chapter 21 - screwdriver

17.4K 545 155
                                    

A/N

Hello fellas!

Handa na ba kayo? Hahahaha!

O s'ya, wala nang maraming salita. Enjoy reading guys!

----> si Tom po sa media.

----------


XANDER POV
 
 

Nalulungkot ako.

Hindi ko magawang ngumiti.

Pakiramdam mo ay malaki ang galit sa akin ng mundo.

"Good Morning Master!" ang narinig kong masayang bati ng pinakamamahal ko.

Narito ako ngayon sa kitchen ng bahay nila Tom at naghahanda ng aming almusal.

Nilingon ko s'ya nang walang ngiti sa aking labi. Nakita kong maaliwalas ang kanyang mukha. Mukhang maganda ang gising ng mahal ko hindi katulad ko. Kahit yata pilitin ko ang ngumiti ay hindi ko magagawa ngayong araw na ito.

"Good Morning Master. Sige na, umupo ka na d'yan. Malapit na akong matapos dito magluto." malungkot kong bati sa kanya pabalik.

Muli kong itinutok ang aking sarili sa aking niluluto. Konting halo na lamang naman ay matatapos na rin ito.

Ilang saglit pa ay nagulat na lamang ako nang may mga brasong pumulupot sa aking bewang habang nakatalikod ako.

"Wala yata akong kiss ngayong umaga?" malungkot na sambit ni Tom mula sa aking likuran.

Nagpakawala naman ako ng malalim na buntong hininga. Pinatay ko muna ang kalan na aking pinaglulutuan dahil mukhang luto na rin ang aming almusal.

Dahan-dahan ay humarap ako kay Tom. Hindi n'ya pa rin inaalis ang kanyang kamay mula sa pagkakayakap sa akin.

"Sorry Master." malungkot ko pa ring sambit at niyakap s'ya bago hinalikan sa kanyang noo.

Ganito naman kami kahit noon pa. Sa tuwing gigising kami sa umaga ay binibigyan ko s'ya ng halik sa noo.

"Sige na,maupo ka na d'yan. Maghahanda na ako." matamlay kong pakiusap sa kanya.

Inutusan ko s'yang umupo pero ayaw ko naman s'yang pakawalan sa aking bisig. Nakayakap pa rin ako sa kanya ngayon. Paano naman kasi, ang bago ng mahal ko. Amoy baby kahit kagigising pa lang n'ya.

"Master..." pagtawag n'ya sa akin habang yakap din ako.

"Hhhmmm?" sagot ko naman.

"Bakit parang ang pangit ng gising mo?" malambing n'yang tanong.

Napapikit naman ako sa kanyang tanong bago ko s'ya sinagot.

"Wala.... Sige na, mag-almusal na tayo. Kailangan natin umalis ng maaga, baka matrapik tayo." sagot ko sa kanya.

Wala eh, talagang badtrip ako ngayon.

Dahan-dahan naman s'yang kumalas sa aming pagkakayakap at nakita ko ang pag-aalala sa kanyang mukha nang magtama ang aming mga mata.

Dahil sa nakita ko sa kanya ay muli nanaman akong nagbuntong hininga. Hindi ko talaga kayang tiisin si Tom. Hindi ko kayang makita na nalulungkot s'ya.

"Sorry Master... Masama lang talaga ang gising ko.." wika ko sa kanya.

Hinawakan ko s'ya sa kamay at pinaupo sa silyang naroon. Nasa mesa na rin ang aming gagamitin sa aming pagkain.

Katahimikan ang bumalot sa amin simula nang maghanda ako ng aming pagkain hanggang sa kumakain na kami. Maya't-maya ay napapansin ko ang mga paminsan-minsang pagsulyap sa akin ni Tom. Pero hindi ko magawang magsalita dahil wala talaga ako ngayon sa mood.

Taste of a True Love II (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon