MDTB 8: Babae Mo

1K 33 4
                                    

Happy 1,000 reads! ♡ Feel free to vote and ask me questions in the comment box. Enjoy reading!

***

Pagkabalik namin ni Adrian ay nakita namin magisa si Rance na nakasandal sa pader habang ang kanyang kamay ay nasa bulsa niya.

"Anong ginagawa mo dito, Rance?" Tanong ko. Why is he not with Knoxx and Ashton?

"Waiting for you. Tch." Masungit niyang sinabi. Ang moody naman nito! Parang kanina lang ang sweet niya sakin tapos biglang sumingit nanaman.

Nauna na siyang maglakad kaya wala akong magawa kundi ang sundan nalang siya sa likod.

"Pagpasensyahan mo na yun. Nagseselos eh. Pfft." Sabi ni Adrian sabay gulo ng buhok ko at umalis na.

Nagseselos daw? Bakit naman mag-seselos yang si Rance eh kinausap ko lang naman si Adrian ah?

"Bakit ba ang sungit mo." Sabi ko sa kanya nang makasabay ko siya sa paglakad. Nagpout ako at tumingin sa ibang direksyon.

"Anong pinagusapan niyo?" Balik na tanong niya sa akin. Hindi ko namalayan na nasa locker room na pala kami at himala walang tao dito ngayon.

"Hmmm, wala naman. Nagpapatulong lang siya para kay Jess." I lied.

Nagulat ako nang bigla niya ako sinandal sa mga locker. Hindi ako makagalaw dahil sobrang lapit niya sa akin, yun bang konting hinga ko lang mahahalikan ko na siya.

"Bakit sayo? Why do you need to talk in private? Why are you so close with Adrian?" He asked.

"Ang dami naman ng tanong mo." Sabi ko. Mas lalo namang nagseryoso ang mukha niya. "Hehe sungit joke lang. Bakit sakin? Kasi babae din ako, alam ko yung mga tipo ng babae. Why do I need to talk to him in private? Kasi nahihiya siya. Why am I so close with Adrian? Kasi kaibigan ko din siya." I lied.

Nanlambot naman ang ekspresyon ng mukha niya. Naniwala siya sa akin?

"Why do you have to lie to me?" Napapaos niyang sinabi. Nagiwas ako ng tingin. Paano niya nalaman na nagsisinungaling ako sa kanya?

"Rance.." And just by that he owned my lips again. Dammit, bakit ang hilig niyang manghalik! And why can't I stop him from doing that?

"Go to your room. You're late." Sabi niya at hinalikan ako sa noo tsaka iniwan akong magisa doon.

Bakit parang ang lungkot ng itsura niya? Bakit kahit ngumiti siya sa akin kanina, hindi pa din umabot iyon sa mga mata niya?

-

Natapos na ang klase. I was expecting to see Rance outside pero ni anino niya ay hindi ko nakita.

From: Rance

Can't go with you 'cause of training.

Oo nga pala at basketball player sila Rance. Papalabas na sana ako ngayon ng makita ko si Ashton na cool na cool pang naglalakad.

"Uy, Ash! Diba may training kayo ngayon?" Kunot noo kong tinanong.

"Huh? Wala kaming training ngayon. Tuwing thursday and friday lang. Bakit?" Naguguluhan niyang tanong sa akin.

Tuwing thursday and friday? Eh monday palang ngayon ah.

"Ah.. eh.. sige salamat!" Iniwanan ko siyang naguhuluhan doon. Siguro nagtataka siya kung bakit hindi ko kasama ngayon si Rance. Ako din naman eh hindi ko alam.

Bakit siya nagsinungaling sa akin? Bakit hindi siya nagpapakita sa akin ngayon? Bakit niya ako iniiwasan? Okay naman kami kanina diba?

"Hi bish!"

Ano bang ginawa ko? Nakipagusap lang naman ako kay Adrian kanina diba? Nagalit ba siya dahil doon?

"Hello teh, nasa wisyo ka pa ba? Jusko sabi ko na nga ba nagdadrugs kana." Nawala ang mga iniisip ko nang marinig kong nagsisisigaw si Marky sa harap ko.

"Oh Marky. Nandyan ka pala." Sabi ko at napaikot naman siya ng mata.

"Duh, kanina pa ako dito. Ano ba yang iniisip mo at parang sobrang lalim kaya di ko mareach?" Maarte niyang tanong. Pasalamat 'tong baklang 'to at maganda siya kundi baka nasapak ko na ito.

"Wala. Nasaan si Athena?" Parang nawalan ako ng ganang makipag-usap sa mga tao ngayon. Nakakabadtrip.

"Nandyan-dyan lang yung bruhang yun. Malamang kumekendeng kendeng na yun sa mga papi dito." Tumango lang ako sa kanya.

"Alam mo bish, kung may problema ka.. kerri naman na akesh ang paglabasan mo ng sama ng loob eh. Libre lang naman kasi maganda ako." Napangiti ako sa sinabi ni Marky.

"Kahit may halong kasinungalingan yun. Thank you, bish. Naappreciate ko pero siguro sakin nalang muna." Sabi ko. Huminga naman siya ng malalim at niyakap ako.

"It's okay, bish. Basta kung kailangan mo ng tagaresbak nandito lang kami ni queen bee. Just tell us when and where." Seryosong sabi niya. Natawa naman ako. Kaya ba nilang resbakan si Rance? Panigurado ako chachansingan lang nila yun kaya huwag na.

-

Gabi na nang maisipang kong gumala sa mall. Medyo wala pa din ako sa mood kasi nihindi man lang ako tinext o tinawagan ni Rance. Damn him. Akala niya ba ako pa ang manunuyo sa kanya? Lul. Asa siya.

"Aray! Ano ba? Hindi ka ba tumitingin sa dinadaanan mo?" Sabi ko sa nakabangga ko. Nang tignan ko siya ay nanlaki kaagad ang mga mata ko.

Hindi din siya nakapagsalita at hindi ko din alam ang dapat kong ireact.

"Sweetheart, ano na? Akala ko ba we're gonna make out in my condo?" Malanding sinabi ng babaeng kasama niya sabay halik nito sa leeg ni Rance.

Gusto kong magalit sa kanya. Gusto kong sigawan siya. Gusto kong kaladkarin yung babae at resbakan. Gusto kong umiyak.

"Excuse me.." Sabi ko at naglakad na papalayo sa kanila. Hindi maiwasan ng luha kong hindi tumulo. Shit, mukha na ata akong tanga dahil napapatingin sa akin yung ibang tao.

"Meghan." Mas lalo kong binilisan ang lakad ko hanggang sa makarating na ako sa tapat ng kotse ko. Akala ko makakatakas na ako sa kanya pero niyakap niya ako sa likod.

"Let me fucking go, Rance." Sabi ko habang tinatanggal ang kamay niyang nasa may bandang tiyan ko.

"No. I won't let you fucking go. Never, Meghan." Mas lalo niyang dinikit ang sarili niya sa akin.

"Are you serious, huh? Pagkatapos mong magsinungaling sakin na may training kayo maaabutan kitang may kasamang babae sa mall? And what? Make out in her damn condo? Ha-ha! Doon ka na sa babae mong haliparot." Sabi ko at sakto namang nakaalis ako sa pagkakayakap niya sa akin kaya mabilis akong pumasok sa kotse ko. Pero bago ako makapasok ay narinig ko pa ang malutong niyang mura.

"Fuck."

At may gana pa siyang murahin ako, huh. Damn you, Rance Anderson! Mabulok ka sana kasama yung babae mo.

Must Date The BadboyWhere stories live. Discover now