MDTB 2: Babe

1.2K 35 0
                                    

Nang makita ko si Marky ay kaagad nanlaki ang mata ko.

"What the hell, Marky? Anong nangyari sayo?!" Lumapit ako sa kanya.

"Duh, sinuntok lang naman ako nung gagong Knoxx na yun." Kinagat ko ang labi ko. Hindi ko alam kung matatawa ba ako o maaawa sa kanya eh.

"Eh bat ka naman sinuntok?" Tanong ko habang nakakunot ang noo.

"Niyakap ko nga kasi siya. Ni hindi ko pa nga nahahalikan sa pisngi, napahiga na kaagad ako sa sahig." Hindi ko na napigilang hindi matawa. May black eye kasi siya eh haha ang laki pa.

Expected ko na din naman na mangyayari ito eh. Hello, straight kaya si Knoxx tapos yayakapin ng isang baklang kaaway niya? Ano sa tingin mong gagawin ng mokong iyon?

"Wag mo nga ako tawanan kung ayaw mong suntukin kitang bruha ka." Sabi niya.

"Eh kung gawin ko kayang dalawa yang black eye mo? Ha?" Pagsusungit ko sa kanya.

"Okay shut up nalang ako. Bakit ka ba nandito? Any news?" He changed the topic.

"It's just.. ugh.. I'll try to date him." Pabulong kong sinabi sa kanya. Literal namang nanlaki ang mata niya.

"You'll what? Pero diba he said na kailangan mo pang paghirapan? Gosh, Meghan. Don't tell me..." tumango-tango lang ako sa kanya.

"Dad wants me to date him. It is his dad's last wish before he dies." Maikling paliwanag ko sabay inom ng kapeng binili ko kanina.

Hindi siya nakapagsalita at hindi ko din alam kung ano ang nasa isip niya. To be honest hindi ko alam kung paano ko mapapabigay si Rance. He wants me to court him, gusto niyang paghirapan ko para makuha ko siya.

"So.. what's your plano?" Tinaasan niya ako ng kilay.

"I don't know." Sagot ko sa kanya.

"You know what? Why won't you seduce him?" Lumapit pa siya sa akin para bumulong.

"What? Nahihibang ka na ba, Marky?" Tinarayan ko siya at umiling-iling tsaka umalis.

Wala lang akong mapapala kung tumagal pa ako doon. Aish. I need to find a way to get that damn badboy.

Speaking of badboy..

"There's my suitor." Ngumisi siya ng nakakaloko nang magkasalubungan kami. Sumimangot lang ako sa kanya at diniretsyuhan lang siya.

"Hey.." Hinawakan niya ang braso ko at hinarap ako sa kanya. "You okay?" Tanong niya.

Heh. Nagpapaligaw ka pa sa akin eh pwede namang sagutin mo na kagad ako nang matapos na ito.

"Marami lang akong iniisip. Let me go." Inalog ko ang kamay ko pero hindi niya pa din iyon binitawan.

"Nah, you're coming with me." Sabi niya habang nakangisi. Argh! Bakit ba ang hot niya kapag nakangisi?

Hinayaan ko lang siya hilahin ako papunta kung saan man. Pinasakay niya ako sa kotse niya at nagdrive naman siya papunta sa hindi ko alam.

"Saan tayo?" Tanong ko habang nakatingin sa bintana.

"I want ice cream.." Para siyang bata na nagsusumbong sa nanay niya. But I find it cute though. Hindi ko akalain na ang isang bad boy ay may side din palang ganito.

"Para kang bata." Tumawa ako nang bigla siyang nagpout. Habang tumatawa ako ay bigla ko siyang nakitang ngumiti. Anong problema nito?

Nung makarating kami sa isang ice cream parlor ay kaagad siyang bumaba sa kotse niya at pinagbuksan ako ng pinto.

"Eh? How sweet naman Mr. Badboy." Pangaasar ko sabay ngisi sa kanya. Umiling lang siya sa akin at hindi pinansin ang sinabi ko.

"Stop calling me that." Sabi niya ng may accent. May lahi nga kasi siya kaya natural na lumalabas ang accent niya, yung iba kasi trying hard eh.

"Then what should I call you? Babe?" Napangiti ako nang makita kong namula ang tenga niya. So dapat pa pala akong maging sweet and stuff para bumigay siya ano?

"Better." Ngumisi siya ng nakakaloko sabay lakad palayo. Sumunod nalang ako hanggang sa makapasok na kami.

Habang kumakain kami ay napatingin ako sa kanya. Ang dami kong nalaman kay Rance ngayong araw. His different side, yung hindi palaaway, sweet, yung gentleman. Tapos nalaman ko din ngayon na parehas pala kami ng paboritong flavor ng ice cream which is cookies and cream.

"Take a picture of me then dun mo ako titigan." Inangat niya ang tingin niya sa akin kaya iniwas ko kaagad ang tingin ko. The hell, Meghan? Why are you staring at him?

"I... I'm not staring at you." Napataas naman ang isa niyang kilay. Tinuloy niya ang pagkain ng ice cream habang nakakunot ang noo. Para bang may gusto siya sa akin itanong pero hindi niya magawa.

"Why.. me?" Bigla niyang tinanong kaya napahinto ako sa pagkain at tumingin sa kanya. "You hated me since we were a kid then..." Napahinto siya na parang ayaw niya ng ituloy.

Kinagat ko ang labi ko. Should I tell him? Or just stick with my plan? Hindi ko na alam kung ano ba ang isasagot ko.

Sabay kaming lumaki ni Rance noon dahil nga sa mga ama namin. Pero kagaya ngayon, hindi kami close o ano. Galit na galit ako sa kanya because he's always teasing me mag mula noon. Hindi ko nga maintindihan kung bakit yung ibang babae ay hindi niya pinapansin o kaya kung papansinin niya man ay sobrang sungit naman tapos pag dating sa akin grabe kung makaasar pati makatawa.

"Is this kind of like a bet or somethin'?" Lalong lumakas ang kabog ng dibdib ko. He has a clue about it and I don't know what to freakin do right now.

"N-no! Hindi, Rance." Bigla nalang yan lumabas sa bibig ko. I think I just lied to him... again.

Must Date The BadboyWhere stories live. Discover now