil-tigilan niyo na nga ang pagtawag sa akin nyan. Parehas kayo ni Ashton na makulit ah, pero infairness bagay naman kayo. Kaloka!" Maarteng sabi ni Marky sabay irap.

Nakita kong namula ang pisngi ni Athena at nanahimik. Anong meron? May namamagitan ba sa kanilang dalawa? Himala at hindi siya umangal ah.

"W-we're here." Hindi ko alam kung anong meron ngayon kay Ath. Para siyang kinakabahan na hindi ko ma-explain? Eh birthday lang naman ni Ashton ngayon ah? Ano bang meron sa kanila?

"Ath, you okay? Namumutla ka dyan?" Tanong ko ng makababa na ako ng kotse. Umiwas naman siya ng tingin at kinagat ang labi niya.

"I'm fine, Meg. Okay lang ako, don't mind me." Sabi niya at ngumiti ng peke. I want to ask her about Ash pero bigla kaming hinila ni Marky.

"Hinihintay na tayo nila kuya sa loob!" Sigaw niya at hinila na kami papunta sa loob.

Kitang-kita ko kaagad si Rance na kausap si Ashton sa loob. Ang gwapo niya! I mean.. ano.

Kinabahan ako ng napatingin siya sa direksyon namin. His eyes are locked on mine kaya mas lalong bumilis ang tibok ng puso ko. Why?

"Hi, tonton! Happy birthday!" Bati ni Marky sabay abot ng regalo niya. Pabirong tinulak ni Ashton si Marky at tinapik ang balikat nito.

"Happy birthday, Ash." Ngumiti ako sa kanya at inabot din ang regalo ko.

"Thanks Meg." Akmang yayakapin niya na sana ako pero biglang may humawak sa bewang ko at inilayo ako kay Ashton.

"Nah." Seryosong sabi ni Rance habang nakatitig sa kanya. Itinaas nalang ni Ashton ang dalawa niyang kamay sa ere sabay ngisi.

"H-happy birthday, Ashton.." Nanlaki kaagad ang mata niya pero hindi niya iyon pinahalata. Bakit parang nagulat siya na nandito si Athena? Ano bang meron sa kanila? Naiintriga tuloy ako.

"Yeah.. uh, thanks." Nagiiwas tingin silang dalawa sa isa't isa. Okay, ang weird nilang dalawa ah. Ano ba kasing meron!

Napatingin ako sa katabi ko nang mas lalo niya pang higpitan ang hawak niya sa bewang ko.

"Ano meron kay Ath pati kay Ash?" Para na tuloy akong chismosa dito but I don't mind. Gusto ko lang talaga kasing malaman.

"Hmm.. let's just leave them alone here." Hinila niya ako papunta sa labas. Hindi naman uso ang hilahan ngayon diba?

Kahit kating-kati na akong magtanong ay hindi ko nalang ginawa. Respeto nalang siguro. Mukhang ayaw kasi talaga nilang sabihin eh.

"You look beautiful tonight." Namula ako ng marinig ko ang boses ni Rance mula sa likod ko. What did he say?

(A/N: Enebeyen kinikilig ako HAHA feeling ko ako si Meghan jusko! Enebe fafa Rance anakan mo nga ako mga bente lang kerri na yon para pak!)

"So ngayon lang talaga ako maganda, huh?" Pagtataray ko sa kanya. I heard him chuckle kaya humarap ako sa kanya nang nakakunot ang noo.

"You know what I'm trying to say, Meg." He said habang ang mga kamay niya ay nasa bulsa niya. Ngumiti nalang ako sa kanya, alam ko naman yung gusto niyang iparating eh. I just don't want him to think na kinikilig ako.

"Thanks." Sabi ko at nagiwas tingin sa kanya. Okay, act cool. Biglang nagpalit ang tugtog at naging slow dance ito. I saw couples na nagsasayaw na sa gitna and others naman na walang kaporeber ay pumunta nalang sa kainan.

"May I?" Ngumiti ako at ibinigay ang isang kamay ko kay Rance. He really is sweet tonight.

Nang nagpunta kami sa gitna ay iniharap niya ako sa kanya habang nilalagay ang dalawa kong kamay sa batok niya at tsaka niya hinawakan ang bewang ko. Sobrang lapit namin sa isa't isa kaya hindi ko maiwasang mapatingin sa perpekto niyang mukha.

His eyes na parang isang tingin niya lang sayo ay matutunaw ka na. His nose na sobrang tangos. His lips na akala mo'y naglilipstick dahil mapula. I don't know why pero sa tagal kong kakilala si Rance ay ngayon ko lang naappreciate ang kagwapuhan niya. I even thought that he was ugly at first tapos isama mo na din ang kanyang ugali. But now.. he's different from the Rance that I knew.

"Meghan.." Napapaos niyang bulong sa tenga ko. Lumayo ako sa kanya para harapin siya. "Yes?" Sagot ko. Hinintay ko lang siyang magsalita at tinignan sa mata.

"Stop courting me." Parang may tumusok sa puso ko. I don't know what was that for pero parang gusto kong umiyak na hindi ko alam.

"What-" Hindi ko natapos ang sasabihin ko dahil hinalikan niya ako. Hindi lang siya simpleng smack kundi tumagal ang kanyang halik ng ilang segundo.

"I want you to be mine already." He said at ipinagdikit ang noo namin. Nakita ko ang pagngiti niya na umaabot din hanggang sa kanyang mga mata. "Hey.. stop crying." Maski ako ay nagulat din dahil sa luha na pumatak sa mga mata ko. Kaagad niya naman iyong pinunasan gamit ang daliri niya.

"A-akala ko... s-sabi mo.. bwisit ka!" Tinakpan ko ang mukha ko at isinubsob iyon sa matigas niyang dibdib. Narinig ko siyang tumawa ng mahina habang niyayakap ako ng mahigpit.

"You didn't let me finish." Sabi niya habang hinaharap ako sa kanya. Tinangal niya ang kamay ko na nakatakip sa mukha ko. Bakit ba kasi ako umiiyak? Argh.

"Hey.." Itinaas niya ang ulo ko gamit ang kanyang daliri kaya naman ay nagkatinginan kami sa mata.

"I love you, Meghan Alianna Sandoval."

Must Date The BadboyWhere stories live. Discover now