MDTB 9: His Condition

995 29 5
                                    

Tatlong araw..

Tatlong araw ko ng iniiwasan si Rance. Lagi siyang may text at tawag sa akin pero hindi ko siya sinasagot.

Hindi ko alam kung bakit ako nag-kakaganito. Hindi ko alam kung bakit ako nagagalit sa kanya. Basta ayoko muna siya makita.

"Bish.." Napatingin ako nang mag-salita si Marky sa tabi ko. "Tatlong araw mo na siyang iniiwasan." Sabi niya.

"At tatlong araw ka na ding tulala at lutang." Dagdag ni Athena. Tinapos ko nalang ang kinakain ko at hindi sila sinagot.

"Meghan..." Halos manigas ako nang marinig ko nanaman ang boses niya.

God knows kung gaano ko siya namimiss. Shit.

"Una na pala ako, bish. Najejebs ako." Paalam ni Marky sabay kindat kay Rance. Harot.

"Sabay na tayo bakla! Natatae din pala ako. Bye, Meg." Sunod na sabi ni Ath sabay alis na din.

So in short naiwan kami ni Rance dito. Yung totoo? Kaibigan ko ba sila?

Tumayo na din ako at iniwan si Rance doon. Pero nagulat ako ng hinila niya ako sa ibang direksyon. Ang kinalabasan nasa garden kami at sa kasamaang palad pa ay kami lang ang tao dito.

"Ano ba?!" Binawi ko ang kamay ko mula sa kanya. Huminga naman siya ng malalim at humarap sa akin.

"Look, I'm sorry.. It's just that-" Hindi ko na siya pinatapos.

"Argh. Bakit mo ba ako kinakausap? Hindi ba dapat nandun ka sa babae mo, huh? Wala akong pake sainyo, okay? Pakasaya sana kayo. Maghahanap ka na nga lang ng pamalit sa akin, yun pang hipon." Sabi ko at inikutan siya ng mata.

Tang ina, magpakasaya kayo ah!

"Let me explain, babe-" Natigil nanaman siya nang magsalita ulit ako.

"Wag mo nga ako mababe-babe dyan! Ano ba, Rance? Nambabae ka na nga lahat lahat pero ang kapal pa din ng pagmumukha mong tawagin akong babe?! Fuck you!" Tumalikod na ako pero hinila niya nanaman ako kaya napayakap ako sa kanya.

"Nambabae ako because I knew that you-" Hindi nanaman natapos ang sinasabi niya ng tumunog ang phone niya.

Binitawan niya ako at kinuha ang phone niya mula sa bulsa niya. Nakita ko kung paano kumunot ang noo niya kaya pasimple akong sumilip kung sino ang tumatawag sa kanya. Baka yung babaeng haliparot na yun eh, mahirap na.

"H-hindi mo sasagutin?" Tanong ko. Alam kong hindi pa kami bati pero nang makita kong si tito Johnny ang tumatawag ay kaagad akong kinabahan.

Tinignan niya ako sa mata na para bang nagtatanong kung tama bang sagutin niya ito kaya tumango lang ako. Huminga siya ng malalim at ginulo ang buhok niya. Lumayo muna siya sa akin para sagutin ang tawag.

Nanatili akong nakatayo doon habang hinihintay si Rance. Maya maya pa ay bumalik siya at mukhang natataranta at hindi alam ang gagawin. Tinanong ko siya kung bakit pero ang sinagot niya lang ay ang pangalan ng isang hospital kaya naman ay nanlaki kaagad ang mata ko nang maalala ko ang condition ng tatay niya.

Sumakay kami parehas ng kotse niya at mabilis niya naman itong pinaharurot papunta doon. Hinawakan ko ang kamay niya buong byahe dahil kita kong kinakabahan talaga siya at tila natataranta.

Nang makarating kami doon ay dali-dali naming pinuntahan ang room ni tito. Sinalubong naman kami ng isa niyang pinsan na si Yuan. Tinapik niya kaagad ang balikat ni Rance at sumenyas na pumasok na siya.

Hinawakan niya ng mahigpit ang kamay ko at pinisil-pisil iyon. Alam ko ang nararamdaman niya ngayon dahil sino ba naman ang magaakalang may sakit ang isang masayahin at mabait na tatay niya.

"Anak..." Ngumiti ng mahina si tito kaya naman ay napatingala si Rance upang pigilan ang luhang tumutulo na ngayon sa mga mata niya.

"Why did you kept your condition from me?" Bakas sa boses niya ang sakit habang tinatanong iyon. Nakita kong napaiyak na din si tito Johnny habang umiiling-iling.

"Ayaw kong magalala ka at mas lalong ayokong maging pabigat sa iyo anak... Please forgive me. Mahal na mahal kita.. kayo ng mommy mo. At masaya ako na kaunting panahon nalang at magsasama na kami sa langit.." Sabi niya. Hindi ko na rin napigilan ang pagtulo ng luha ko.

"Don't you ever say that. Hindi ka pa mamamatay." Sagot ni Rance ngunit umiling-iling lang ang tatay niya.

"Stage 4, lung cancer. Hinihintay ko na lamang ang pagpanaw ko anak... Wala na akong pagasa pang mabuhay dito sa mundong ito." Ginulo ni Rance ang buhok niya habang lumalapit kay tito.

"Shit. Why didn't you tell me nung hindi pa malala? You can't leave me like this.. Mom died and I can't let you fucking die. I can't.. I can't lose you too.." Niyakap niya si tito kaya hindi ko mapigilang mapahagulhol na din.

"I'm so sorry, anak.. but let's just accept na hanggang dito na lamang ang aking buhay. I'm sorry. I don't want to leave you.. but I can't do anything about it."

-

Nasa condo ako ni Rance habang hinihintay siyang ayusin ang mga gamit niya. Babantayan niya kasi si tito Johnny ng dalawang araw doon sa hospital at ang ibig sabihin nun ay hindi muna siya papasok.

Nang makita kong tapos na siya mag-ayos ay nilapitan ko kaagad siya at niyakap ng mahigpit.

"I'm sorry.. Hindi ko kaagad sinabi sayo.." Pinatong niya ang ulo niya sa balikat ko. Naramdaman ko ding basa iyon kaya alam kong umiiyak siya.

"Don't be. I know how much you care for my dad. Kahit ano pang ipagawa niya sayo ay susunurin mo. And that's how much you love him as your second father." Makahulugang sabi niya. Ayokong magisip ng kung ano-ano dahil ang mas importante munang isipin ngayon ay ang malubhang kalagayan ni tito Johnny.

Ilang minuto na ang nakalipas tsaka namin naisipang bumalik na sa hospital. Nagpaalam muna si Rance na kakausapin niya lang daw muna si Yuan sa labas kaya naman ay kaming dalawa lang ni tito Johnny ang natira dito.

"Meghan.. maraming salamat. Alam kong wala ka talagang nararamdaman sa anak ko ngunit ginawa mo pa din itong lahat dahil sa akin. Masaya akong makita kayong magkasama ni Rance. Kita ko kung paano mo siya napapasaya at alam kong ikaw at ikaw lamang ang makakagawa nun sa kanya. Lumaki kayo ni Rance na hindi magkasundo, away dito sigawan doon. Pero alam kong unti-unti na ding nagbabago ang tingin mo sa kanya.. na hindi siya yung lalaking pambubully lang ang alam, na taong walang puso, masama ang ugali.. Sayo niya lang pinapakita ang totoong siya. Yung mahinang Rance, yung umiiyak na Rance, yung masayahin at higit sa lahat ay yung nagmamahal na Rance." Umubo siya ng mahina pero kaagad na ngumiti.

"Ang payo ko lang sa iyo, ija.. Sana ay huwag mong pigilan ang nararamdaman mo. Alam kong unti-unti ka na ding nahuhulog sa anak ko. Alam ko. At alam kong alam mo rin pero ayaw mo lang aminin sa sarili mo ang totoo." Ngumiti siya sa akin kaya napangiti din ako.

Alam niya..

Bumukas ang pinto at nakita kong papasok sila Rance at Yuan doon. Tinignan ko si Rance pero nagulat ako nang magiwas tingin siya sa akin.

Anong problema? Bakit parang pakiramdam ko may tinatago siya sa akin?

Author's Note:
Sorry matagal po yung update.
Medyo busy din po kasi sa school. :))

Must Date The BadboyWhere stories live. Discover now