“Anong nangyari dito?” Tanong ni ate kaya sobrang nagulat talaga ako. Nahulog pa nga ako sa sofa eh! Nagdadasal yung tao eh!


“Ano ka ba namang babae ka?! Para ka namang multo eh!”


“Anong nangyari at bigla na lang kayong nawala ha?” nakapamewang na siya. 7 na pala ng gabi.


“Ang taas ng lagnat ni Bettina kanina kaya inuwi ko na tapos yun, nakatulog na pala kami.” Wew,savior ko si kuya!


“Ok ka na?” Hinawakan niya yung noo ko. “Hinahanap ka pa naman ni Tristan tapos ni tita Alona.” Ano naman ang kelangan sakin ni Tristan?


“Ahhh…”


“Onga pala, bakit tinawag mong Bettina si Mimi? Diba sabi ko na wag na wag mo siyang tatawaging Bettina?” Aba, meron na palang ganon ngayon? Di ko yun alam ah!


“Eh ano bang paki mo? Bettina the Baboy!”


“Hoy! Kung ako baboy, ikaw naman Alex the Alligator!”


“Ano yan?” Si papa pala.


“Papa oh! Si kuya sabi baboy daw ako!” Sabay pout.


“Tama naman siya ah.” Si kuya naman tumawa nang napakalakas.


“PAPA! Hmpf!” Nawala na yung lungkot ko. Ang saya nga eh. Your family will never leave you. They will always be there to make you happy when all else seem to fail. Because they are your family! Y

***

Pinapunta ako sa studio. Sabi daw kasi ni ate Cass ako na muna daw ang magbantay sa studio kasi may competition sila ngayong araw. Andun lahat ng estudyante niya kaya wala munang piano lesson ngayon. Ineexpose kasi ni ate Cass ang mga estudyante niya sa mga ganong event para syempre aware din sila.


Ayokong manood ng ganong event kaya hindi na ako sumama. Wala din yung caretaker kaya ako na lang ang nagbabantay. Baka daw kasi may mga pumunta na mga tao at magtanong ng mga ka-chuvahan.


So far, wala namang pumupunta dito maliban sa mailman at mga solicitors. Hapon na nga actually. Inaantok na nga ako eh pero hindi pwedeng matulog. Maya-maya din nandito na rin si ate Cass.


Ilang araw ko na ding hindi nakikita si Tristan. Alam ko bumalik na si Valerie sa EMAU kasi may ballet performance daw sila. Mas mabuti na din na hindi ko sila nakikita. I don’t want this feeling to grow deeper. Naks naman oh! Kung maka drama lang eh.


“Ang lalim ng iniisip ah. Salamat sa pagbantay, Mimi.” Oh andito na pala sila.


“Ok…ok lang yun.” Shame naman! Bakit kasama niya si Tristan?!


“Panalo si Khea…” Marami pa siyang sinabi pero hindi ko na naintindihan kasi ewan ko ba. Ngiti ngiti tyaka tango tango na lang din ako.


“Sige ate Cass, uwi na ako. Bye Tristan.”


“Bakit ka nagbababye?” Sows! Eto na naman tayo sa katarayan niya oh!


“Eh kasi aalis na ako.”


“Sasama ka pa sakin.”


“Ano?!? Saan naman??” Eh wala na eh. Kinaladkad na niya ako papunta sa sakayan ng jeep. Hindi ko maintindihan kung ano na naman ang problema nito? Pero hindi naman siya napapalibutan ng bad aura ngayon eh. Ano kaya ang meron?


Bumaba kami sa may Mcdo.


“Ano gagawin natin dito?”


“DUH!” napakagandang sagot! Alam ko naman na siguro kakain kami diba? Pero may nadaanan na kaming Mcdo kanina ah! 2 Mcdo na nga ata yun eh!


Pinaupo na niya ako at siya na lang daw mag-oorder. Alam naman na niya ang gusto ko eh.

Sa 2nd floor ako nakahanap ng bakanteng upuan. Sa katabing mesa, may cute na cute na batang lalaki, siguro mga 4 years old siya. Sinusubukan nyang punitin yung ketchup kaso hindi niya ata kaya. Yung kasama niyang babae, siguro mama niya, kinuha na sakanya yung ketchup.


“Hindi naman kasi kaya eh. Dapat nagsabi ka na lang kay mama.” Sabi nung teenager na babae na kasama nila.


“Eh kumakain si mama.” Ang sweet naman ng batang yan.


Napansin kong medyo maputla yung bata. Tyaka yung T-shirt na suot niya...may nakaprint na I LOVE MY LIFE SO I WILL FIGHT! Yun yung motto nung isang Cancer Foundation.


Don’t tell me na may cancer yang batang yan?


“Oh next week babalik tayo sa medication mo ha. Kaya mo pa ba?” Tanong nung mama niya. Tapos pinakita niya yung t-shirt niya tapos tumawa.


May cancer nga talaga siya. A tear fell from my eye. Ang bata pa niya para labanan ang isang sakit na gaya ng cancer.


That boy reminded me of a friend I had back when I was a child. Si Robbie. Siya yung pinakabestfriend ko talaga sa lahat nung bata pa ako. As in lagi kaming magkasama. Bihira lang kaming mag-away. Kung mag-aaway man kami, laging siya ang unang nag-sosorry.


He died of brain cancer when I was 9. And that made a huge difference in my life.


You know why? ‘Cause he was my twin brother.

=READ, COMMENT, VOTE, LIKE! THANKS <3

..when words fail, music speaks.. [COMPLETE]Where stories live. Discover now