Kabanata 48

14.3K 311 37
                                    

Paglapag nang eroplano ko sa Maynila at agad din akong bumyahe papuntang Regalla. Doon na lang muna ako dahil may pinapaasikaso din naman sa akin si kuya. May isang lupa din kaming binili doon noong nakaraang buwan at ang sabi niya, ako ang bahala kung anong gusto kong gawin sa lupang iyon. Matagal ko nang naumpisahan sa pagpapagawa doon ngunit ngayon lang mababalikan muli.

Habang nasa eroplano ay napag isipan ko na ang mga ipapabago ko. Wala akong pahinga pagdating nang Regalla. Inilagay ko lang ang maleta sa bahay at agad na tinungo ang lupa. Isinama ko na si Shecarra sa akin dahil nababagot na daw siya.

"Come on, Alanis. One day won't hurt." Ani Shecarra habang kausap si Alanis sa cellphone

"Che! I hate you!" Sigaw ni Alanis na nagpangiti sa akin.

Nagagalit siya dahil sa hindi namin pagsama sa kanya. Hindi naman namin plinano ito at isa pa, nasa byahe pa lang pauwi si Alanis. Hindi ko alam na uuwi din siya ngayon.

"Promise, sa susunod, isasama ka na namin." Natatawang saad ni Shecarra

"Wow ha She! Dapat bang maexcite ako dyan sa sinasabi mo?"

"Bawal inaaway ang buntis!" Si Shecarra

Napailing na lang ako at saka inihinto ang kotse sa harap nang lupang binili namin. Napansin ata iyon ni Shecarra dahil nagpaalam na siya kay Alanis. Lumabas ako nang kotse at tiningala ang malaking gate na kinakalawang na at ang matatayog na pader sa gilid nito.

"Ang creepy naman dito." Ani Shecarra na nasa tabi ko na ngayon

Nginitian ko siya, "Ganyan din ang pakiramdam ko sa lugar na ito dati."

Noong binili namin ang lugar na ito noon, masyadong nakakatakot. May mga halaman na nakatakip na sa pader at gate nito na talaga namang kakatakutan. Ngunit ngayon ay mas maayos na ito. Na trimmed na ang mga halaman at mukhang maayos na ito ngayon.

Binuksan ko ang gate na sobra ang bigat. Tutulong pa nga sana si Shecarra pero hindi ko na pinatulong at buntis siya. Nang mabuksan nang bahagya ay pumasok na muli kami sa kotse at pinaandar 'yon papasok.

"It's like an ancient mansion." Ani Shecarra

Tinanguan ko lang siya. This is really an ancient mansion. Ibinenta dahil ang buong lahi ay nasa ibang bansa na. Malaki at malawak ang buong lupain na ito. Isang malaking farm plantation na umabot hanggang sa highway. Ang Villa Escudero ay parte nang lugar na ito.

"Anong plano mo sa lugar na ito?" Tanong sa akin ni Shecarra nang makababa kami ng kotse

Nag kibit balikat ako, "Wala naman actually. Pina-renovate ko lang ang bahay at inaayos ang plantation."

Pinatunog ko ang kotse at saka kami dumaretso papasok sa malaking wooden double doors. Pagpasok ay ang malaking grand staircase na nakakalula naman talaga sa sobrang laki. Maalikabog ang sahig at naririnig ko na ang ilang ingay nang pagpukpok ang kung anu ano pa dahil sa pagre-renovate.

"Ibinenta na ito sa inyo diba? Bakit hindi mo gawing tourist spot? Gaya nang mga Montreal."

Kumunot ang noo ko, "Montreal?"

Tumango si Shecarra, "Hindi mo sila kilala pero schoolmate natin ang tagapagmana nila noong highschool. Nang college ay lumuwas na silang Manila tapos bumalik lang siya dito at pinarenovate at ginawang tourist spot ang lupain nila."

Umakyat kami sa second floor at dumaretso sa entertainment room doon na wala naman kahit anong appliances bukod sa isang malaki at mahabang sofa. Daretso ang upo doon ni Shecarra habang tanaw tanaw ang malawak na balkonahe sa labas. Itong entertainment room lang ang tanging malinis dahil minsan ay nagi-stay dito si Josiah.

The Bachelor Series 1: Forgotten Promise (Self-Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon