PROLOGUE

28.2K 441 4
                                    

Austin Pov

Excited na excited akong pumunta sa clubhouse na kung saan ang paborito naming puntahan ni Faustina. Ang babaeng pinaka mamahal ko. Ang babaeng bumuo ng buhay ko.Ang tanging babaeng nakapag paamo sa masungit na tulad ko.

2 years ko na syang girlfriend. 4th year high school na kami ngayon at bukas ay graduation namin. Pero masaya padin ako kasi mag kakasama padin naman kami pag college na kami.

Parehas kami ng course na itatake. Pangarap naming maging doctor kaya nag promise kami sa isa't isa na parehas kami ng papasukang school.

Pag karating na pagkarating ko sa clubhouse ay nakita ko na kaagad ang babaeng kasama kong bumuo ng pangarap.

Naka upo sya sa swing. Kahit nakatalikod sya ang ganda padin nyang pag masdan.

"Faustina!" Tawag ko sa kanya.

"Austin" tumayo sya para lapitan ako. Nakangiti sya at niyakap ako ng mahigpit. Nakakabakla man pero kinikilig ako sa tuwing nakikita ko ang mala anghel nyang mukha.

Pero napansin kong may kakaiba sa ngiti at yakap nya.
Inilayo ko sya at tinitigan sya.

"May problema kaba?" Seryosong tanong ko sa kanya. Bigla nyang iniwas ang tingin nya sa akin at lumungkot ang mukha nya.

"Austin Sorry" sabi nya bigla akong nakaramdam ng kaba.

"Sorry? Ano bang problema?" Tanong ko.

"Natatandaan mo ba yung nakwento ko sayo na inalok ako ni lolo na dun mag aral sa USA. Tinanggap ko yun mas maganda daw kasi ang quality ng edukasyon dun." Pag kwekwento nya.

"Ibig ba sabihin nito iiwan moko?" Tanong ko. Tumango sya ng marahan.

"Maintindihan mo sana ako. Patawarin moko" sabi nya.

"Nangako ka sakin Faustina! Akala ko ba gusto mo sabay tayong grumaduate? Akala ko ba gusto mo akong makasama? Kung mahal mo ako hindi mo tatanggapin yan" inis na sabi ko.

"Pinag pipili mo ba ako over you and my career?" Halata ang pag ka irita sa boses nya.

"Absolutely yes" cold na sagot ko sa kanya.

"Look Austin I am doing this for us! For our better future. Buo na ang desisyon ko. Tatanggapin ko ang alok ni lolo. Sorry sana maintindihan mo. Mahal na mahal kita pero kailangan ko ang career ko" matigas na sabi nya at tinalikura ako.

"Umaasa padin ako Faustina na mag babago padin ang desisyon mo. Aantayin kita dito pag katapos ng graduation kapag hindi ka dumating ibig sabihin nun nakipag break kana sakin. Bago moko iwan dito tandaan mong mahal na mahal kita at hihintayin kita" sabi ko. Pinilit kong kalmahin ang sarili ko.

Huminto sya sandali pero nag patuloy na sya sa pag lalakad palayo sakin ng hindi man lang lumilingon. Pinag masdan ko sya hanggang sa hindi ko na sya matanaw.

Kinabukasan

Graduation day. Hindi na sya umattend. Kahit anino nya hindi ko man lang nakita.

Nabalitaan kong umalis na pala sila. Pero ganun pa man pumunta padin ako sa clubhouse baka sakaling dumating sya. Inabot na ako ng hating gabi kaka antay kaso walang Faustina ang dumating.

Lahat ng pangarap na binuo namin bigla nalang natunaw pati ang pangarap kong maging doctor halos ayaw ko ng tuparin. Kung hindi lang dahil sa papa ko ay hindi na ako gaganahang pang mag aral.

Sa pag kawala nya na realized kong hindi mo dapat idepende ang buhay mo sa isang tao dahil sa oras na iwan ka nya lubos ka lang na masasaktan.

Tuwing anniversarry namin pumupunta ako sa clubhouse baka sakaling bumalik sya.

Umaasa padin ako pero hindi ko alam kung hanggang kailan.

Kung hanggang kailan ko sya hihintayin at balikan ako.

The Hottest Doctor [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon