BTG 20: Akihiro 2.0

12.2K 298 18
                                    

[Keallyn's POV]

Dahil sa Incident na nangyari, napagdesisyunan ni Ninong na isuspend muna ng oneweek ang training para mapahilom muna ang sugat ko.

So back to being freak nerd nanaman ako.

Sa pagpasok sa gate ng school, i was expecting na kagaya ng dati. Masayang isisigaw ni Aki ang pangalan ko habang nakatayo sa gate at kumakaway sa akin.

Pero nakapasok na ako lahat lahat sa room, Hindi ko pa rin siya nakikita .

Then i realized na hindi na pala siya nerd ngayon.

I sighed.

Ngayong nabago ko na ang physical aspect niya, pati kaya ugali at pakikitungo niya sakin as Keallyn the 'nerd' magbabago din?

Argh! bakit ko ba iniisip yun?

Malamang magbabago!, lalo na ngayon nalaman niya ang totoong pagkatao ko.

Baka nga pag may nambully sakin ngayon, di niya ako ililigtas.

Diba dapat masaya ako pero bakit parang...ugh! ewan!

Keallyn~ hindi mo na dapat iniisip yung weak na yun!

Napaigtad ako sa gulat nang, may humampas ng desk ko.

Si clown pala psh.

"Malanding nerd! i thought after ng ginawa namin sa'yo last time. Aalis ka na sa school na to?"
Mapang-asar niyang sabi sakin.

This bitch, ang aga aga pinagiinitan na agad ako at talagang pinaalala pa yung ginawa nila sakin huh? Don't worry bitch sooner or later i will get my revenge. I'll make your bitchy life living like a hell.

Nanatili lang akong tahimik.

Bigla siyang tumawa "aww Oo nga pala, paano ka aalis kung scholar ka lang dito. Poor girl, malas mo lang pinanganak ka kaseng hampas lupa" then kumuha siya ng one thousand bill sa wallet niya at nilapag sa desk ko "oh! sayo na lang, ipambili mo ng cheap na shampoo. Ang baho kase ng buhok mo, yuck"

Nagtawanan ang iba naming classmate na nakarinig.

Abat!

Kating kati na talaga akong patulan tong clown na to. Pero todo todo ang pagpipigil ko, hindi pa to ang tamang time para maglantad. Lalo pa ngayong nasa paligid lang ang mga gustong pumatay sa'kin. Kailangan kong magdoble ingat.

Pinilit kong ngumiti kay Ynah, dinampot ko ang one thousand bill. Ansarap sanang isupalpal sa bunganga niya pero pinipigilan ko lang.

Kinuha ko ang kamay niya at ibinalik ito "T..thanks p.pero di ko matatanggap yan"

Duh~ i have  billion dollars on my bank account.

"Wow nerd, tatanggi ka pa. Kunin mo to kung hindi ipapakain ko to sa'yo" banta niya.

Try bitch.

"A..ah hindi talaga. S..salamat na lang"

Tinaasan niya ako ng kilay "Ayaw mo talaga ha" nilukot niya ang one thousand bill. Hinawakan niya ang mukha ko "Nganga!" sigaw niya pero tinikom ko lang ang bibig ko.

"Sabing ngumang-"

Natigilan lang siya nang may humatak sa kanya. Si Aki, ang bagong Akihiro Aruta

"Anong ginagawa mo kay Kea?!" sigaw nito.

I smiled, hindi pa rin pala siya nagbago.

"Wait, Sino ka ba?" Gulat na tanong ni Ynah pero halata ang pagkamangha sa mukha niya.

Hindi siya sinagot ni Aki, sa halip ay padabog lang nitong ibinaba ang kamay ni Clown.

Umupo sa siya sa tabi ko, pandalawahan kase ang seat dito pero ako lang ang walang seat mate.

"Morning li- i mean Kea. Seatmate na tayo ha?" nakangiti niyang sabi.

Fuckshit, wala na siyang brace! Para siyang model ng toothpaste sa ngiti niya.

he snapped his finger "uso mag respond"

" A.ah good morning din, bakit antagal mo?"

kumamot siya sa batok "Actually kanina pa ako nandito, ano lang hindi agad. ako nakapasok kase....."

"Kase ?"

Hindi siya sumagot, tumingin lang siya sa labas ng room.

Andaming mga babae ang nasa labas at nagsitilian sila ng tumingin si Aki. The heck, mukhang andami agad na fangirl ni Aki. Ngayon ko lang din napansin na pati mga classmate naming babae,pinagtitinginan siya.

"Don't tell hinarangan ka nila?"

Nahihiyang tumango si Aki..

"Andami mong fangirl" sabi ko habang nakatingin pa rin sa labas.

Pero hindi siya sumagot, tinignan ko siya at laking gulat ko nang nakatingin lang siya sa'kin. Sa mukha ko, specifically.

"Huy!" sigaw ko

"H..ha may sinabi ka?" napaface palm ako

"Bakit ka nakatingin ka sa'kin?"

Ngumiti siya "wala, naisip ko lang na sobrang laki pala ng pinagkaiba ng mukha mo bilang nerd at bilang" lumapit siya at bumulong "master ko"

"thanks sa Power of cosmetic and wig" bulong ko rin.

"Pero mas gusto ko yung ganito ka lang." sabay ngiti at tinitigan ulit ako.

"Huh bakit naman?"

"Pag nerd ka kase feeling ko superhero mo ako na kailangan kang iligtas pero pag nagiging master na kita feeling ko ang hina hina ko, parang anlayo mo abutin"

Bahagya siyang ngumiti. Ewan pero bigla akong napangiti sa sinabi niya.

Magsasalita sana ako pero natigilan ako nang nagtilian ulit ang mga babae sa labas ng room. Akala ko dahil uli kay Aki, hindi pala dahil kay Knite na kakarating lang.

Pupunta na sana siya sa upuan niya pero bigla siyang bumalik nang mapansing magkatabi kami ni Aki.

"Naks Anong drama to lampa? Porke ba nag mukha kang tao tatabihan mo tong panget na to?"

Knite Knite Knite. Akala ko magbabago ka na kay Aki pag nasa school hindi pa pala.

Biglang lumingkis si Ynah kay Knite "Ano babe?! siya yung nerd nating classmate?"

"Ano ba! break na tayo kaya wag na wag mo kong mababe babe dyan" sigaw ni Knite sabay hawi kay Clown.

Lumapit si Knite kay Aki at tinapik ang balikat nito.

"Alis"

"h..ha?" sagot naman bi Aki na naguguluhan.

"Alis dyan lampa, ako ang tatabi kay panget"

Nakita ko ang pagyukom ng kamao ni Aki habang nakatingala kay Knite. Padabog itong tumayo at nakipagtitigan kay hambog.

Shit, Mukhang lalabanan na ni Aki si Knite!

"Ano lampa lalaban ka na ha?!" sigaw ni Knite sabay hablot ng. kwelyo nito.

Akihiro~ipakita mo ngayon kung. anong natutunan mo sakin!

Hinawakan ni Aki ang  balikat ni Knite at nag sabing...
-
-
-
-
-
"S..sabi ko n..nga aalis na" sabay pagpag sa balikat ni Knite.

*Facepalm* ugh! hanggang ngayon weak ka pa rin. Kainis.

Ngumisi si Knite at binitawan si Aki. Dinampot niya ang bag nito at binato.

Laglag balikat itong dinampot ni Aki at umupo sa dati niyang upuan.

Behind Those Glasses (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon