chapter 32 - moonlight margarita

14.4K 821 654
                                    

A/N

Eto na oh! Eto na 'yung karugtong ng pinakaaabangan natin oh! Hahahaha!

Para kay OwengVillanueva!! Kaway-kaway ang birthday celebrant oh!! Happy Birthday!!! Enjoy your special day!! Have a blast!! Para sa'yo 'tong chapter na 'to!!

Paki-play nga din po pala ng nasa media habang nagbabasa sa buong chapter. Paki-download na lang para tuloy-tuloy sa pakikinig. Wala lang, 'yan kasi ang nagbigay inspiration sa akin, gusto ko lang kayo idamay. Hahahaha! (Song title: A Thousand Years by Cristina Perri.)

Enjoy reading guys!

----> si Xander po sa media. Na-miss n'yo ba s'ya??

----------


TOM POV

Gusto ko na lamang maglaho sa mga oras na ito. Gusto kong magwala at ilabas ang lahat ng galit ko. Gusto kong sumbatan ang lahat ng tao sa paligid ko.

Kahit nanginginig na ang buo kong katawan at nangingilid na rin ang aking mga luha dahil sa labis na galit ay wala akong magawa. Pakiramdam ko ay nag-iisa na lang ako. Wala na ang mga kasama ko.

"Finally! Ang pinakahihintay ng lahat ay mangyayari na! Makikilala n'yo na ang bagong President and CEO ng Diamond Llyx Hotel!" nadinig kong unang bahagi ng pagpapakilala ni Mr. Chua.

Muli s'yang huminto para magbigay pa ng mas masiglang pagdedeklara.

Ang kaninang bulong-bulungan ay nawala. Binalot ang malaking lugar na ito ng nakabibinging katahimikan. Wala kang maririnig na kahit na ano mang kaluskos.

Ako naman ay nanatili pa rin sa pagkakatitig sa aking mga kamaong nakakuyom na nasa ibabaw ng mesa.

Alam kong kapag narinig ko na rin ang pangalan ni Josephine bilang bagong President and CEO ng hotel ay hindi ko na rin mapipigilan ang mga luha kong pumatak.

Kahit gusto kong tumigil ang oras ay mukhang huli na. Nagpatuloy na si Mr. Chua sa pagpapakilala.

"Let us all welcome!! The first and the new President and CEO of Diamond Llyx hotel............

..........Mr. Alexander Alvarez!!!"


Natigilan ako dahil sa aking narinig.

Ang pangalang iyon.

Ang pangalang matagal ko nang hindi naririnig mula sa iba. Ang pangalang lagi kong tinatawag ngunit kahit minsan ay hindi personal na nakipagkita.

'Alexander Alvarez'

'Alexander Alvarez'

'Alexander Alvarez'

ang nadinig kong umaalingawngaw na boses sa aking isip.

Hindi ko magawang gumalaw.

Huminto rin ang oras sa paligid ko.

Wala na rin akong marinig sa paligid ko kundi ang paulit-ulit na pangalang nadidinig ko.

"A-alexander... A-alvarez..." nauutal at mahina kong pagbigkas habang nanlalaki ang mga mata ko.

Natauhan na lamang ako nang makarinig ako ng malalakas na pagpalakpak.

Pero ako, nanatili lamang na nakatitig sa mga kamao kong nasa mesa.

Taste of a True Love II (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon