chapter 8 - B-52

13.3K 575 132
                                    

A/N

Eto na po, sorry sa mga nabitin sa chapter 7. Hahahaha!

Anyway, opensoul salamat sa patuloy na pagbabasa at pagko-comment! Friendship na talaga kita! :))

warren87, eto na s'ya.. 'Wag mo na ako ihagis ha? hahahaha!

Lansdl, salamat sa patuloy na votes at comments.. Hindi mo talaga ako binibigo! Mwah!

Para sa inyo 'tong chapter na 'to guys!!

At sa mga silent readers po d'yan, kahit po votes na lang ang lilimusin ko sa inyo penge naman po.. Salamat din sa patuloy na pagbabasa..

Enjoy!!

----> si Tom po sa media.

-----------


TOM POV

"Isip Tom! Isip!" sigaw ko sa aking isip.

"Tae! Paano na 'to?!!!" paulit-ulit kong tanong sa aking sarili habang umaatras.

Marami pa akong tinatanong sa aking sarili na parang may magiging kasagutan akong makukuha kahit alam ko namang wala.

"Sh*t! Baka ninakawan na ako?!" narinig kong natatarantang usal ni Xander.

Hindi ko na naigalaw ang mga paa ko sa sobrang kaba. Bakit ba kasi nakatulog pa ako?! Ang malas naman oh!

"I-check na lang natin ang mga gamit mo Sir Xander. Tang*na! Tanghaling tapat may magnanakaw?! Ang lupit naman non!" dinig kong usal naman ni Ben.

Mas lalong dumoble ang kabang nararamdaman ko. Bumilis na rin ang mga paghinga ko. Naririnig ko ang kanilang mga pagkilos mula sa labas. Mukhang tinitingnan nga nila kung may mga nawawalang gamit si Xander.

"Wala naman nawawala dito sa kusina!" dinig kong wika ni Xander.

"Mukhang wala rin namang nawawala dito sa sala mo." dinig kong bigkas naman ni Ben.

Saglit silang natahimik bago ko narinig ang boses ni Xander.

"Sh*t! 'Yung kwarto namin ni Tom! Baka may nawala na doon?!" muling pagsasalita ni Xander.

Kahit gusto kong mag-react sa sinabi ni Xander na 'kwarto namin ni Tom' ay hindi ko na magawa. Nilukob na ako ng takot na baka makita nila ako.

Nadinig ko ang mabilis na paghakbang papunta sa gawi ng kwartong ito. Doon ko na naigalaw ang mga paa ko.

Mabilis akong kumilos at pinasok ang CR ng dati kong kwarto. Dali-dali ko rin itong sinarado at ini-lock.

Dahil sa hindi naman malaki ang CR ko dito ay wala na akong iba pang mapagtataguan. Sa oras na may pumasok dito ay siguradong makikita agad ako.

Ilang sandali pa ay narinig kong dahan-dahang bumukas ang pinto ng kwarto. Naririnig ko mula sa labas ng CR ang mga paghakbang ng taong pumasok sa silid na iyon.

Nanatili akong nakatayo at nakaharap sa pinto ng CR. Habol ko ang aking hininga sa labis na kaba.

"Sh*t! Sh*t! Sh*t!"

paulit-ulit kong bigkas sa aking isip.

Nadinig ko mula sa labas na binuksan ng taong naroon ang cabinet na pinaglalagyan ng mga damit namin ni Xander.

Taste of a True Love II (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon