Bet Your Heart ♡ Chapter 42

Start from the beginning
                                    

Ang walang hiya talaga ng best friend ko. Hindi ko tuloy malaman kung sa akin ba talaga siya kampi o sa kuya niya. Pero ano pa ba ang bago roon? Best friend is really the best enemy.

Napatingin ako sa hawak kong platito na may lamang brownies.

Ibibigay ko pa ba ito? Matutulog naman na si Renz, 'di ba? Hindi niya naman malalaman kung ibinigay ko kay Mark ito o hindi dahil siguradong hindi niya tatanungin ang kuya niya. So, iuuwi ko na lang ito sa bahay at ako ang kakain.

Pero... ugh! Siyempre, magtatanong siya sa akin kung ano ang sinabi ni Mark pagkabigay ko. At kahit anong imbento ko ng kuwento, malalaman niya kung totoo iyon o hindi.

Hay, bahala na nga! Ibibigay ko lang ito sa kanya at wala na akong sasabihin pa. Aalis na lang ako agad.

Kumatok na ako sa pinto ng kuwarto ni Mark at nagbilang ako ng hanggang tatlo pero walang nagbukas. Mukhang tulog yata siya kaya mas nilakasan ko ang pagkatok. Wala akong pakialam kung mabulabog ko man ang patulog niya. Ang importante sa akin, mainigay ko ito sa kanya at nang matapos na ito.

Kumatok ulit ako nang wala pa ring nagbubukas ng pinto.

"Sino ba 'yan?!" narinig kong sigaw ni Mark mula sa loob.

Napataas ang kilay ko. Irita much si kuya?

Kumatok pa ulit ako ng walang tigil para asarin pa siya lalo at bilisan niya ang pagbubukas ng pinto. Ang bagal-bagal niyang kumilos! Hindi niya ba alam na ang napaka ganda niyang girlfriend ang nasa labas?

At katulad ng inaasahan ko, mabilis na ngang bumukas iyon. Pero natigilan na lang ako sa bumungad sa akin.

Bakit... b-bakit... Napakurap ako. Bakit may mainit pa siyang pandesal, eh, hapon na?! Damn! Parang nanuyo lahat ng salivary glands ko dahil sa nakita ko.

He only has this pretty little towel below his navel and his hair was dripping wet. Parang kagagaling lang niya sa banyo.

Napalunok ako nang mahinto ulit ang mga mata ko sa abs niya. I was not informed. I'm not informed that my boyfriend is this hot and... and hot, and hot again? And, okay, yummy! He is yummy!

Nakita ko na siya dati na walang pang-itaas, oo. Pero bakit iba ang dating ngayon? Parang... ang init!

Air! I need air!

"Baka naman matunaw na ang abs ko dahil sa titig mo," puna niya.

I gaped. Oh, my... natunaw na ba? Natunaw na?! No! Not now! Hindi puwedeng mataunaw na lang bigla iyon! I should have touched them first before they melt!

Ugh! Lianne, what are you saying?!

Itinikom ko ang bibig ko at ibinuka ulit para magsalita. "Ahm..." Shit! Wala akong masabi!

Pero, 'di ba, ang sabi ko naman talaga kanina, wala akong sasabihin na kahit ano? Hindi ako magsasalita. Pero hindi ko naman akalain na literal na hindi nga ako makapagsasalita dahil sa nakita kong oh-so-massive-sexy-stomach niya! Sana stomach na lang siya.

Ano nga ba'ng ginagawa ko rito sa tapat ng kuwarto niya?

"Ano 'yang hawak mo?" tanong niya at sumandal pa siya sa door frame.

Lalo siyang naging hot sa paningin ko. Kailangan ko nang lumayo dahil nagra-radiate nag ang hotness niya papunta sa akin. Naglalagablab na!

Pigilan niyo akong hatakin siya papasok ng kuwarto niya at gumawa ng... ng...

Ah! Lianne, stop it! Get your sanity back!

Pero paano ko gagawin iyon kung nakabalandra talaga sa harapan ko ang maganda niyang katawan? Isang kalabit ko lang sa gilid ng towel na nasa baywang niya, siguradong malalaglag iyon at bubuluga sa akin kung ano man ang nasa loob niyon.

♡ Playing Love Games ♡Where stories live. Discover now