BTG 13: Savior

15.2K 362 8
                                    

[Keally'n POV]

its been three days, since nakipaglaban ako kay Knite.

and yes, back to being nerd nanaman ako. Ang pinagkaiba nga lang, walang Knite Abueva ang nambubully sakin ngayon.

Hindi dahil sa alam na niya kung sino ako, tsk di ko pa sinasabi sa kanya na ako at si ms Wibbleton ay iisa. May pinaplano kase ako sa hambog na yun.

Kaya wala siya dahil hanggang ngayon naka confine pa siya sa ospital.

Oo, buhay pa siya. Sayang, hindi pa natuluyan.

Ang sabi ng private doctor ko, masyadong malala daw ang natamong sugat ni Knite to the point na pwede na daw itong ikumpara sa taong nasagasaan, may mga buto din na nagkafracture kaya 2 weeks pa siya duon.

2 weeks na free hambog ako, and i will use those weeks para baguhin si Aki.

speaking of Aki.

"Kea!" kumakaway na sigaw ni Akihiro, nang makapasok na ako ng gate ng school. tsk kung makasigaw akala mo matagal kaming di nagkita.

Ngiting plastic akong lumapit sa kanya "oh Aki! Goodmorning~"

"Morning din, nakagawa ka ng assignment sa pre-cal?"

Tamo to ang aga aga, assignment agad ang tanong sa'kin.

"O..oo naman! ako pa?" pabiro kong sabi sabay pabirong sumapak sa braso  niya, muntik na nga siyang matumba dahil dito. tsk ang weak talaga.

"Pakopya liit" sagot niya habang nakahawak sa braso. Nakapout pa  siya na parang nagpapacute sa'kin.

"eh?  Di ako sure sa sagot ko"

Sa totoo lang sure na sure ako sa mga sagot ko. Di ko lang siya feel na pakopyahin. Baka masanay.

"ahh ganun ba? Sige mauna ka na sa room, kukunin ko lang yung books ko sa pre-cal"

Tumango lang ako then tumakbo na siya paalis.
Natawa ako sa way ng pagtakbo niya, para siyang matutumba na ewan.

Nang makarating na ako sa building, nagulat ako nang may nagbuhos sa'kin ng tubig galing second floor.

Damn shit

Agad akong tumingala at nakita ko si Clown ang Ex Girlfriend ni Knite kasama ang mga alipores nitong mga mukhang Hipon, Lahat pinagtatawanan ako.

Akala ko magiging peacefull ang buhay ko dahil wala si Knite. Hindi pa pala.

Mga impakta kayo! Tatandaan ko talaga yang mga panget nyong pagmumukha at Sisiguraduhin kong mapapatalsik kayo sa school ko!

Hindi pa sila nakuntento sa ginawa nila, maya maya'y binuhusan din nila ako ng Harina at dahil basa ako dumikit lahat sa katawan ko. Mukha na akong Espasol!

Agad na bumaba si Ynah at pumunta sa harap ko.

"Bagay lang sa'yo yan Ugly nerd, masyado ka kaseng malandi. How dare you na landiin ang Knite ko ha? Dahil sa'yo nakipagbreak siya sakin!" Tapos ay sinampal niya ako.

Napakuyom ako sa ginawa niya, bukod kay mom siya palang ang kaunaunahang taong sumampal sa'kin. But despite of my anger, pinilit ko pa ring pakalmahin ang sarili ko. May araw ka sakin, bitch.

Umarte akong naiiyak. "H..hindi naman-"

"Sasagot ka pa ha?! anong hindi e kitang kita ko na pumasok kayo sa private room niya. Ang nakakainsulto, wala pang pinapasok si Knite sa kwarto na yun, Ikaw palang!" inilahad niya ang kamay niya sa isa sa mga alipores. May binigay itong itlog at walang anu-anoy binasag niya ito sa noo ko "Para sa panggagayuma mo kay Knite, bitch" then tinalikuran niya ako "kayo ng bahala sa kanya"

After that, pinalibutan ako ng mga alipores niya at pinagbabato ako ng kung anu ano.

Nanatili akong nakayuko, at iniinda lahat ng pambabato nila.

Hindi ko na kaya to.

I was about to shout nang biglang may yumakap sakin at siya sumasalo ang sumasalo sa lahat ng binabato nila..

Tumingala ako at nakita ko si Aki na halatang iniinda ang sakit pero nakuha pa ring ngumiti sa'kin.

"Sa..sabing a..ayokong nakikita kang umiiyak liit. Smile lang nandito na ako. a..akong bahala s...sayo"

Parang nagslowmo mundo ko habang nakatingala sa kanya.

At that time may isang tanong ang bumagabag sakin.

'Bakit mo ba ako laging nililigtas, bwisit ka?'

Parang ako ang nasasaktan sa kanya. Alam kong may kasama nang bato ang inihahagis sa kanya. Pero pinipigilan niyang hindi mapasigaw, sa halip ay pumikit na lang siya at mas lalong hinihigpitan ang yakap sa'kin.

Yumakap ako ng mahigpit sa kanya, di ko alam kung ano ba tong nararamdaman ko. The next thing i knew, humahagulgol na ako sa dibdib niya.

Ganito pala yung feeling nang may taong prumoprotekta sa'yo, na may taong kayang masaktan para hindi ka masaktan. 

After mamatay ng parents ko, nasanay na kong maging independent. Hindi ako umaasa sa iba. As much as possible hinaharap ko ang problema ko na ako lang. Oo may mga tauhan akong prumoprotekta sakin, pero ginagawa lang nila 'yun dahil kasama 'yun sa tungkulin nila.

Hindi kagaya ni Aki, na hindi ko naman kaano ano pero nagmamalasakit sakin. Sa akin na isang nerd lang.

Natigil lang ang mga estudyante nang pumito ang guard. Agad na nagtakbuhan ang iba hanggang sa kami na lang ni Aki ang naiwan dito.

Hingal na hingal siyang tumingin sakin "o..okay lang? w..wala na sila liit, w..wag ka nang umiyak"

argh! bakit ang bait bait mo? Nakakainis na.

Hindi ako sumagot, hinawakan ko lang siya sa pulsuhan at hinatak.

"Saan tayo pupunta?"

Nanatili pa rin akong tahimik, Diretso lang ako sa paghatak hanggang sa makarating kami sa Private room ni Knite.
Hindi pwedeng gan'to lang siya lagi, kailangan ko na siyang baguhin pero bago 'yon sasabihin ko muna kung sino talaga ako.

"Pasok"

"H..ha? pero kay Knite-"

"WALA NANG PERO PERO, PUMASOK KA NA LANG!"

Nabigla ata sa pagsigaw ko, kaya agad niyang binuksan ang pinto. tsk papasok naman pala, kailangan pang sigawan.

"A....nong ginagawa natin dito?, ba..baka magalit si Knite"

"Tsk akin din to kaya okay lang yan"

"Sayo? papanong-"

"pwede ba? Andami mong tanong, mamaya muna yan maliligo lang ako"

Kumuha ako ng tshirt at boxer sa drawer ni Knite, kumuha din ako ng tshirt at hinagis kay Aki.

"Oh magpalit ka muna ng pantasan, maghintay ka dito maliligo lang ako"

Then hinubad ko na yung nerdy glasses ko at wig. Tinanggal ko na rin ang cosmetic pimple ko. Ngumisi lang ako kay Aki na Nanlalaki ang singkit na mata bago pumasok sa bathroom

Behind Those Glasses (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon