MDTB 7: End This

1.1K 30 0
                                    

Nakahiga na ako sa kama at iniisip ang mga nangyari kanina. Kami na ni Rance for real. Wala ng ligawan, hindi ko na paghihirapan. Parang ang saya saya ko lang ngayon na yun bang gusto ko pang magpaparty sa tuwa.

Pero on the other hand, naisip ko rin ang mga sinabi sa akin ni Athena at Adrian. I really should think about his feelings too.. lalo na kanina na sinabi niya sa akin ang 3 words na hindi ko inaasahang sasabihin niya sa akin at ang nagpatibok ng malakas sa puso ko.

Is it wrong to think about the others? Mali ba itong ginawa ko? Is it too late para umatras na? Until when will I keep my plan to him? Hanggang kailan ako magsisinungaling sa kanya? Will he understand my side if I tell him the truth?

That was all the questions running in my mind. Nihindi ko na nga alam kung ano ang iisipin ko eh.

Tumunog ang phone ko kaya chineck ko kung sino ang nagtext sa akin.

From: Rance

Can't sleep. I love you.

Bumilis nanaman ang tibok ng puso ko. Kita niyo na ang nagiging epekto niya sa akin? He's just to sweet kaya mas lalo akong nakokonsensya sa mga pinaggagawa ko.

To: Rance

Heh. Tulog ka na nga! It's almost 1 in the morning.

Reply ko sa kanya. Wala pang isang minuto at nagreply na siya sa akin. Ang bilis naman nitong magreply. Hindi naman siya excited ano po?

From: Rance

I'm callin you.

Pagkabasang-pagkabasa ko palang nun ay bigla nga siyang tumawag kaya sinagot ko naman iyon.

"Hey, did I wake you up?" Bungad niya kaya hindi ko maiwasang hindi mapangiti.

"Hmmm.. hindi naman." Nakarinig ako ng konting ingay. Mukhang nagpalit ata siya ng posisyon niya sa kama.

"Come again?" Sabi niya na gamit ang kanyang husky voice. Shit naman Rance! Bakit ba kasi ang hot mo?

"Sabi ko hindi naman." Niyakap ko ang unan ko habang nakanguso.

"Nah, what did you say before that?" Tanong niya nanaman. Teka bakit ba paulit ulit 'tong lalaking 'to?

"Alin? Yung hmmm?" Sabi ko nanaman habang umuupo.

"Yung ano ulit?"

"Yung hmmm nga?"

"Say it again."

"Tigil tigilan mo nga ako. Hindi na ako natutuwa sayo, huh." Pagsusungit ko sa kanya. I heard him chuckle, at may gana pa talaga siyang tumawa ah!

"Matulog ka na nga.." Sabi ko tsaka humiga ulit ng kama ko at niyakap ang unan.

"Hmm, I'll wait for you to sleep. Bakit gising ka pa?" Medyo natawa ako dahil may accent yung tagalog niya pero he's really fluent in Filipino, yun nga lang may accent dahil may lahi siya.

"Wala lang. Hindi ako makatulog eh." Sabi ko at nagpout. As if naman makikita niya yun diba, syempre hindi. "Kanta ka, please?" Sabi ko.

Bata palang kami ay nahuli kong kumakanta at nag-guguitara si Rance. Ang lamig ng boses niya, yun bang ang sarap pakinggan. Pero pagkatapos niya akong mahuli na nakikinig sa kanya ay hindi ko na ulit siya narinig kumanta.

"Why do you want me to sing?" Takhang tanong niya sa akin. "Para makatulog na ako.." Sagot ko.

Nagsimula na siyang kumanta pero parang ayoko matulog. Gusto kong marinig ang boses niya hanggang sa matapos niya ang kanta niya. Ang sarap pakinggan, parang damang-dama niya talaga ang kanta. Mas pipiliin ko nalang makinig sa kanya kesa matulog.

Must Date The BadboyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon