Kabanata 36

12.9K 238 1
                                    

Hindi ko nang nakitang muli si Sage pagkatapos ng araw na iyon. Hindi ko alam kung talagang nasa isang business trip lang ba siya o sadyang iniiwasan niya akong makita. Pero mas mabuti na din sigurong hindi kami nagkikitang dalawa. I don't know how to face him. Hindi ko maalala ang mga sinasabi niya. Wala akong ideya.

Kung tama siya sa mga sinasabi niyang iniwanan ko siya, kinalimutan or worst, pinagpalit sa iba, tama nga lang sigurong ikasal na siya sa iba. Tama ngang, hindi ako ang babaeng para sa kanya dahil hindi ako ang babaeng makakapagpasaya sa kanya.

"Lalim naman ng buntong hininga mo, girl."

Inangat ko ang tingin ko kay Shecarra mula sa kapeng nasa harapan ko. The thought of him getting married to someone else hurts me. Hurts my heart too much.

"You can tell us your problem, you know." Ani Alanis

Muli ay napabuntong hininga na lang ako at sinabi sa kanila ang lahat ng naalala ko pati na rin ang sinabi ni Sage sa akin. Wala naman silang gaanong reaksyon sa mga sinabi kundi ang magtinginan lang. I knew from their eyes na may alam sila. May alam sila pero ayaw nilang sabihin sa akin.

"Please Alanis. If you know something, tell me. Please tell me."

Malalim na huminga si Alanis bago hinawakan ang kamay kong nakahawak sa kanyang braso.

"As much as I wanted to help you and tell you everything, hindi pwede Yuri. I don't want to take the risk. Ayokong pag may nasabi akong mag trigger ng ala-ala mo ay mag end up ka na lang muli sa ospital. I'm sorry."

Bumagsak ang balikat ko sa sinabi niya. Alam kong iyan ang sasabihin niya sa akin. I looked at Shecarra at punung puno ng pag-aalala ang kanyang mata. She wanted to help me, but like Alanis, takot din siya sa posibleng mangyari sa akin.

"Yummy, can we talk?" Aniya

"Not now, Sage. Madami akong inaasikaso. Can we talk some other time?" Sagot ko habang inihahanda ang pagkain na dadalin ko sa ospital.

Narinig ko ang buntong hininga niya, "Alright."

Isa iyon sa mga panahon na hindi ko na masyadong natututukan ng pansin si Sage. Palagi ko siyang pinapangakuan na sa susunod na lang kami mag-usap ngunit kahit minsan ay hindi ko natupad iyon. Uuwi akong pagod galing sa ballet class at ospital at gabi na ang dating ko kaya naman tulog agad ako. Sa umaga naman ay t'wing tatawag siya ay paalis na ako. Hindi kahit minsan nagsabay ang schedule naming dalawa.

"Congratulations!" Bati ko sa kanya

Ngumiti siya ngunit halata ang lungkot sa kanyang mga mata, "Thank you."

Kinagat ang ibabang labi ko, "I'm sorry, nakalimutan ko ang graduation mo. I was so busy these past few weeks."

Tumango siya, "I understand, Yummy. How are you?"

Ngumiti ako, "I'm okay. Ikaw ba?"

"You sure? Ang payat mo na. Are you still eating? And what are those dark circles under your eyes? Kulang ka ba palagi sa tulog?"

Umiling ako sa kanya, "Nope. Siguro dahil sa stress sa school kaya ganito. Ang hirap kasi dahil alam mo na, culture. Iba ang pakitungo nila sa mga Pilipino dito, though, I have some American friends." Humikab ako, "Ikaw, what are your plans?"

"I don't know. Baka asikasuhin ko na lang ang business namin since, hindi na kaya ni papa na asikasuhin pa 'yon or I don't know, Yummy. You want me to go there?"

Nanlaki ang mata ko sa huling sinabi niya, "No! No, Sage... I mean, you don't have to go here. I'm okay." Humikab muli ako.

Iniurong ko ang laptop sa gilid ng kama saka ako nahigang paharap doon.

The Bachelor Series 1: Forgotten Promise (Self-Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon