BTG 39: Choose beetween them

8.2K 188 11
                                    

[Akihiro's POV]

Pagkalabas ng music room agad kong nilock ang pinto at napasandal dito.

Mapakla akong napangiti nang marinig ko ang malakas na kalabog nito at ang paggalaw ng doorknob.

"Aki!" rinig kong sigaw ni Keallyn "Akihiro fuckshit ka! ilabas mo ko dito!"

"Aki! alam kong nandyan ka!"

"Aki!"

Biglang humina ang pagkalabog niya.

"Please"

"Gusto kong iligtas si Knite"

"Please lang Aki~" Sabi niya habang tuloy pa rin sa pagkatok.

Biglang nanghina ang tuhod ko habang pinapakinggan ang boses niyang nagmamakaawa sa'kin, kasunod nito ay ang mahinang paghikbi niya.

Napaupo ako at napasabunot sa buhok.

Langya malapit na akong mabaliw sa Sitwasyon ko ngayon.

Gusto ko siyang iligtas, Hindi sa minamaliit ang kakayahan niya pero alam kong pag si mr. Mitsuki na ang kaharap niya alam kong walang laban si Kea.
Walang siyang laban sa 30 years na expirience ni mr. Mitsuki bilang Shinobi.

At ito lang ang paraan para maligtas siya, to kill my cousin!
Kaso pagnangyari naman yun, alam kong kamumuhian ako ni Kea.

Di ko na alam gagawin ko.

"Please~"

Tumayo ako at agad na binuksan ang pinto. Hindi ko na kaya na marinig ang pagmamaka-awa at pag-iyak niya.

Agad niya akong tinulak at pinilit na tumakbo kahit na my sprain siya.

Hinabol ko siya at hinawakan sa braso.Pero marahas niya itong hinawi at tinitigan ako ng masama.

"Pag may nangyaring masama kay Knite, Kahit mahal kita, magkalimutan na tayo" mariin niyang sabi.

Tapos ay Hinubad niya ang sapatos niya at iika ikang tumakbo palayo sa'kin.

Ito na nga ba ang sinasabi ko.

"Susundan ba namin master?" Halos atakihin ako sa puso ng biglang may magsalita.

Pagtingin ko sa likod, nakahilera na ang tatlong Shinobi na nakasuot pa ng black ninja suit. Sila ang pinadala ni mr. Mitsuki na nagbabantay sa'kin.

'Tong mga Shinobi na to, bigla bigla na lang sumusulpot.

"Sige bantayan niyo para di siya masaktan ng personal keeper ko"

"Nasan ba ang keeper nyo master?"

"Di ko alam pero sigurado akong nandito din yun sa school. Malinaw ang utos ko, Keep Her safe from my Lunatic Keeper"

Sabay sabay silang yumuko. "hai! master!"

Tapos ay sabay sabay silang tumakbo papunta sa direksyon ni Keallyn.

Yes, may keeper na ako at ang mission niya ay kagaya sa'kin ang patayin si Kea o si Knite. Pero salungat sa plano ko, dahil si Kea ang puntirya ng baliw kong keeper.

Biglang nagring ang phone ko.

[Tandang Mitsuki Calling.......]

Tsk, ano nanamang kailangan ng magaling kong tatay?

"Hello" Walang gana kong sabi.

[Ipapaalala ko lang son, two days na lang natitira para sa mission mo. Choose wisely son. Your cousin or your beloved girlfriend?"] may halong pangaasar sa boses niya

Behind Those Glasses (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon