MDTB 3: The Kiss

1.2K 36 1
                                    

Tatlong araw na ang nakalipas. Ganun pa din, todo effort pa din akong ligawan si Rance. Pinark ko na ang kotse ko at bumaba. Nagyaya kumain si Adrian dahil gusto din daw niya akong kausapin.

"Buti naman dumating ka, Meg." Sabi niya kaya ngumiti lang ako.

"May problema ba? Bakit gusto mong magusap?" Tanong ko tsaka umupo. Tinignan niya lang ako at bumuga ng hininga. I guess this is kind of like a serious talk.

"Meghan.. alam mo namang matagal na kitang kilala diba? Kaibigan ka ng kapatid ko." Medyo kinabahan ako sa susunod niyang sasabihin. Sa apat na magkakaibigan na iyan, si Adrian kasi yung pinakaseryoso at maayos kausap.

"Alam kong hindi mo talaga gusto ang kaibigan ko." Halos manigas ako sa kinauupuan ko. Paano niya nalaman? Sinabi ba sa kanya ni Marky? Alam ba ito ni Rance?

"Adrian..." Hindi ko alam ang sasabihin ko. I'm shocked. Hindi ako pwede magsinungaling sa kanya dahil kilala niya ako.

"Please, Meghan. If you're planning to continue this.. just stop okay? You'll hurt him." Sabi niya.

"Hindi mo naiintindihan, Adrian. I have to do this. Mahirap din gawin ito para sa akin pero kahit ngayon lang.. I have to think about the others too." Sabi ko habang nakatingin sa mga mata niya.

At first, ginawa ko ito dahil sa dare ni Marky. I said I liked him then he rejected me. Nakiusap sa akin si dad about kay tito Johnny and I'm sticking with my plan.

"Yeah, right. Others? What about Rance? Hindi mo ba naisip yung mararamdaman niya kapag tinuloy mo toh?" Natigilan ako.

"I'm sorry pero kung ikaw din ang nasa posisyon ko, alam kong ito din ang gagawin mo. Just try to understand my situation right now, Ad." Sabi ko at ngumiti sa kanya.

"I don't understand. Bakit mo ba siya kailangang paniwalain na mahal mo talaga siya? Why do you have to do this? Meghan.." Parang nakikiusap na ngayon ang mata niya.

Magsasalita na sana ako nang biglang dumating ang order namin. I guess this is a sign for me na huwag munang sabihin sa kanya.

Tahimik lang kaming kumain. Hindi ko alam kung nagalit ba siya sakin pero I'm not doing this for myself naman diba. I am doing this for my and his dad.

"I'll respect your decision, Meghan. Hindi mo ito gagawin kung wala kang rason. But try to know him more, hindi siya ang Rance na kilala mo na walanghiya. Try to love him." Seryoso na sinabi niya.

Ewan ko kung bakit pero bumilis ang tibok ng puso ko. Eh? Weird.

"I am trying to know him more, Adrian. But I can't promise you that I'll love him ng ganun-ganun lang. You know me." Tumango lang siya sa akin.

"Thank you for making him this happy." Sabi niya at ngumiti. What? For making him happy?

"What do you mean?" Tanong ko sa kanya pero hindi niya ako sinagot at ibinalik ang atensyon niya sa pagkain.

-

Pauwi na ako nang maisipan kong dumalaw kay tito Johnny.

I wonder if Rance knew about this. Hindi kasi sila in good terms ni tito ngayon kaya hindi ko alam kung alam ba niya na may cancer ang tatay niya.

"Ija.. buti naman at napadalaw ka." Nanghihina niyang sinabi. Umupo ako sa upuan katabi kung saan nakahiga si tito. "You knew I'm sick." Sabi niya kaya tumango lang ako.

"Alam po ba ito ni Rance?" Tanong ko. May karapatang malaman si Rance dahil anak niya ito kahit pa nagaway sila.

"I... I don't know, ija. Hindi pa kami nakakapagusap simula nang nagkasagutan kami. Hindi siya rito sa mansyon umuuwi, he has his own condo." Paliwanag niya.

Nalulungkot ako para sa kanila sa totoo lang. Nung mga bata pa kasi kami sobrang close nila, yun bang parang nakamagnet si Rance sa tatay niya.

"Sana po sabihin ninyo sa kanya... I'm sure he misses you a lot." Ngumiti ako at hinawakan ang kamay niya.

Para ko na siyang pangalawang tatay. No.. no.. sa totoo lang parang siya ang tatay ko talaga since wala namang inatupag si dad kundi ang company. Naalala ko pa dati tuwing inaaway at inaasar ako ni Rance, sa kanya ako iiyak at magsusumbong tapos pagsasabihan niya naman ang anak niya. Nakakatuwa isipin.

"I missed him too, ayokong magalala siya sa akin. Mahal na mahal ko ang anak ko, Meghan. So please kapag nawala na ako... I want you to take care of him. I want you for my son." Parang bumilis nanaman ang tibok ng puso ko. Oh gosh, ano ba 'to?

"Don't worry, tito. I'll take care of him.." but I am sure I'll hurt him real soon.. sorry.

Nagkwentuhan lang kami hanggang sa naisipan ko ng umuwi. Habang nagmamaneho ako ay biglang nagring ang phone ko kaya sinagot ko naman yun.

"Rance?" Hindi siya sumagot kaya rinig ko ang ingay mula sa... bar?

"Uy! Pipi ka na ba ngayon?" Aba at ang kulit nito ah. Tinawagan ako tapos hindi naman nagsasalita.

"Kung wala kang sasabihin ibababa ko na ito." Ieend call ko na sana nang bigla siyang sumagot.

"Meghan.." Sabi niya ng napapaos. Halos tumayo lahat ng balahibo ko dahil sa boses niya.

Ehhhhh! Ang hot eh. Nilakasan ko nalang lalo ang aircon ng kotse ko. Why are you doing this to me, Rance? Argh.

"A-ano! Buti naman s-sumagot ka!" Bakit ako nauutal? Shocks, ang weird ko na ah.

I heard him chuckle. Gosh! Pati pagtawa niya ang hot! Shemay.

"I... I need you here. Please?" Sa boses palang niya ay alam ko ng lasing siya. Bakit ba 'to nagpapakalasing ngayon?
Huminga ako ng malalim at tinanong kung nasaan siya kaya agad ko naman iyong pinuntahan.

"Pasalamat kang lalaki ka at sinisipag ako maglakwatsya ngayon." Bulong ko sa sarili ko.

Pumasok ako sa loob ng bar. Pwede na naman ako dahil legal age na ako so I don't have to use fake id para makapasok dito.

Nilapitan ko kaagad siya at nilayo ang alak niya para di niya makuha at inumin.

"Ano bang gusto mong gawin sa buhay mo ha?" Sarcastic kong tanong sa kanya sabay upo sa tabi niya. Ngumiti naman siya at lumapit sa akin.

"Pakasalan ka." Para namang umakyat lahat ng dugo ko sa pisngi ko. Dammit, Rance! I hate you.

"E-ewan ko sayo!" Inikutan ko lang siya ng mata at bahagyang tinulak siya palayo. Inangat niya ang mukha ko gamit ang daliri niya para mapatingin ako sa kanya.

"Cute mo kapag kinikilig ka." Lalo akong namula sa sinabi niya. Naiinis na ako sa kanya! Bakit ba kasi ako pumunta pa dito? Argh.

"Hindi ako kinikilig! Landi mo." Sabi ko sa sobrang inis pero ngumisi lang siya.

"What? I'm not doing anything." Pinatong niya ang ulo niya sa balikat ko pero ang mukha niya ay nakaharap sa leeg ko. Pagkatapos naman ay nilagay niya ang kamay niya sa bewang ko.

"Rance naman eh!" Tumawa lang siya pero hindi niya pa din binabago ang pwesto niya.

Matagal naging ganon ang pwesto namin hanggang sa inangat niya na ang ulo niya at humarap sa akin.

"You.." Pabitin niyang sinabi sabay tingin sa labi ko kaya naman ay kinabahan agad ako.

"Damn. You make me crazy." Sabi niya sabay angkin ang labi ko.

Must Date The BadboyWhere stories live. Discover now