BTG 8: Knite's Private Room

15.3K 351 5
                                    

"Ano? Paano mo nga nalaman?" Pabulong na tanong ni Aki, habang tumitingin tingin sa buong clinic. Para bang ayaw niyang may makarinig sa sinasabi niya.

"Ahmm" umiwas ako ng tingin sa kanya.

Eh anong sasabihin ko? alangan naman sabihin kong 'Ako kase may ari ng school kaya ayun, pinakuha ko yung file nyong dalawa then nalaman kong Abueva pala middle name mo, ang galing noh?'

No way, katapusan na ng pagpapanggap ko pag sinabi ko yun.

Lalong lumapit sa'kin si Aki, "Ano nga? Pano mo nalaman. Malalagot ako kay tito pag nalaman niyang may ibang nakaalam"

Hindi ko masyadong inintindi yung sinabi niya, nakatuon lang ako sa mukha naming sobrang lapit. Amoy na amoy ko na rin amoy mint na hininga niya.

Ako lang ba to? o talagang akward ang posisyon namin ngayon?

"h...ha? Anong sinabi mo?" Tanong ko habang nakatingin sa labi niya, pag yan dumampi sakin, ewan lang.

May tinignan si Aki sa gilid ko, which is bintana ng clinic tapos ngumiti siya ng nakakaloko at mas lalong inilapit ang mukha sakin.

Napaatras ako sa ginawa niya. Ano nanamang trip ng nerd na to?

pero sa pagatras ko, lumapit pa rin siya. The heck!

"Liit ang sabi ko paano mo--"
natigil sa pagsasalita si Aki ng malakas na bumukas ang pinto. Agad akong lumayo kay Aki at tinignan kung sino 'yon. No other than Kabute aka Hambog.

Walang sabi sabi, hinawakan niya ako sa kamay at hinatak palabas, hindi pala hinatak, kinaladkad yung tamang term.

bullshit si Aki, di man lang pinigilan si Knite, ngumiti pa ang gago. Tsk anong nakakatawa dito?

"K..knite bitawan mo ko"

kung ayaw mong balian kita ng buto hambog ka.

Pero parang wala siyang narinig tuloy tuloy pa rin siya sa pagkaladkad sa akin. Halos lahat ng estudyante sa corridor sa amin nakatingin pati ang girlfriend ni Knite na mukhang clown masama ang tingin sa'kin.
Psh dukutin ko yang mata mo e.

" Bitawan mo na ako K..knite y..yung girlfriend mo, ansama ng tingin sa'kin"

Huminto sa paglalakad si Knite at humarap sa'kin.

"Sino sa kanila?"

kanila?  it means marami siyang girlfriend? oh well bakit pa ba ako nabigla.

"S..si Ynah" sabay lingon kay Clown.

"Sandali lang" binitawan niya ang kamay ko "Wag mo subukang tumakas, kundi malalagot ka sakin" banta niya.

Tumango lang ako.

Patakbo niyang tinungo si Ynah. Pagkalapit niya dito agad siyang sinigawan nito sabay turo sa'kin.

Umiling iling si Knite tapos ay parang may sinabi siyang kung ano. Di ko masyadong marinig dahil malayo ako sa kanila. Kita ko ang pagkabigla sa mukha ni Ynah para bang di siya makapaniwala sa sinabi nito.

Mangiyak ngiyak niyang sinampal si Knite, magsasalita pa sana siya pero tinalikuran na siya nito.

eh? anong nangyari?

"a...anong sinabi mo?" tanong ko pagkabalik niya.

hinawakan niya ang kamay ko at muli akong kinaladkad "Nakipag break"

"H..ha?!" the eff, ano daw nakipag break siya? "B..bakit?"

"tsk andami mong dada, pwede ba tumahimik ka na lang?"

"o..okay"

eh kung buhay ko kaya patahimikin kong gago ka, bwisit!

Huminto kami sa tapat ng isang kwarto sa main building. May nakalagay na 'Knite's Property sa pinto.

Sa pagkakaalam ko storage room ito ng school KO, aba't bakit niya to inaangkin?!

Binukasan niya ang pinto at hinatak ako papasok.

Napa 'wow' ako nang makapasok kami sa loob. Sobrang layo ito sa ineexpect kong itsura ng storage room. Para itong kwarto sa isang five star hotel. Black and white ang motive dito. Kumpleto sa furniture at may king size na kama sa pinakagitna.

The eff, di ko alam na may nageexist palang ganitong kwarto sa school ko. Bakit wala akong alam dito? Malalagot talaga si mr. Sanchez sa'kin tsk.

Dirediretsong pumasok si Knite at umupo sa Sofa, nanatili lang akong nakatayo dito sa pinto.

"Oh pasok na panget!"

"Anong gagawin k..ko dito?"

He grinned then tinap niya gilid niya "Pumasok ka, sasabihin ko sa'yo"

Tumabi ako sa kanya "A..ano?"

He smirked "Slave kita diba?"

"O..oo"

"Pwes pagsilbihan mo ko" he give me a seductive look, then hinubad niya yung shirt niya. Napalunok ako ng tinignan ko ang katawan niya, mula sa six pack abs hanggang firm na mga muscle niya. Shitness bakit ang iniiiit!

Hinawakan niya ang baba ko at iniangat para magkapantay na kami ng tingin. He seductively bit his lip "Sa akin ka tumingin babe, wag sa katawan ko" he winked.

speechless...

tinanggal niya ang salamin ko at tinitigan ang labi ko "pagsilbihan mo ko Kea"

shit, don't tell me....

Agad ko siyang tinulak ang lumayo sa kanya. No fucking way, di ako papayag sa gusto niya!

Gulat akong napayakap sa Sarili "W..wag" This time, totoong kaba na talaga ang nararamdaman jo.

Kinain ng katahimikan ang buong kwarto.

Then...

"Pwahahahahahahahahahahah" He burst out laughing napapahampas pa siya sa lap niya.

eh?

"Damn it panget, Anong tingin mo sa'kin papatol sa'yo? fuck hahahaha. shit ang epic ng mukha mo kanina hahaha Ang ibig kong sabihin sa pagsilbihan mo ko, Linisin mo tong kwarto ko hahahaha"

Anak ka talaga ng *censored* nakaka*censored* kang hayop ka! you asshole bwisit ka!

Behind Those Glasses (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon