Chapter 26 : Uncontrolled Emotions

Start from the beginning
                                    

"Oh this? " patungkol sa pamumula ng mukha ko "t-this is nothing" pagkakaila ko sa kaharap. Kasabay ng tila pagpapakawala ng awtorisasyon sa tinig to make it look like im irritated by the way he questioning me.

Tila nakaramdam naman ang kaharap at kibit balikat na itong bumalik sa ginagawa. I sighed in relief ng hindi na ulit ito nagkomento pa.

"Ma'am ipinapatawag nyo raw po ako?" pukaw ni Rene na nakapag paangat ng tingin ko. There he was standing at the Front door with a worried look.

"Ah yeah. ipinatawag nga kita, gusto kong mag walk thru tayo. i want to check all your installed precast wall" maagap kong sagot ng mabungaran ang taong ipinatawag kani-kanina lang. "Saang floor na ba kayo active?" dugtong ko.

"s-sa 4th floor napo" medyo naiilang na sagot nito kasabay ng alanging ngiti. Alam ko kung bakit ganito ang reaksyon nya. Ito kasi ang unang pagkakataon na ipinatawag ko syang hindi sinisinghalan. Nasanay na lang siguro sya na palagi kong napapagalitan at namumura kung minsan.

anong kung minsan? madalas kamo. kontra ng isang panig ng utak ko

Ganuon na ba ako ka-terror at naiilang sila na ganito ang mood ko? Nagtatakang tugon ng kabila.

Kanina ko pa kasi napupuna, simula ng pumasok ako. Hindi lang iilang beses na napansin ang mga alanganing ngiti mula sa mga Engineer na ginantihan ko ng pagbati ng kaliwat kanang Good morning. Ang iba, palihim na napapakamot sa ulo nila at napapakunot.

Ngayon ka pa talaga nagtaka. Sa tinagal-tagal ng pag handle mo sa project na ito ngayon mo lang na realized na ganyan ang tingin sayo ng mga tauhan mo?

I shrugged on the thought. Okay na rin siguro yun atleast may kinakatakutan sila. Minsan kasi mainam din na hindi ka nagiging mabait sa lahat para hindi inaabuso ng karamihan.

Nang mapansin na kanina pa nakatunghay sa akin si Rene ay inaya ko na itong mag site inspection. pero bago tuluyang magsuot ng mga safety hardhat and vest ay muli akong bumaling sa taban na telepono. Nagcomposed ng message at isi-nend sa taong kanina pa umuokupa sa isip ko.

"Tara " pag yaya ko ng makapaghanda na. Palabas na kami ng pintuan ng makita kong nakaupo pa rin si Fermin sa sariling lamesa. Napapakunot ang noo kong tumigil at bumaling dito " your not coming with us?" nagtataka kong tanong.

"hindi muna, Ma'am" sagot nito na ikinataas ng sariling kilay ang itinawag sa akin. Ilang beses ko na syang sinabihan na ok lang sa akin ang First name basis na tawagan since hindi na naman sya ibang tao sa akin. He agreed pero kapag kami-kami lang daw. He still insist na kapag sa harapan ng mga empleyado ay mangingibabaw ang boss employee na treatment dahil yun naman daw ang tama.

"We have a Project Management seminar this afternoon at kailangan kong i-prepare ang ilan sa mga dokumentong dadalhin ko" paliwanag pa nito.

"ah okay" tatango-tangong sagot ko "please, ask some one to accompany me para may mag-take down ng notes" utos ko dito.

"i'll tell Francis to meet you at the 4th Floor" he answered bago ako tuluyang tumalikod.

********

The quality of the installed precast is quite impressive i might say, each panel already finish with smooth surface at maayos ang pagkakagawa ng mga dugtungan nuon not to mention na halos sumasabay na rin sila sa napag-usapang schedule.

"Kaya nyo naman palang gawan ng paraan lahat ng pinagtatalunan natin sa meeting, bakit hindi nyo pa ginawa dati?" komento ko habang pinagmamasdan ang mga tauhan nyang nagtatayo ng precast.

Take me to your HEART (GxG) : BOOK 1Where stories live. Discover now