Si Miss Clumsy: Chapter 3 - This Weird Girl

Magsimula sa umpisa
                                    

“Yes, Luke. Come.”

Pinauna ako ni Mrs. Cruz sa clinic kasi tatawagan pa daw niya family nung babae.

Chineck-up siya konti nung school nurse.

Nahimatay dahil kinabahan?

Tsk.

Meron pa bang ganun ngayon?

Tinignan ko yung babae na ngayon ay nakahiga na sa isang single bed.

Mukha siyang anghel (hindi dahil tingin ko maganda siya) dahil white lahat ng nasa paligid. White yung kurtina, blanket, unan…

Isinandal ko yung siko ko sa gilid ng bed at pinagmasdan siya.

Mukha naman siyang mabait.

Dapat na akong umalis. Okay naman na siya.

Pero hindi ako umalis…

Hinawi ko yung bangs niya.

Tsk. Cute.

Pero mukhang nene eh.

Hindi naman sa mukhang bata talaga siya pero yung pagdadala niya lang kasi.

Maganda na sana siya.

Sa ngayon, cute pa lang siya.

Nakahawak ako sa pisngi niya nang biglang may dumating.

Lalake, magkahawig sila. Kuya niya siguro.

Umubo siya kunwari.

Hindi naman kailangan eh.

Pagpasok pa lang niya binawi ko na kamay ko.

Si Miss Clumsy: Tripping All Over His Heart [Complete]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon