Chapter 1: The Meeting

10.8K 320 140
                                    

Chapter 1: The Meeting

Scarlett's POV 

"Kyaaaaaaahhhhh! Ang cute cute talaga ni Ryoma ko! Aaaahhhh!" Sigaw ko habang nakatutok ang mata sa screen.

"Scarlett pwede ba tumigil ka nga sa kasisigaw mo, nandito tayo para gumawa ng damit na susuotin natin pag nagpunta na tayo sa tennis court mong nalalaman hindi para pagpantasyahan yang love of your life mo, alam mo dapat tigilan mo na yan eh kase cartoon lang yan, hin---"

"Correction anime not cartoon, anime si Ryoma noh!" Saka ko siya tinignan ng masama. 'To talagang best friend ko di na natuto. Tagal tagal ko ng sinasabi sa kanya na magkaiba ang cartoon at anime. Ang layo kaya.

"Anime o cartoon isa lang yun noh--" Yan naman lagi niyang sinasabi eh.

"Hindi kaya hmp."

"Oh di hindi lang, gawa na nga tayong damit, ayoko ng magsalita pa tungkol jan dahil kanina mo pa pinuputol lahat ng sinasabi ko eh."

Natawa tuloy ako sa sinabi niya. O'nga noh? Affected much lang kaya di ko na napansin yun. "Sorry naman." Sabay peace sign. Hindi naman na niya ako sinagot at tinuloy na lang ang pagtahi ng damit.

Nandito ako sa bahay ng best friend kong si Tammy. Wa akong pake kung bahay nila 'to, palabas si Ryoma kaya manunuod at mag-iingay ako. Sana naman na Mommy ni Tam eh.

Inaya ko kasi siyang magtennis practice ngayong summer. Yung school kasi na pinag-enroll-an namin, madami pagames. Tennis, badminton, soccer, basketball, pati swimming! At dapat daw ang isang estudyante ay may sasalihang sports. Required daw. Pwera na lang kung may sakit ka at bawal sa'yo yung mga ganun. Ayokong mapahiya kaya mag-aaral na akong magtennis ngayon!

Di nga lang kami pareho ng best friend ko. Badminton kasi ang trip niya sa buhay eh. Pero magkikita pa naman kami saka magbagao pa rin naman isip niya. Di rin niya ako matitiis!

Gusto ko kapareho namin si Sakuno at Tomo na may costume pa kaya humingi ako ng pabor sa kanya na tulungan akong gumawa ng gagamitin naming damit. Ang cute naman daw kaya pumayag na siya. If I know, di niya lang ako kayang tiisin eh~

Pagdating sa hilig na mga bagay, magkaiba kami. Total opposite. Favorite color, favorite animal, favorite flavor at kung ano ano pang favorite. Pero kahit ganon, magkasundo pa rin kami. Kaya nga kami naging magbest friend eh. Saka, at least di kami boring.~

Mamaya na kami pupunta sa Tennis Court para mag-aral ng tennis at sya naman badminton. Gustong-gusto ko yung papasukan naming school, para kasing nasa anime world na ako eh. Sana makita ko ang Ryoma ko.

---

Andito na ako sa tennis court. I'm so excited! Ang tagal naman ni Tam, bago kasi kami pumunta dito e naghiwalay na kami, bago ako dumiretso dito dumaan muna ako sa bahay namin. Nagpaalam na pupunta ako sa Sports Practice at baka matagalan ako. Ang tagal nga nya eh o masyado lang talaga kong excited? Ang usapan kasi eh 10, 9:30 pa lang. Excited much nga ako. Bibili nga muna kong inumin, nauuhaw ako eh.

Ano kaya ang masarap inumin? Hmm? Ponta na lang kaya? Oo! Tama! Tutal favorite naman yun ni Ryoma eh. Ponta na lang.

"Akin 'to!" Sabi ko sabay hablot ng ponta sa kanya. Pero hindi niya nabitawan kaya hawak naming dalawa.

"Akin kaya 'to." Malumanay niyang sabi.

Andito na ako at kumukuha na ng ponta sa vendo machine nang biglang kunin ng lalaking 'to ang ponta ko at ngaun hawak-hawak na nya yun. Kainis naman sya! Hindi man lang magpakagentleman!

My Prince of TennisWhere stories live. Discover now