Bet Your Heart ♡ Chapter 44

Magsimula sa umpisa
                                    

Anong next time ang sinasabi niya? Hinding-hindi na mawawalan ng sundo si Lianne, sisiguraduhin ko iyon. Mahirap nang madalihan ng girlfriend. Ang ganda pa naman ng girlfriend ko.

"Babe, sakay na," may pagkainip na utos ko ulit kay Lianne nang manatili pa rin siyang nakatayo roon.

Sumakay na rin naman siya at pagkasakay niya ay basta niya na lang hinagis ang bag niya sa backseat. Habang palabas kami ng parking lot ay tinatanaw niya pa rin si Ejhay at pati na rin siguro ang mga kaibigan niya.

Tsk! Kahapon lang, may lalaki siya sa Facebook at ngayon naman, iyong kapit-bahay namin! Ilan pa kayang mga lalaki ang umaaligid sa girlfriend ko? Nang maidispatsa ko na isa-isa ngayon pa lang.

Habang nagda-drive ako pauwi, tahimik lang kami. Daig ko pa ang taxi driver na hindi kinikibo ng pasahero. Kaya hindi na ako nakatiis na hindi magsalita.

"Kumain ka na ba ng lunch?" tanong ko na hindi tumitingin sa kanya. Kumukulo na rin kasi ang tiyan ko sa gutom. Wala pa akong kinakain na kahit ano simula nang magising ako dahil siya agad ang inatupag ko.

"Oo," tipid niyang sagot na hindi rin tumingin sa akin.

"Ako hindi pa kumakain," sabi ko. Share ko lang naman para alam niya.

Nakita ko sa gilid ng mata ko na tumingin na siya sa akin.

"Wala pa akong breakfast at lunch," dagdag ko pa. Hindi ako nangungunsensiya, okay? Pinapaalam ko lang talaga sa kanya.

"Bakit hindi ka pa kumakain?" tanong niya na wala man lang ni katiting na bahid ng pagka-concern. Parang sinabi ko lang may bagyo sa Malaysia pero wala siya pakialam dahil wala naman kami roon. In short, hindi siya affected.

"Tinanghali kasi ako ng gising tapos pumunta agad ako sa inyo. Wala ka naman pala."

I want to ask kung bakit hindi niya sinabing pupunta pala siya sa school pero pakiramdam ko, hindi pa appropriate. Siguro dahil alam naman namin pareho na, hindi talaga namin obligasyon na sabihin sa isa't isa ang lahat ng whereabouts namin.

"Bakit kasi sinundu-sundo mo pa ako?" tanong niya na halata ang pagkainis.

Napalingon naman ako sa kanya pero saglit lang at ibinalik ko rin agad ang tingin ko sa daan. Bakit parang ang init ng ulo niya na sinundo ko siya? Dapat nga magpasalamat pa siya, 'di ba?

"Sorry, ha?" bakas ang pagiging sarkastiko na sabi ko. "Kung alam ko lang na may maghahatid naman pala sa'yo pauwi na mas gusto mo yatang kasama kaysa sa akin, edi sana hindi na kita sinudo. Kumain na lang ako sa bahay at natulog ulit."

I might sound so jealous pero iyon naman talaga ang nararamdaman ko ngayon at ayoko nang itago pa. Gusto niya ng proof na mahal ko siya? Being jealous is one!

Naramdaman ko na naman ang pagkulo ng tiyan ko. Badtrip lang! Nakisabay pa sa init ng ulo ko.

"Mag-drive thru na lang tayo," kapagkuwa'y sabi niya.

Narinig niya ba itong tiyan kong nag-aalburoto? Kung oo, salamat naman sa Diyos!

Hindi na lang ako umimik. Tumingin-tingin na lang ako sa mga nadaraanan namin para maghanap ng drive thru. Nagugutom na talaga ako. Medyo matagal pa akong nag-drive bago ako nakakita. Dumaan ako doon tapos bumili ako ng sangkatutak na fries, burger at maiinom. Pagkatapos ay nag-drive na ako ulit.

Tsk! Paano naman pala ako makakakain nito kung ako ang nagda-drive?

Kumuha si Lianne ng burger doon sa plastic at binuksan niya iyon. Lalo akong nagutom sa amoy! Natatakam ako sa kanya. Este sa burger na hawak niya! Tsk! Lagi na lang siya ang sinasabi kong masarap, eh, hindi ko pa naman siya natitikman.

Ugh! Stop being pervert, Mark. Gutom lang 'yan.

Nagulat na lang ako nang nasa tapat na ng bibig ko ang burger. Lumutang?

"Eat," utos niya na siya palang may hawak ng burger.

At dahil gutom na nga ako, kumagat na lang ako sa burger. Pagkatapos kong kumagat, kumagat din siya.

Akala ko ba kumain na siya? Bakit nakikikagat pa siya sa burger ko?

Pero napangiti na lang din ako dahil sinusubuan niya ako. Her sweet side. Nawala na tuloy agad init ng ulo ko. Pati rin sa drinks ay nag-share kami.

Ganoon lang ang ginagawa namin hanggang sa maipit kami sa traffic. Pero kahit traffic, hindi ako naiirita. Sinusubuan niya pa rin kasi ako kahit puwede naman na akong kumain mag-isa.

Pero pansin ko lang, pagkatapos kong kumagat ng isa, dalawa naman ang ikakagat niya doon sa burger! Naka-tatlong burger na nga kami. Kung siguro tatantsahin kung ilan ang nakain ko at nakain niya, malamang sa kanya ang dalawa at isa lang ang sa akin!

Ang takaw talaga nitong babaeng 'to. Hindi naman tumataba. Hindi rin tumatangkad! Tsk.

Napansin niya yatang nakatingin ako sa kanya kaya napahinto siya sa pagkagat. Ang cute lang niya. Ang sarap kunan ng picture.

"Ang takaw mo," sabi ko at tumingin ulit ako sa harap.

Kahit hindi ko nakikita ang mukha niya, alam kong sumimangot siya dahil sa sinabi ko.

Kumuha na rin ako ng isang burger sa plastic. Hindi pa din kasi umaandar ang mga sasakyan sa harap namin. Mukhang matagal-tagal pa itong traffic. So, I better enjoy the moment with her.

"Eat more. Para magka-bilbil ka lalo," sabi ko sa kanya tapos itinapat ko sa bibig niya ang burger.

Napahinto siya at parang inisip ang sinabi ko. "Ayoko na!" wika niya matapos ang ilang saglit. Iniwas niya ang mukha niya paharap sa window.

Sus! Tampo naman agad.

Lumapit ako sa kanya. "Kain pa, Babe," pilit ko pa sa kanya.

Nakakatuwa kasi siyang kumain. Ang takaw-takaw.

"Ayoko na nga kasi!" Lumayo ulit siya.

Halos nakadikit na siya doon sa window. At dahil traffic pa rin, kukulitin ko pa siya. Lumapit pa ako ng kaunti sa kanya.

"Dali na, ang dami pang burger at fries, o." Hinawakan ko ang isa niyang braso at pinipilit pa siyang humarap sa akin.

"Ayoko na. Sabi mo may bilbil na ako," naka-pout niyang sabi.

"Okay lang 'yan. Mahal pa rin naman kita kahit may bilbil ka na at kahit mag-ilang layer pa 'yan," I teased and I gave her my deadly ever grin.

"Ehh!" naiinis na niyang sabi. But look at her, she's so red. Parang kamatis na nasobrahan sa pagkahinog. "Doon ka na. Baka umandar na 'yong mga kotse sa harap."

Hindi ko siya pinakinggan at kinorner ko pa siya. Nakadikit na talaga siya ngayon sa window na akala mo may gagawin akong masama sa kanya. Wala namang akong binabalak na gawing masama...

"Ayaw mo nang kumain?" tanong ko sa kanya tapos nilapit ko ang mukha ko sa kanya.

Pa isang kiss lang, puwede?

"Oo na! Kakain na! Lumayo ka lang sa'kin." Tinulak niya pa ako palayo.

Hindi naman ako natinag sa tulak niya. Balak ko talaga siyang halikan ngayon. Isa lang talaga! Pagkatapos, wala na sa akin iyong mga pagseselos ko kahapon at kanina. Mayroon pa rin kasing kaunti dito sa dibdbi ko ngayon, eh.

I moved closer and closer hanggang sa wala na siyang matatakasan. I saw her closed her eyes, so I closed my eyes, too, while invading the gap between us.

Naramdaman ko na ang paghinga niya. And I know we're only inch apart now.

Kaunti na lang.

Beeeep!

Shit! Napatalon ako sa kinauupuan ko at naitulak ako ni Lianne.

Beeeeep! Beeeep!

Bumusina ng paulit-ulit ang nasa likod naming sasakyan. Naka-go na pala!

Anak naman ng tokwa, o! Isang halik lang, eh. Malapit na malapit na, hindi pa natuloy! Konting-konti na lang!

Bumalik na ako sa driver seat at mabilis na minaniobra ang sasakyan.

Badtrip talaga! Bitin!

>>> Next Chapter >>>

♡ Playing Love Games ♡Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon