chapter 15 - brandy alexander

14.1K 651 473
                                    

A/N

Hello again readers! Magsisimula na tayo sa medyo mabibigat na part ng story.

Mag-ready na po tayo dahil simula na po ito ng inaabangan ng lahat. Dito na po mangyayari ang revelation ng nangyari 2 years ago kina Xander at Tom.

I suggest na paki-download ng nasa media ng kantang ONE MORE CHANCE by Piolo Pascual. Kanta po 'yan ni Xander for Tom. Then paki-play ng single repeat while reading the whole chapter pati na rin po siguro sa susunod na chapter. Sapilitan po ito para ma-feel n'yo ang pagbabasa. Hahahaha!

Anyway, para sa'yo 'to august1101. Thank you ha? Kahit na you're from the other side of the world, you gave me encouragement, support and acknowledgement. Thanks for the call kahit minsan nasa jeep ako tumatawag ka! hahahaha!

Enjoy reading guys!

----> si Tom po sa media.

----------

XANDER POV

Ilang araw rin ang nakalipas matapos ang nangyari sa restaurant ko sa The Fort. At sa nakalipas na mga araw ay hindi ko nagawang pumasok sa hotel.

Nahirapan akong tanggapin ang lahat. Hindi ko alam kung paano pa ako magsisimula.

Sa ilang araw na hindi ako nakapasok ay hindi rin ako nakatulog ng maayos. Makakatulog lang ako kung mapaparami ako ng inom ng alak.

Ganitong-ganito ang nangyari sa akin noong iniwan ako ni Tom at pumunta s'ya sa ibang bansa dalawang taon na ang nakakalipas. Tila ba naulit lang ang lahat, nagpaalam s'yang muli sa akin. Ang pagkakaiba nga lang ay makikita ko pa rin si Tom dahil iisa ang pinapasukan naming trabaho. Pero alam kong simula ngayon ay ituturing n'ya na akong hindi kilala.

Ilang beses kong kinumbinsi ang sarili kong panaginip lang ang naging pag-uusap namin nung gabing 'yun. Pero sa tuwing makakausap ko ang aking mga kaibigan ay iisa ang kwento nila. Naroon daw sila sa labas ng office ko maging si Papa Nate nang magpaalam na ng tuluyan si Tom sa akin.

Kinabukasan ay hindi ako nakapasok sa hotel dahil sa nangyari.

flashback....

Gumising ako at nakita ko ang sarili kong nakahiga sa mahabang sofa dito sa office ng restaurant ko sa The Fort.

Dahan-dahan kong ikinilos ang sarili ko para makaupo. Ngunit hindi maganda ang naging pakiramdam ko nang tuluyan na akong makaupo. Parang binibiyak ang ulo ko sa mga oras na ito. Halos hindi ko rin maimulat ang mga mata ko.

Inilibot ko ang aking paningin kahit nahihirapan ako at nagulat ako sa aking mga nakita. Nagkalat ang mga gamit na nakalagay sa office table ko. Nasa sahig na ito at ang ilan ay basag na.

Muling nagbalik sa aking ala-ala ang mga pangyayari kagabi. Simula nang i-announce ni Daniel ang plano ni Tom na sasagutin ito pagkabalik na pagkabalik galing ng Amerika.

Dahil sa muling nagbalik na ala-ala ay naramdaman ko nanaman ang parehong sakit na naramdaman ko kagabi lamang. Naninikip nanaman ang aking dibdib at nahihirapan nanaman akong huminga. Nararamdaman ko na rin na malapit nanaman maglandas ang mga luha ko.

Habang nasa ganoon akong tagpo ay biglang bumukas ang pinto ng aking office. Nilingon ko ito at nakita ko si Randy na may hawak na tray na may pagkain.

"Finally Xandz, you're awake..." ang bungad sa akin ni Randy nang makapasok.

Nang tuluyang maisarado ang pinto ng aking office ay lumapit ito sa akin at inilapag ang dala n'yang tray sa table na nasa harap ko.

Taste of a True Love II (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon