chapter 12 - between the sheets

13.5K 559 239
                                    

A/N

Hello mahal kong readers!

Sorry kung medyo natatagalan ang update ko. Nagiging busy kasi ako sa smule. charot!

Ang totoo kasi medyo nahihirapan ako makahanap ng inspirasyon ngayon dahil magiging seryoso na ang mga susunod na chapters. Kelangan malalim ang huhukayin ko para makahugot ng senaryo. Hahahaha!

Anyway, para kay JaysonVillanueva945 ang chapter na 'to. Salamat sa time na magbasa. Lucky charm ata kita, bigla kasi nadagdagan readers ko.. hahahaha! Salamat sa time para i-promote at magbasa na rin nito. :))

Enjoy reading mahal kong readers!!

----> si Tom po sa media.

----------


TOM POV

Alam kong galit ngayon sa akin si Daniel. Noong makita ko s'ya kanina ay hindi ko maiwasang makaramdam ng takot.

Sa ipinakita n'yang reaksyon kanina ay alam kong hindi magiging maganda ang magiging pag-uusap namin lalo na at nakita n'yang magkasama kami ni Xander.

Tahimik ang aming naging byahe ngunit dama ko ang malalalim n'yang paghinga tanda ng nararamdaman n'yang pagkadisgusto sa nakita.

Maging nang makarating kami ng aming condo ay tahimik pa rin s'yang hinihila ang kamay ko hanggang makarating kami sa loob nito.

Nang tuluyan kaming makapasok ay saka n'ya na lamang binitiwan ang kamay ko. Naiwan ako sa likod ng pinto na tahimik at hindi malaman kung paano sisimulang magpaliwanag. Si Daniel ay nasa harapan ko at may dalawang metro ang aming layo. Nakatalikod ito sa akin at malalalim pa rin ang kanyang paghinga hanggang ngayon.

"D-daniel....." pagtawag ko sa kanya na puno ng kaba.

Sa halip na masusundan ng tanong ang pagtawag ko sa kanya ay nagulat ako sa biglang pagsigaw nito.

"Tang *na!!!" sigaw n'ya at humawak pa sa kanyang ulo na parang gusto n'yang sabunutan ang sarili n'ya. Hindi pa rin s'ya humaharap sa akin hanggang ngayon.

Dahil sa sobrang gulat ay lalo akong nawalan ng lakas ng loob pra magsalita.

Saglit na katahimikan ang namayani sa aming dalawa habang nananatili sa aming pwesto. Nakita kong pilit n'yang pinapakalma ang sarili n'ya bago n'ya sinimulang magtanong.

"Kailan pa Tom?" tanong n'yang pilit na nagpapaka-hinahon.

"A-ang alin?" utal kong pagsagot sa kanya.

"Kailan ka pa natutong magsinungaling sa akin?" tanong n'ya sa akin pabalik.

"A-anong ibig mong sabihin?" paglilinaw ko sa kanya.

Humarap s'ya bigla sa akin at kitang-kita ko ang galit sa kanya. Nagulat ako nang bigla itong sumigaw.

"P*ta!!!! 'Wag na nga tayong magtanga-tangahan Tom!! Ang buong akala ko pumasok ka sa trabaho!!! Dahil 'yun ang sinabi mo!!!" pagsigaw n'ya sa akin.

Lalo akong binalot ng takot sa pagsigaw n'yang iyon. Hindi ko alam kung paano ko sisimulan ang pagpapaliwanag.

"A-akala ko ba... s-sumama ka kay Jurnie sa probinsya nila?" tanong ko sa kanya habang pahina ng pahina ang boses ko dahil sa takot.

"Oo!! Dapat sasama ako!!! Pero tang*na!! Sobrang nag-alala ako sa'yo dahil hindi ka na ulit sumasagot sa text at tawag ko!!! Pinuntahan kita sa hotel dahil sinabi mong pumasok ka!! Nagmukha akong tanga na naghihintay sa taong wala naman pala sa hotel na 'yon!! At ang masaklap pa nalaman kong wala din doon si Kuya!!" sigaw n'ya nanaman sa akin.

Taste of a True Love II (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon