Kabanata 11

15.2K 348 9
                                    

Read.Vote.Comment
————————————

Umuwi kami sa bahay. Sakto at nag luto si mama ng pork adobo na may pineapples. Paborito daw ni Sage 'yon gaya ng sabi niya.

Kaya sinabayan na niya kami ni mama na kumain. He eats alot. Ayun ang isang bagay na napansin ko. Malakas siyang kumain. Naka tatlo o apat ata siyang ulit ng kanin. Hindi lang ako sigurado kung talagang malakas talaga siyang kumain o gutom lang talaga siya.

My mother seems so fond of him. He took care of him. Inalok pa nga niya ng dessert si Sage at ito namang isa, hindi ata nabubusog dahil kumain pa ulit.

"Okay ka lang?" Tanong ko

Naka upo siya sa sofa habang ako ay nasa lapag at nag susulat sa center table. May assignment akong tinatapos.

"Oo naman. Busog lang." Sagot niya

"Takaw mo kasi." Sumulyap ako sa kanya

He made a face kaya tumawa ako.

"Ano ba yang ginagawa mo?" Tanong niya at dumungaw

"Assignment. Tulungan mo ko. Gawin mo yung assignment ko sa College Algebra." Sagot ko

Hinila niya ang isang bean bag sa tabi at doon naupo, "Patingin?"

Ngumiti ako, "Tutulungan mo talaga ako?" Kinuha ko yung notebook ko at ibinigay sa kanya

"May bayad yon." Aniya

"Libre na. Bihira ka na ngang umuwi dito."

"Yuri Myenne, aakyat na ako. Okay lang ba kayo dito? Kung nagugutom kayo, mag patulong ka na lang sa katulong." Ani mama paglabas ng kusina

"Kami na po bahala, mama." Sagot ko

Tumango siya, "Oh siya sige. Good night." Tinignan niya si Sage bago bumalik sa akin.

Nagpaalam na si Sage kay mama saka kami nag patuloy sa pag susulat.

Tahimik lang ako habang si Sage naman ay parang kumakain lang ng mani kung mag sagot ng math problems ko. Sumisipol sipol pa siya.

Nang matapos siya ay pumunta siyang kusina dahil nagugutom daw siya. Hinayaan ko na. Nang matapos ako ay agad ko siyang sinundan.

Naka talikod siya sa akin at mukhang may iniluluto. Naupo ako sa bar table at pinag masdan siya. Nag lagay siya ng tinapay na butas sa gitna sa pan pagkatapos ay nilagyan ng itlog sa butas. Nang maluto ay inilapag niya 'yon sa kanyang tabi. Nag lagay siya ng isang pan na may tubig pagkatapos ay nag nilagyan ng Nutella at tinunaw doon.

Mabango ang amoy ng ginagawa niya kasabay ng tinapay na natotoast sa butter.

"What's that?" Tanong ko

Gulat niya kong nilingon. Ang tinapay sa kanyang bibig ay muntik pang mahulog.

"Fuck Yummy! 'Wag ka ngang nang gugulat!" Singhal niya

Tumawa ako. "Wala akong ginagawa. Nagtatanong lang ako."

Napa iling siya bago isinalin ang tinunaw na Nutella sa dalawang mug pagkatapos ay inilapag 'yon sa harap ko saka 'yong tinapay na ginawa niya.

"I didn't know you can cook?" Tanong ko at humigop ng drink

Masarap 'yon. Matamis ang Nutella pero ang drink na ginawa niya ay sakto lang sa tamis. Siguro ay dahil nahalo sa tubig.

"You didn't ask." Sagot niya

Kinain namin ang ginawa niya ng tahimik hanggang maisipan namin dalawang manood ng movie. Ayoko ng romance dahil alam kong mabobored siya. Ayoko din naman ng horror or action. So, we both settle on watching Mortal Instrument.

The Bachelor Series 1: Forgotten Promise (Self-Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon