MDTB 11: Pretend

1K 29 11
                                    

Tumambay ako sa bar kasama si Athena. Hindi ako pumasok ngayon kaya dinamayan niya ako. Si Marky naman ay nilalagnat kaya hindi nakasama sa amin.

"Ngayon magpapakalasing ka, huh? Gulo ba naman kasi yang pinasukan mo! At tsaka bes, alam ng boyfriend mo na may tinatago ka sa kanya.. so it means na eto na ang tamang panahon para sabihin sa kanya ang rason mo." Sermon sa akin ni Athena.

"Natatakot ako eh.. Paano pag sinabi ko? Edi magagalit siya tapos makiki-paghiwalay siya sa akin?" Tinungga ko ang alak na hawak ko.

"So kailan ka pa nagkaron ng pake sa nararamdaman niya?" Nanliit ang kanyang mga mata habang tinanong iyon sa akin.

"Huh? Hindi ah. Ano lang.. syempre anak siya ni tito Johnny so natural na may pake ako 'no!" Depensa ko.

Tinaasan niya lang ako ng kilay na para bang hindi kapani-kapaniwala ang mga pinagsasabi ko.

"Hindi kita maintindihan, Meg.. My goodness! Nahahaggard ang beauty ko sayo." Sabi niya sabay tungga ng alak.

Nanatili kami sa bar ng ilang oras. Ayaw pa daw umuwi ni Athena dahil dumadami na daw ang mga papi na paparating. Blessing daw iyon. Kaya no choice ako kundi hintayin siyang pagsawaan ang mga mukha ng mga ka-fling niya.

"What the heck, Ath?!" Nakarinig ako ng isang pamilyar na boses kaya nilingunan ko si Athena na nakikipag-halikan sa tisoy.

"Ano ba! Bitawan mo nga ako! Bakit ka ba nandito, Ashton?" Nakita kong sobrang higpit ng pagkakakapit ni Ash kay Ath kaya naman nung papatayo na ako ay may naunang manaway sa akin.

"Bro, sino ka ba? Nasasaktan na yung babae oh. Bita-" Nanlaki ang mata ko nang biglang suntukin ni Ash yung lalaki.

"Oh my.. Jonathan? Okay ka-" Lalapit na sana si Athena nang bigla na siyang hilahin ni Ashton papalabas ng bar.

Gulong-gulo kong tinulungang makatayo si Jonathan sa sahig. What the fuck just happened? Hindi pa din nagsisink-in sa utak ko ang mga nangyayari ngayon.

"Thanks. Who the fuck is that guy?" Tanong niya sa akin ng makatayo na siya. "Wag mo na palang sagutin. Kita ko ngang mas nagulat ka pa kesa kay Athena eh." Tumawa siya habang umiiling.

"Baliw." Sabi ko habang nakangiti sa kanya. Naisip ko lang, wala naman talagang kasalanan si Jonathan kanina eh kasi si Ath lang naman ang humalik sa kanya. Hay! Wala akong maintindihan.

"Jonathan Esguerra. You are?" Sabi niya at ngumiti.

"Meghan Sandoval." Tinanggap ko ang kamay niya at ngumiti din pabalik sa kanya nang biglang bumagsak nanaman siya sa sahig.

"What the fuck, Rance?!" Tinulungan ko ulit makatayo si Jonathan at tinanong kung ayos lang ba siya.

"Woah. Two times in one day, huh?" Sabi niya at pinunasan ang dugo sa labi niya.

"Bakit ka ba kasi nandito, Rance?!" Galit na tanong ko sa kanya. Tumaas ang isa niyang kilay na para bang hindi makapaniwala sa inaasta ko ngayon sa kanya.

"I've been calling you for hours and you're not damn answering! Akala ko kung anong nangyari sayo tapos ngayon makikita kita ngayon dito na may kasamang ibang lalaki? Tang ina, Meg." Sabi niya at ginulo ang buhok niya.

"Yun lang ba, huh? Okay ka na ba na makitang walang nangyari sa akin? Kung ganon pwede ka nang umuwi." Sabi ko at inikutan siya ng mata.

"What the fuck?" Umalis na ako doon at iniwanan sila. Bahala siya sa buhay niya. Pagod na ako, I want to fucking rest. "You're not going anywhere." Sabi niya nang maabutan niya ako at hinila papuntang kotse niya.

Must Date The BadboyWhere stories live. Discover now