MDTB 4: Just A Game

1.1K 28 0
                                    

Hindi ko alam kung ano ang pumasok sa isip ko at tumugon ako sa halik niya. Damn his kissable lips! Argh.

Palalim ng palalim ang mga halik niya pero kaagad din siyang humiwalay at tinitigan ako.

"Sorry.." Sabi niya at nagiwas tingin tsaka lumayo sakin. Nahiya din ako dahil pinayagan ko siyang halikan ako. "First kiss, huh?" Ngisi niya.

Kita mo na! Kaka-sorry palang tapos mangaasar nanaman. Nakakainis siya ah. Wala pa din talagang pinagbago kahit kailan.

"Heh! Tumahimik ka nga." Inis kong sabi sabay irap sa kanya.

"Hmm, bakit bad mood ang babe ko? Nabitin?" Ngumisi nanaman siya sa akin at itinagilid ang ulo para tignan ang reaksyon ko.

"Rance naman eh! Wag ka ngang ano dyan! Nakakairita ka." Ngumuso ako at nanlaki kaagad ang mga mata ko nang nagnakaw siya ng halik sa labi ko namaman.

"Hoy nakakarami ka na! Ninakaw mo na nga yung first kiss ko eh." Sabi ko habang pinagpapalo siya pero tawa lang siya ng tawa. Walanghiya.

"I'll give it back. Promise." Kumindat siya sakin. Tumigil ako sa pagpalo habang iniisip ang mga sinabi niya.

"Alin yung ibabalik mo? Ano? Buang ka na ba?" Napatulala ako sa kanya hanggang sa marealize ko yung sinabi niya. Shit, Meghan! Ang slow mo. Mas lalong lumapad ang ngisi niya nang mapansin niyang nagets ko na.

"Walanghiya ka talaga!" Pinagpapalo ko nanaman siya habang siya naman ay tawa lang ng tawa.

"Mahal mo naman." Sabi niya kaya napatigil ako sa kakapalo sa kanya. Kumalabog ng malakas ang puso ko, para bang nagwawala? Hindi ko alam kung ano na ang nangyayari sa akin.

Lumapit siya sa akin at pinagdikit ang noo namin. Dammit, Rance!

"Anong.... ginagawa mo?" Nakatingin lang ako sa mata niya habang siya ay nakatingin lang sa labi ko hanggang sa tignan niya na din ako sa mata.

"C'mon iuuwi na kita. It's getting late." Hinawakan niya ako sa kamay at sabay kaming pumunta sa kotse niya.

"Rance... umm, ano.. I brought my car." Sabi ko kaya napatingin naman siya sa akin.

"Alright." Binitawan niya na ang kamay ko at pumunta na sa kotse niya.

What? Ganun-ganon lang yun? Ni hindi niya man lang ako pinilit na sumakay sa kotse niya? And why the hell am I expecting him to do that?

Sumakay nalang ako sa kotse ko at pinaandar ito paalis ng bar. Habang nasa byahe ay tinignan ko ang side mirror ko nang mapansin kong may nakasunod sa akin na pamilyar na kotse. Is that Rance's car? Akala ko ba ay uuwi na siya? Niliko ko ang sasakyan ko upang lituhin siya pero nakasunod lang talaga siya sa akin.

Napangisi naman ako. Too obvious, Mr. Badboy.. too obvious.

Pinark ko na ang sasakyan ko at bumaba ng nakangisi pa din hanggang sa makita ko si Rance na nakasandal sa kotse niya.

"So you were following me the whole time, huh?" At dahil inasar mo ako kanina.. ikaw naman ngayon.

"I'm just making sure." Tinaas niya ang isa niyang kilay habang ang kamay niya ay nasa bulsa niya at nakasandal pa din sa kanyang sasakyan.

"Making sure na?" Nagtatakang tanong ko.

"I'm making sure you're safe. And I'm making sure na uuwi ka na talaga." Sagot niya kaya naman napangiti ako.

Lumapit ako sa kanya at napansin ko din na napaatras siya kahit na nakasandal siya sa kotse niya. Nilapit ko ang bibig ko sa tenga niya at bumulong.

"Kapag naging akin ka na, I want you to trust me babe." Lumayo na ako at pumasok na ng unit ko nang hindi siya nililingunan.

This day went well so far. Mukhang napapabigay ko na din siya.

I know he'll be mine quite soon. Alam ko iyon. Knowing the real Rance Anderson isn't bad after all. Sa totoo lang, I'm enjoying his company. But kailangan ko parin itatak sa isip ko na laro lang ito. This is just a game that I need to play.

-

Kasama ko si Athena papasok ng campus, one of my closest friend dito. Athena is also known as the queen bee in this university. Kaya nobody dares to mess up with her and her friends, at kabilang na din ako doon.

"I heard na may namamagitan na daw sa inyo ni Anderson? Is it real?" Bigla niyang tanong sa akin. Chismosa talaga siya kahit kailan, trust me lahat talaga ng mga chismis ay nasasagap niya.

"Almost, Ath. Masyado kayong excited, huh." Kumunot naman ang noo niya at napatigil sa paglalakad kaya napatingin ako sa kanya.

"You never even care for him. Is this one of Marky's dare to you?" Sabi niya. Napangiti ako. Kilalang kilala niya na talaga kami ni Marky.

"Half of my reason is that pero may mas mahalaga pa kaya ko ito ginagawa." Mas lalong napakunot ang noo niya kaya hinila ko kaagad siya sa cr para sabihin sa kanya ang buong istorya.

"How come na naging hindi ka makasarili, huh?" Tumawa siya habang papalabas kami ng girl's cr.

"Shut up, Ath." Sabi ko at tinulak siya ng pabiro.

"But I kinda feel sad for him.. I mean because of his dad's situation obviously. He seemed super duper close to his father diba." Sabi niya.

Sa totoo lang ay hindi ko din expect na mangyayari itong lahat. The worse is hindi pa alam ni Rance ang nangyayari ngayon sa tatay niya kahit na magkagalit pa man sila.

"Everything happens for a reason, Ath." Ngumiti nalang ako sa kanya at pinagpatuloy ang paglalakad papuntang room.

Must Date The BadboyWhere stories live. Discover now