Kabanata 37

12.2K 296 10
                                    

Hinayaan ko si Alanis at Jonas na sumayaw sa dance floor habang nanatili naman ako sa couch. Madaming tao ang nasa paligid at halatang mga mayayaman lang ang mga nakakapasok dito. Of course, Yummy. This is Revel Manila we're talking about.

Inaaya nila ako pero ayokong sumama sa kanila. I don't feel dancing. Siguro'y dahil sa panaka-nakang sakit ng ulo ko. I haven't got a good rest since nagkasagutan kami ni Sage. And of course, ang pagbalik balik ng mga ala-ala ko.

Muli, inilibot ko ang mata sa paligid para hanapin ang mga kasama. Hindi ko na makita si Alanis at Jonas sa dance floor while Kier stayed at the bar section, still talking to some random guy. Binalingan ko ang hawak na Chartreuse at muling ininom yun.

Ilang sandali lang ay nakita ko na si Alanis na naglalakad papunta sa direksyon ko. Sa likod niya ay si Jonas na nakasunod lang sa kanya. Padabog na naupo sa tabi ko si Alanis at walang sabi sabing kinuha at inubos ang inumin ko.

"Alanis!" Pigil ni Jonas sa kanya ngunit huli na dahil naubos na ni Alanis ang laman.

Inirapan siya ni Alanis, "What?" Singhal nito

Napailing si Jonas, "Stop drinking."

"Why do you care?"

Napailing na lang ako sa kanilang dalawa at kinuha ang inumin ko kay Alanis.

"That's mine. Get yours." Saka ininom 'yon.

Humalukipkip si Alanis saka naman tumayo si Jonas paalis. Nilingon si Alanis at nakasunod ang mata niya kay Jonas.

"Tss."

"Bakit ba kayo nagaway?" Tanong ko

Umiling siya, "Ewan ko dun. We were dancing tapos maya maya nanapak na ng kung sino don."

Nilingon ko si Jonas na ngayon ay kasama ni Kier sa bar. Kier's saying something bago tinapik ang balikat ni Jonas.

"Dito ka lang. Cr lang ako." Paalam ko.

"Samahan na kita." Aniya

Umiling ako, "Wag na. Kaya ko naman. Dito ka na lang. Baka hanapin tayo nila Jonas."

Hindi ko na inantay ang sagot niya at dumaretso ako sa rest room. Crowded ang sila cr at mukhang blockbuster doon kaya umakyat pa ako sa second-floor para doon mag cr.

Tahimik akong naghuhugas ng kamay habang nagsasalamin nang may babaeng tumabi sa akin at nag retouch ng mukha niya. Nilingon ko siya.

She's wearing a black tight tube dress and a gold stilletos. Ang kanyang buhok ay blonde na hanggang ibabaw ng balikat niya at kulot ang ilalim. Ang tindig niya ay parang isang modelo lalo na ang kanyang sexy na pangangatawan.

Nilingon kong muli ang sarili sa salamin. Pareho ang kulay at itsura ng buhok naming dalawa. Ang pinagkaiba lang ay mas matingkad ang kulay ng kanya. I'm wearing a black off shoulder cropped top and a faded ripped jeans. Pero hindi katulad niya ang aking tindig at mas matangkad ako sa kanya. Isang beses kong pinasadahan ang aking buhok bago inayos ang lip stick ko.

"Oh!"

Pinagmasdan ko siyang hinabol ang lipstick niya sa drainage ng lavatory.

"Oh damn!" Maarteng saad niya

Nilingon niya ako at napatulala siya sa harapan ko. Nginitian ko siya.

"You can use this." Alok ko sa kanya ng lip stick ko

Umiling siya at sinulyapan ang hawak ko bago muli akong tinitigan.

"Uh.. No, thank you."

"I insist." Kinuha ko ang kamay niya at inilagay doon ang lip stick

The Bachelor Series 1: Forgotten Promise (Self-Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon