BTG 30: His tears

10.3K 233 20
                                    


[Keallyn's POV]

I can't believe it!

In just a split second nakuha na niya sakin yung Knife gamit lang ang ballpen. Argh!

Ang mas nakakainis, pinagpipilitan ng hambog na to na boyfriend ko siya. Never mangyayari yun. Pagbibigyan ko lang siya ngayon dahil may kailangan pa ako sa kanya.

"Babe~" For the nth time, Napapikit nanaman ako sa Inis.

Kanina pa ako rinding rindi sa kaka babe niya! Bwisit.

Kasalukuyan kaming nasa Balcony ng kwarto ko. Pareho kaming nakaupo sa magkabilang dulo na part ng Sofa.

Ni hindi ko man lang siya tinitignan. Mas gugustuhin ko pang tignan ang City light sa di kalayuan kesa titigan ang nakakainis niyang mukha.

"Babe~" muli nitong tawag.

Hindi pa rin ako tumingin.

"Babe~ tsk first day palang natin LQ na agad?"

okay, wala akong naririnig.~

"Sorry na oh, wag ka nang magselos di na po ako mambabae"

That line totally caught my attention.

Agad akong napalingon sa kanya. Kita ko ang pagpipigil niya ng tawa.

"Kung puro kagaguhan lang ang sasabihin mo, matutulog na ako" sabi ko sabay tayo at pasok sa kwarto.

"Ahh Oo kagaguhan lang pala yung tungkol sa Hara Organization. Sayang balak ko sanang ikwento sayo yung tungkol dun" Sigaw nito.

Nagdadalawang isip pa akong bumalik but in the end bumalik pa rin ako at tumabi pa sa kanya.

"Ikwento mo na" walang gana kong sabi.

"Saka na pag naging sweet na ang girlfriend ko" pagpaparinig nito.

Huminga muna ako ng malalim.

Okay, ngayon lang to. I need to do this.

I swear pag natapos siyang magkwento, babawi ako sa hambog na'to.

Kumapit ako sa braso niya "B-babe ikwento muna p..please" patweetums kong sabi.

The eff, di bagay sakin. Nakakasuka.

Ngumiti siya ng pagkalapad lapad "Kiss ko muna babe" sabay pout.

ARGH! KAPAL TALAGA NG GAGO NA TO!
KISKIS KO YANG NGUSO NYA SA PADER E!

Humagalpak siya ng tawa "Fuck malady, ang epic ng mukha mo hahaha para namang hindi pa tayo nagkikiss"

"Naalala mo naman siguro yung nangyari sayo nun diba?" taas kilay kong sabi.

Yun yung first time na naglaban kami at accidentally, nakissan niya ako kaya ayun binugbog ko siya.

Naalala niya ata kaya bigla siyang nanahimik "Sabi ko nga wala nang kiss."

"Good, so ikwento mo na"

"Hmm san ba ako magsisimula?" tanong nito sa sarili "Ano bang gusto mong malaman tungkol sa kanila?" sabay lingon sakin.

"Sinong nagpapatakbo ng Organization na yun? almost 5 years ko na silang kakompetensya pero wala pa rin akong alam kung sino ang lider nila"

Ngumisi si Knite "Baka mabigla ka pag sinabi ko kung sino"

"Sino nga ba?"

"Si mr. Mitsuki Aruta, Isang pure Japanese na lumaki dito sa Pilipinas. He's going to 50 years old this October at bukod sa negosyo niya sa Black market nagmamay ari din siya ng pitong 5 star hotel around Asia"

Behind Those Glasses (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon