BTG 14: Her true Identity

15.2K 392 5
                                    

[Akihiro's POV]

For the fifth time, sinampal ko ulit ang sarili ko.

"Ouch" Gaya kanina anshaket pa rin. Hindi na nga ako nanaginip.

I can't believe it! kitang kita ko ang pagpapalit ng mukha ni liit kanina. From black naging short na kulay pula ang buhok niya. Then yung mga pimple niya! oh men parang clay lang na tinatanggal niya sa mukha. 

A..anong meaning nun?

Na all this time nagdidisguise lang siya bilang nerd? Pero bakit?

Sana mali ang iniisip ko na nagpapanggap lang siya bilang nerd. Yun kase ang katangian niya kung bakit ko siya naging crush.

Oo crush ko siya since first day of school palang. Ewan ko ba pero naattract agad ako sa kanya nung first time naming magusap. Ang cute cute pa niya pag naiinis O nagugulat siya, sarap pisilin ng pisnge. Kaso mukhang nagkamali ata ako ng pagkakilala sa kanya, bigla akong naturnoff nung  nagbago ang ugali niya at sinigawan ako kanina. Nakatakot si liit.

Halos mapatalon ako sa gulat nang biglang bumukas ang bathroom at may iniluwang dyosa. pfft joke.

Tinaasan niya ako ng kilay "oh anong tinitingin mo dyan?"

Teka si Keallyn ba to? parang ibang tao eh. Biglang nagiba ang boses niya at nakakatakot na siyang tumitig. Pero ang hot niya sa bago niyang itsura.

Hindi pala ako naturn off sa kanyak, mas lalo ko ata siyang naging crush. bwahaha.

Napalunok ako ng tumabi siya sa'kin sa kama.

"alam kong marami kang tanong sakin, pero bago mo ko tanungin. May itatanong muna ako sa'yo?"

"h..huh?" hindi ko masyadong naintindihan ang sinabi niya. Nakatingin lang kase ako sa lips niya. P..parang ang sarap halikan.

Aki~ ang manyak mo.

"Aray ko po!" sigaw ko ng bigla niya akong binatukan. ansakit huhu.

"PUNYETA AKI, INTINDIHIN MO MAIGI YUNG SINASABI KO" bulyaw niya.

"A..aano ba yun?"
Nakakatakot si Liit, para na siyang monster.

"Makinig ka kase! ansabi ko may itatanong ako sa'yo."

"o..okay ano yun liit" bumwelo siyang sasapakin ako "I mean Kea, Oo keallyn hehe"

"Good, bakit mo ko laging nililigtas?"

"Secret---Ouch" binatukan nanaman niya ako.

Sa totoo lang there's a  special girl from the past na naalala ko everytime na nakikikita ko si Kea, i mean yung nerd version niya. Kaya di ko kayang nakikita siyang binubuly sa school. At isa pa may crush ako sa kanya diba?

"Secret o sasapul sayo tong kamao ko"

"Oo na sasabihin na, ano kase, ano, a..no nakakahiya eh. Ano kase kita, a...no" Confession time ba'to, damn para akong babae "c..crush kita, i mean yung nerd version mo ayokong nakikita kang nasasaktan"

Nanahimik siya sa sinabi ko, kita ko rin ang pamumula ng mukha niya.

" Bakit ka namumula, Kinikilig ka noh? " Pagbibiro ko.

Then, bigla niya akong kinuwelyuhan "You freaking nerd, For your information hindi ako kinikilig. Namumula ako sa Inis, dahil hindi ako damsel in distress na kailangang iligtas ng Knight in Freaking armor" marahas niya akong binitawan.

"Si lii- i mean Kea Hindi mabiro. Kung hindi ka damsel distress bakit ka nagpapanggap na nerd?"

"I need to"

"Bakit?"

"Simple lang, dahil ako si Keallyn Wibbleton, ang kaisa isang tagapagmana ng mga Velasqo at Wibbleton Incorporation at Nagtatago ako sa media"

Napatayo ako gulat. Seryoso? siya si ms.Wibbleton?!

"I..it means ikaw ang may-ari ng school na to?!" sigaw ko..

She smirked "The one and only"

"Edi ikaw din ang dahilan kung bakit naospital si insan?"

"Insan?"

"Si Knite!"

This time siya naman ang nagulat at napatayo.

" Sabi na nga ba! Magpinsan kayo nung hambog na yun"

Yumuko ako, patay alam na niya.

"Ahh O..oo magpinsan kami"

Magkapatid kase ang mom ko at dad ni Knite.

"Kung magpinsan kayo, bakit ganoon siya sa'yo? The eff, Oo wala akong kamaganak pero alam kong di gawain ng magpinsan ang mambullyhan sa school"

Mapakla akong napangiti sa tanong niya.

"Simple lang, galit siya sa'kin. Sobra.Kaya kinalimutan na niyang magpinsan kami" pagamin ko.

"Bakit?" she asked.

Nakangiti ako tumitig sa kanya, umiling ako sabay sabing "Sorry, pero ayokong pagusapan yun"

Ayoko, may naalala lang ako.

"Okay" buti naman at di na niya ako kinulit "Eto na lang ang tanong ko, paano mo nalaman na, ako ang dahilan ng pagkakahospital ni Knite"

I took a deep bago magkwento sa kanya.

"Bata pa lang kami, nasabi na sakin ni Knite na magiging personal keeper daw siya ng isang mafia leader paglaki namin. Lately sinabi sakin ni tito Ricky na ang may ari daw ng school na pinagaaralan namin ang magiging master niya-"

" wait Tito Ricky? Tito mo rin siya?"

"malamang, magpinsan kami ni Knite diba?" pokerface kong sagot.

"Okay, tuloy mo na"

"Sige, so yun nga. Since wala ang parents namin ni Aki dito sa pilipinas. Ako ang tinawagan ni tito para bantayan siya sa Hospital then duon ko lang  nalaman  na ang master pala niya ang bumugbog sa kanya dahil accidentally nahalikan--

Natigilan ako nang binato ako ni Kea ng unan.

"Anong nahalikan?!"

Halos mamula ang mukha niya sa galit. Haha imbis matakot lalo akong natawa sa reaksyon niya.

Grabe nga yung tawa ko nung kinwento sakin ni tito yung part na nagwala daw yung master ni Knite dahil nahalikan nya ito. Eto pa kinwento din sakin ni tito na first kiss ng master ni Knite yun.

"Asus, ayaw mo lang maalala yung first kiss mo" pagbibiro ko.

Biglang siyang tumayo sa kama at tinulak ako pahiga sabay patong sa tiyan ko at sinakal ako sa leeg.

"Anong sabi mo?!" sigaw niya

"w...wala. d..di ako maka...hinga" tinap ko siya sa braso para bitawan ako.

Mamatay na ata ako huhu.

Napapahampas na ako sa kama, hindi  talaga ako makahingaaaa. Mommy!

Napaubo ako ng sa wakas ay binitawan na niya ako.

Naglean siya sakin at dinuro ako "sa susunod na sabihin mo yan sa'kin. I swear papatayin na talaga kita" mariin niyang bulong.

Grabe dahil lang sa first kiss papatayin niya ako?

"O...oo na," sagot ko.

"Good"  sagot niya sabay alis sa ibabaw ko.

Humiga siya sa tabi ko.

"Since marami ka nang alam tungkol sakin, Gagawin na rin kitang personal keeper ko"

Napaupo ako sa sinabi niya "Ano?! P..pano kung ayaw ko?"

Ayokong maging keeper, gusto ko pang mabuhay!

Umupo rin siya "Paano kung ayaw mo? Simple lang" then nagform siya ng parang baril sa kamay niya at itinutok sa sintido ko "Bang!... You died Aki" she smirked.

Patay...









Behind Those Glasses (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon