Bet Your Heart ♡ Chapter 44

Magsimula sa umpisa
                                    

Nag-over the bakod ulit pabalik sa bahay namin. Pinuntahan ko agad ang kotse ko. Ang kaso, wala nga pala sa akin ang susi! Na kay Mama pa rin dahil grounded pa rin kami ni Renz.

Dyahe kung magko-commute ako. Baka mainis pa si Lianne. Sabihin niya pa, sinundo ko nga siya tapos magko-commute naman pala kami.

Subukan ko na lang hiramin kay Mama iyong susi. Si Lianne ang susunduin ko kaya hindi malabong pumayag si Mama.

Pumasok na ulit ako ng bahay at dumiretso sa kuwarto nila Mama.

"'Ma..." tawag ko sabay katok sa pinto.

Hindi naman nagtagal, bumukas ang pinto at lumabas si Mama.

"Bakit, anak?" tanong niya pagkakita sa akin.

"Can I borrow the key of my car?"

As I expected, umangat agad ang kilay ni Mama. "And why?"

"Susunduin ko lang, 'Ma, si Lianne sa university. Pinauwi kasi ni Tita Lea si Mang Amboy para ihatid siya sa grocery," sagot ko na may kasama agad na paliwanag.

Nang hindi magsalita si Mama ay nag-umpisa na akong manalangin ng, sana pumayag... nang paulit-ulit.

"Okay," kapagkuwa'y sagot ni Mama at pumasok ulit siya sa loob ng kuwarto.

Muntik pa akong mapa-'yes!' Kapag talaga kay Lianne, 99% na papayag talaga si Mama.

"Siguraduhin mo lang na si susunduin mo talaga si Lianne," sabi pa ni Mama habang binibigay sa akin ang susi.

"Yes, 'Ma," sagot na abot tainga ang ngiti. "Thank you!"

Humalik ako sa pisngi niya tapos mabilis na lumabas ulit at sumakay sa kotse.

Mabilis naman akong nakarating sa school dahil walang traffic at hindi ko naman prinoblema ang guards dahil kotse ko ang gamit kong sasakya na may sticker ng university namin.

Pagpasok ko pa lang sa parking lot may nakita akong nagkukumpulan sa isang tabi. Nangunot ang noo ko nang makilala ko kung sinu-sino ang mga iyon.

Sila Lianne. Pero bakit parang kulang sila ng isa? Nasaan si Tracy at bakit parang tumangkad si Oliver?

Pumihit ang lalaki paharap sa view ko at nangunot lalo ang noo mo ng makilala ko kung sino siya. Hindi nga si Oliver. Pero ano naman ang ginagawa ng Ejhay na 'yan dito?! Hanggang dito ba naman sinusundan niya si Lianne?!

Sumunod sa kanya si Lianne at naalarma naman ako. Saan sila pupunta?!

Medyo binilisan ko ang pag-drive at sinadya kong huminto sa daraanan nila. Ibiniba ko ang window ng sasakyan at nakita ko ang pagkagulat sa mukha ni Lianne nang Makita ako. Mas malakas sana ang dating kung naka-shades pa ako ngayon. Pero hindi bale, guwapo pa rin naman ako.

"Hi, babe," bati ko at binalingan ko pa ang mga kaibigan niya sa likuran. "Hi, girls!" Kinawayan ko pa sila.

"Hi, Mark!" nakangiting ganti rin nila. Iba talaga kapag guwapo. Nagliliwanag ang mga mukha nila.

Bumaling ulit ako kay Lianne. "Am I late?" nakangiti kong tanong sa kanya. "Sakay na..." nang mailayo na kita sa kasama mo ngayon, ngali-ngali kong idagdag.

Hindi natinag si Lianne at tumingin pa sa katabi niyang lalaki na parang nag-aalala. What was that for?

Nagtitigan kami saglit ng lalaki at ayokong nagpatalo. Ano siya ngayon? Girlfriend ko ang kasama niya kaya tumabi-tabi siya kung ayaw niyang sagasaan ko siya.

Una siyang nagbawi ng tingin at bumaling kay Lianne. "Nandito na pala ang sundo mo, hindi na kita maisasabay. Maybe next time," nakangiting sabi niya pa kay Lianne.

♡ Playing Love Games ♡Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon