Kabanata 25

13.6K 268 4
                                    

"Sayo ko binibigay 'yong position na 'yon not because you are my friend but because you deserved it." Ani Sky

Sky and I were friends. Ang sabi nila, si Sky ang may kasalanan ng aksidente ko. He was drunk and mad that he lost control. Natauhan siya nang makita akong nakahandusay sa malamig na semento at duguan. Siya ang nagdala sa akin sa ospital and even took good care of me. Hanggang sa paglipat ko ng Amerika ay andyan siya. That's what he told me since I can't remember anything.

Coincidence na lang na kanilang kompanya pala itong napasukan ko. Hindi naman ako familiar sa mga negosyo ng pamilya niya kaya late ko nang nalaman na kanila ito. Nagtatrabaho na nga ako ng sabihin niyang kanila ito. Nalaman yon ng daddy niya kaya maayos ang pakikitungo ng lahat sa akin sa bangko. Dahil na din sa takot na baka machismis ako ay ginalingan ko na lang sa trabaho ko, after a year, I got my first promotion due to my working performance which I highly doubted. Naisip ko na baka sinabi lang ni Sky na ipromote ako kaya nangyari ang promotion.

Umirap ako, "Wag kang madrama. Sapakin kita dyan."

Tumawa siya. Hinila ko pa ang jacket niyang nasa balikat ko. Inilagay niya 'yon kanina sa akin nang lumabas kami para magkape. May kape naman sa pantry pero mas gusto niya daw lumabas.

"Mag re-resign na din naman ako, Sky." Saad ko.

Nasabi ko na sa kanya iyon noong huling beses kaming nagusap. Hindi ko nga lang nalaman ang kanyang sagot dahil sa aksidente ni Mr. Jimenez. Desidido na ako sa pagre-resign at tulad ni Kylie ay ganoon din ang gusto ko. Napipigilan lang dahil nagdadalawang isip pa ako dahil sa pagbalik ko ng Pilipinas.

"I know. Hindi ba't kaya ka nag reresign ay dahil sa pagbalik mo ng Pilipinas?" Uminom siya ng kape.

"...kaya kita kinukuhang head manager ng branch na 'yon ay dahil andoon ka na. We don't need to hire a new one and to train from scratch."

Inikot ko ang stirrer para haluin ang kape ko. Tinitigan ko lang 'yon at hindi sumagot kay Sky. Andoon na nga naman ako at kabisado ko na ang pasikot sikot sa kompanya.

"Kailangan ko ng makakasama pagbalik ko ng Pilipinas, Yuri and I want you beside me." Aniya

Sky kept on bugging me the whole month. Buo ang desisyon kong mag resign, pero noong ibinigay ko na sa kanya ang resignation letter ko ay hindi niya pinansin iyon. Itinabi niya lang sa kanyang drawer nang hindi binabasa.

In the end, wala din akong nagawa kundi ang pumayag sa gusto niya. The benefits is mine, so, mag iinarte pa ba?

Hinintay ko ang pagtigil ng sasakyan sa harap ng kompanya namin. Kuya maintained it so well. Ang sabi kasi niya sa akin ay muntikan na daw itong malugi noon dahil sa sakit ni papa but then every year sinasabi niya sa akin ang mga magagandang nangyayari. Si Josiah na ang nagpapatakbo ng kompanya habang si kuya ay may sariling Law Firm na.

Bumungad sa akin ang ngiti ni Josiah. Siya ang nagbukas ng pintuan ko. Sa likod niya ay may iilang empleyado. Andito ata sila para salubungin ako.

"Welcome home, Yuri." Aniya at hinalikan ako sa noo

Ngumiti ako sa kanya.

"Welcome back Miss Elizondo." Sabay sabay na bati ng mga empleyado. Tinanguan ko lang sila.

Iginaya ako ni Josiah sa elevator at sumakay kami sa private elevator na yon. Dahil wala namang ibang pwedeng mag asikaso ng kompanya ay si Josiah ang pinagkatiwalaan namin na mamahala nito. Lumago naman ito ng higit pa sa nagawa ni kuya.

"Nasaan si kuya? Ang akala ko ba ay siya ang sasalubong sa akin? Hindi niyo na nga ako sinundo sa airport, pati ba naman dito ay wala pa din siya?" Pagtatampo ko

The Bachelor Series 1: Forgotten Promise (Self-Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon