FINALE (PART 1) - alexander #1

16K 502 215
                                    

A/N

Waaaaahhhh!!! This is it!!!! Ito na ang pinakahihintay ng lahat!!

Guys, hinati ko sa dalawang part ang Finale dahil sobrang haba eh.. hahahaha! Saka sinulit ko talaga! Sinaid ko ang brain ko para dito! May bonus pa 'yan na Restricted Chapter! Say n'yo?!! Charot!

Please, paki-download din ng full version song na 'From This Moment On' ni Shania Twain. Para po 'yan sa isang scene, para mas dama ang bawat eksena.

Para pa rin sa'yo 'to StephenDamasco kagaya ng promise ko. Lahat ng promise ko kaya ko tuparin, 'wag mo lang ipagawa sa akin ang pagtalon sa ere! Salamat sa support kapatid! Salamat sa pagiging mabuting friendship! Magkikita rin tayo. Gaganti ako sa mga pambubully mo! Tandaan mo 'yan! Walang spaghetti 'pag hindi ako nakaganti! Hahahahaha!

Enjoy reading mga mahal kong readers! Mami-miss ko kakulitan ang mga kachikahan ko sa comment box. Salamat sa support guys!

----> si Xander po sa media.
 
 

----------
 
 
 

XANDER POV
 
 

Mula sa pagkakatulala ay umalis ako mula sa aking kinatatayuan. Pabalik-balik ang ginawa kong paghakbang habang kagat-kagat ko ang hinalalaking parte ng daliri ko sa kamay.

Sa lahat ng kaganapan sa buhay ko ay ngayon lang ako nakaramdam ng ganito. Ibayong kaba at takot ang namamayani ngayon sa dibdib ko.

"Kuya ano ba?! Kanina ka pa pabalik-balik d'yan ah?! Nahihilo na kaming lahat sa'yo! Hindi ba pwedeng manahimik ka na lang dito sa tabi ko?!" ang may halong pagkairitang tanong sa akin ng kapatid ko.

Huminto ako sa aking ginagawang paglalakad. Dahan-dahan ko rin s'yang nilingon na may pag-aalala sa aking mukha. Alam ko rin na unti-unti na rin na namumuo ang aking mga luha sa mata dahil sa pag-aalala.

"Daniel......" nasambit ko lamang matapos ibaba ang aking kamay mula sa aking bibig.

"Ano?! Sasabihin mo nanaman na kinakabahan ka?! Na natatakot ka?! Na baka hindi s'ya magpunta?! Na baka hindi s'ya sumipot?! Ganon?!" iritable n'ya pa ring tanong.

"Eh paano nga kung hindi nga s'ya magpakita?!" tanong ko naman sa kanya pabalik habang marahas na kinakamot ang aking batok at pinapadyak ang aking mga paa.

Kahit gusto kong kamutin ng marahas ang aking ulo ay pinipigilan ko. Ayaw kong magulo ang aking buhok dahil makakabawas ito sa pagkagwapo ko.

Napailing na lamang si Daniel sa naging pagtatanong ko.

"Baliw ka na talaga Kuya! Hindi ka na mapakali d'yan! Eh may 30 minutes pa naman para mag-umpisa!" irita nitong buska sa akin.

Mabilis akong humakbang patungo sa kanyang harapan at hinawakan s'ya sa magkabilang balikat. Hindi pa ako nakuntento roon, inuga-uga ko rin ang kapatid ko.

"Daniel! Isang linggo kaming hindi nagkita ni Tom! Baka nagbago na ang isip non! Baka ayaw n'ya na akong pakasalan ngayon!" dire-diretso kong pagsasalita na halos pasigaw.

Hindi naman makapagsalita si Daniel dahil patuloy ko s'yang inuuga.

"Bakit ba kasi kailangan pang hindi kami magkita ng isang linggo 'di ba?! Hindi naman babae si Tom eh! Bakit may ganung pamahiin pa?! 'Di ba bunso?! 'Di ba?!" natatarantang tanong ko pa rin sa kanya.

Taste of a True Love II (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon