BTG 47: Revelation

Start from the beginning
                                    

Ang insignias ay nagsisilbing simbolo ng isang organization.

Ang insignias ng Venom organization ay kulay pula at may dalawang cobra na nakapulupot sa isat isa na parang magtutuklawan.

Sa pagkakaalala ko ang Insignias ng Hara organization ay kulay black at may dalawang katana na kulay ginto ang nakaekis sa gitna.

Pero ang nakadisplay ngayon sa T.V ay Iba.

Nahati sa dalawang kulay ang Insignias, Black and Red. Sa gitna nito diretsong nakatayo ang  isang Gintong katana at pinupuluputan ito ng Cobra

"Shit" i whispher when i realized something

Para itong pinagsamang insignias namin!

Ibubuka ko sana ang bibig ko para umangal pero agad akong hinawakan ni Cyrene sa braso at hinatak papuntang second floor.

Walang lumabas na salita sa bibig ko.

Gulat at the same time naguguluhan ako sa nangyayari.

Sa sobrang pagiisip hindi ko namalayang, nasa harap na pala kami ng isang pinto. Tatlong beses itong kinatok ni Cyrene. "Nandito na siya master"

"Papasukin mo!" sigaw ng isang baritono at garalgal na boses mula sa loob.

Agad na binuksan ni Cyrene ang pinto at itinulak ako papasok sabay sara dito. That bitch muntik pa akong masubsob tsk.

Napaangat ako ng tingin, isang matandang lalaki na sa tantiya ko ay mid 40's na ang prenteng nakaupo sa swivel chair niya habang humihithit ng tabacco. Sa mata palang niyang singkit at sa ngiting kagayang kagaya kay Aki, alam ko na kung sino siya.

"Mitsuki Aruta" buong diin kong sabi.

"The one only ms. Keallyn Wibbleton. Sa wakas nagkita rin tayo." Tumayo siya at itinuro ang sofa set sa gilid ng kwarto.
Itinuro niya ito "Have a seat, Matagal kong hinintay ang araw na to."

Agad akong umupo sa itinuro niya. This is it, makakausap ko na ang walanghiyang tatay ni Aki. Ang nagutos na ipapatay si Knite. Nakaupo sa harap ko, at nakangiti pa sakin.

Nakakapanginit ng ulo.

Gusto ko siyang kalabanin ngayon mismo Saktan hanggang sa lumuhod siya at magmakaawa sakin pero kailangan kong mapatagal ang paghaharap o paguusap namin para mabigyan ko ng oras ang ibang tauhan ko sa paglalagay ng bomba.

"Coffe, Juice or tea? What do you want?" he asked

"No thanks, baka may lason pa ang ipainom mo sakin"

Bigla itong tumawa "Napakapalabiro mo pala ms Wibbleton" umayos siya ng upo at inilapag ang tabacco sa isang ashtray "Bago tayo makapagsimula sa paguusap, itatanong ko lang, bakit pagala gala sa palasyo ko ang mga tauhan mo Younglady?" Nakangisi niyang tanong

Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya, agad kong kinuha ang micro earpice ko pero bullshit wala na pala sakin. Nakaipit din iyon sa belt ko kanina.

Tumayo ako at dinuro siya "Ikaw, anong ginawa mo sa mga tauhan ko?"

"Don't worry Younglady, maayos at ligtas sila, wanna prove?"

Kahit na naguguluhan, Dahan dahan akong umupo at tumango.

Kinuha niya ang nakalapag na remote at binuksan ang TV screen na nasa pinakagilid ng kwarto. Lumabas ang isang monitoring system ng mga CCTV, may pinili siyang isa at nakita ko sa screen ang mga tauhan kong isa isang pinapalabas at ang iba sa kanila pababa na ng bundok.

What? Yun na yun? I mean kalaban kami! Bakit hindi man lang nila kinalaban ang mga tauhan ko. Nakakainsulto.

Buong pagtataka akong humarap sa kanya "And ipapaalala ko pa pala, Nakadeactivate na lahat ng Hightech bomb itinanim mo sa sa palasyo ko. Thanks to your Ninong Ricky, anyway"

Behind Those Glasses (Completed)Where stories live. Discover now