BTG 25: Mahal ko na siya

10.9K 276 39
                                    

[Akihiro's POV]

Muling nagflashback sa utak ko ang walang kamuwang muwang na katawan ni Cy na walang malay at puno ng dugo.

"Cyrene S..sorry, Sorry"

Maluha luha kong sabi habang nakatitig sa larawan namin.

Kuha ang larawan noong 10th birthday niya, Her innocent face was shocked when i kiss her cheek after she blow her Birthday candle.

Ito lang kaisa isang picture na magkasama kami ni Cy.

Cyrene was my first ever girlfriend. Grade 5 pa lang kami nang sinagot niya ako. Yes, masyado pa akong bata nung time na yun para pumasok sa isang relationship pero natatakot kase ako. Ang selfish mang pakinggan pero natatakot akong baka maunahan ako ni Knite kaya niligawan ko agad siya.

Cyrene is a fragile girl. Because of her nerd look lagi siyang tampulan ng tukso sa school. Everytime na may nambubully sa kanya lagi siyang nililigtas ni Knite. Never kong niligtas si Cy dahil nga isa akong malaking DUWAG. Mayroon pa ngang incident na may classmate kami na balak akong sapakin pero humarang siya sa harap ko kaya hindi natuloy.

Kaya siguro ako nagkakaganito sa nerd version ni Kea. Nakikita ko kase si Cy sa kanya.

But it turns na pareho pala kami ni Knite.

Agad kong pinunasan ang mga luha ko at tinago ang picture namin nang makarinig ako ng yabag na papalapit sakin. Break time ngayon at kasalukuyang akong nakaupo sa field.

"tsk akala mo ba natutuwa ako sa ginagawa mo?" boses palang alam ko nang si liit to.

Agad akong yumuko.

Nagindian sit siya sa harap ko at hinawakan ang baba ko para makaharap sa kanya. Agad na sumalubong sa akin ang galit niyang mukha kaya inilihis ko ang mukha ko.

"Bakit mo ko iniiwasan ha?"

Hindi ako sumagot, nanatili lang akong nakatingin sa kawalan.

May dalawa akong dahilan kung bakit ako umiiwas, una dahil sa tuwing magakasama kami ni Kea, naalala ko lang si Cy sa kanya.

Si Knite naman ang pangalawang dahilan kung bakit ako umiiwas. This past few days, narealize ko na nagkakagusto na ako kay Kea, lagi akong nagagalit at nagseselos everytime na magkasama sila ni Knite. I like her pero alam kong ganoon din si Knite.

Mapakla akong napangiti.

Nangyari nanaman. nagkagusto kami sa iisang babae. Kung dati inunahan ko siya kay Cy pero ngayon iba na, ako na mismo ang iiwas, pagbibigyan ko naman si Knite.

"sasagot ka o tatama tong kamao ko sa'yo" banta ni liit.

Nakapokerface akong humarap sa kanya "Just punch me" cold kong sabi.

Pero imbis na sapakin ako, binigyan niya ako ng batok. huhu Anshaket pa rin pala ng batok niya.

"Argh, nakakainis ka! Hindi ako makatulog ng maayos kakaisip kung bakit ka ba nagkakaganyan! Ansaket nang sinabi mo sakin last time! Ako dapat ang galit pero bakit nabaligtad ata ha!" sigaw niya.

Seryoso, gusto kong tumawa ngayon. Namiss ko to, yung cute niyang mukha sa tuwing nagagalit, yung pagbatok niya sakin. Pati siya namimiss ko na.

But i remain my pokerface and cold look.

"Yun na yun? pumunta ka dito para lang sigawan ako?" tumingin ako sa wristwatch ko "oh malapit nang matapos ang break, sabay kayo ni Knite diba? dun ka na baka nagiinta--Oww" di ako natapos dahil sinapak na niya ako sa panga kaya napahiga ako sa field.

Hinatak niya ang kwelyo ko para mapaupo ulit "tinakasan ko nga tapos pababalikin mo ko? At di lang yun ang pinunta ko"
then hinubad niya ang suot kong salamin.
"Eto, you idiot. Sinayang mo lang ang ginawa kong makeover sayo! Bakit ka bumalik sa dati ha!" sabay bitaw sakin at bato sa salamin ko.

"Useless din naman kase kung babaguhin mo ko" pabulong kong sagot pero sapat para marinig niya.

"Paanong useless? Ginawa ko yun para wala nang mambully sa'yo"

"Sige sabihin na nating nagbago ang itsura ko, wala nang nambubully sakin but it will never change the fact na isa akong lampa at duwag"

Muli niya akong kinwelyuhan "Hindi. ka. lampa at duwag" mariin niyang sabi habang magkalapit ang mukha namin.

"Wala ka kaseng alam" sagot ko.

Wala siyang alam sa ginawa ko noon.

lalo niyang inilapit ang mukha niya "Edi sabihin mo para malaman ko" mariin niyang sabi then she bite her lip.

Sobrang lapit nang mukha namin kaya agad akong nadistract sa manipis at mapupula niyang labi. God! natetemp akong halikan siya.

"Ano na?" muli niyang tanong.

Hindi ko alam kung ano pumasok sa isip ko at hinawakan ko ang batok niya at dahan dahang lumapit sa kanya. Nakatitig lang ako sa labi niya hanggang sa maramdaman na ito ng sarili kong labi.

Ang buong akala ko ay agad siyang lalayo pero hindi. Sa halip ay natigilan lang siya saglit tapos ay pinikit pa niya ang mata niya at unti unting ginalaw ang labi.

Pumikit rin ako at dahil first kiss ko ito, sumunod lang ako sa galaw niya. Lahat ng  sakit na kinikimkim ko this fast few days
biglang nawala. Dahil lang sa isang halik.

Sobrang lakas ng tibok ng pusoko.

then.. suddenly i realized, i don't just like her. Parang ayoko nang ituloy ang plano ko na magpaubaya kay Knite dahil...

mahal ko na siya

"WHAT THE FUCK!" pero agad kaming naghiwalay nang marinig namin ang sigaw ni Knite.

Behind Those Glasses (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon