chapter 24 - bloody mary

11.5K 449 204
                                    

A/N

Hello mga mahal kong readers! Sorry sa matagal na update. Hehe!

Anyway, eto na po!

Maghanda na ang lahat dahil after ng chapter na 'to, andun na ang ganap! *smirk*

Enjoy reading!

---->si Tom po sa media.

----------
 


 

 

XANDER POV
 

 

"Master, pwede bang hindi muna ako dito matulog mamayang gabi?" tanong sa akin ni Tom.

Mabilis ko s'yang nilingon dahil sa labis na pagkabigla. Narito kami sa aming condo at naghahanda na rin sa pagpasok sa hotel. Abala s'ya sa pagsusuot ng kanyang sapatos habang ako naman ay inaayos ang aking necktie.

"Bakit naman Master? Saka saan ka pupunta?" ang kabado kong tanong sa kanya.

Muli kong naalala ang mga naganap nitong mga huling araw.

Matapos ko kasing marinig ang pakikipag-usap n'ya sa cellphone isang beses ng madaling araw ay nagkakaroon na ako ng hindi maipaliwanag na kaba. Nadagdagan pa ito nang ilang gabi pa itong nangyari. Napansin ko rin na nagiging madalas ang pagtetext ni Tom at hindi n'ya sinasabi sa akin kung sino ang kanyang kausap.

Inangat n'ya ang kanyang tingin at nakangiti n'ya akong hinarap.

"May importante lang sana akong asikasuhin eh." sagot n'yang nakangiti.

"At ano naman ang mahalagang bagay na 'yon? Mas mahalaga pa ba kesa sa akin?" tanong kong muli sa kanya.

Gusto kong makakuha ng sagot mula sa kanya. Gusto kong malaman ang lahat ng mga bagay na may kinalaman sa sinasabi n'ya sa kanyang kausap.

Bahagya s'yang natawa sa aking katanungan. Unti-unti s'yang tumayo mula sa pagkakaupo at lumapit sa akin. Hinawakan n'ya ang aking necktie at ipinapatuloy ang pag-aayos nito.

"Meron pa bang mas mahalaga sa akin kundi ikaw Master? Para ka kayang hangin sa buhay ko." wika n'yang nakangiti habang inaayos ang necktie ko.

Naalala ko tuloy bigla ang naging tagpo namin noon sa restaurant ko. Kung paanong ako ang nag-ayos ng kanyang necktie noon dahil hindi s'ya marunong. Pero heto s'ya ngayon at sanay na sanay nang gawin ang bagay na iyon. Para na talaga kaming mag-asawa kung tutuusin.

Pero.......

.........may mga bagay pa talagang kulang. May mga bagay pa akong hindi alam.

"Parang hangin sa buhay mo dahil hindi mo ako nakikita? Ganon?" tanong ko sa kanya.

Sinabi ko iyon sa boses na may pagbibiro. Madalas kasing magbiro sa akin si Tom. Hindi pala madalas kundi lagi. Nagbibitaw ng mga nakakakilig na linya pero babasagin naman ako sa huli. Paraan n'ya raw iyon ng paglalambing sa akin kaya pinagbibigyan ko na. Nakikita ko naman kasing masaya s'ya sa tuwing magtatampo ako sa kanya. Lagi n'ya rin naman kasi akong nilalambing matapos n'ya akong asarin. S'yempre nakasanayan ko na rin ang bagay na 'yon. Kaya kahit hindi naman talaga ako nagtatampo ay nag-iinarte na lamang ako.

"Grabe ka naman Master! Inunahan mo naman agad ako!" natatawa n'yang sagot sa akin.

"Tuwang-tuwa ka talagang inaasar ako noh?" tanong ko sa kanya.

Natapos s'ya sa pag-aayos ng aking necktie ngunit nanatili s'yang nakatayo sa aking harapan. Tiningnan n'ya ako sa mata habang may matamis na ngiti sa kanyang labi.

Taste of a True Love II (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon