Kabanata 33

12.8K 313 15
                                    

Can I ask for comments? Gusto ko lang malaman yung reaksyon niyo tungkol sa kwento at sa mga characters. Thank you.

-----------------

Kitang kita ko kung paano itulak ni sir Calyx ang babae palayo sa kanya dahilan para tumama ang likod nito sa pader ng elevator. Hindi ko alam kung aalis ba ako doon, mananatili dahil sa elevator, pulutin ang nabasag kong mug o ang linisin ang natapong kape. I am stucked. Parang naugatan ang aking mga paa sa nakita.

Nanatili ang tingin ko sa babaeng nakatitig din sa akin habang may bakas nang pagkagulat sa kanyang mata. She even cursed seeing me. Nagkatitigan lang kaming dalawa hanggang sa unti unting magsara ang pintuan ng elevator.

Aalis na sana ako nang magsara iyon ngunit mabilis iyong bumukas at may marahas na humablot sa aking braso at kaladkarin papasok ng isang meeting room doon. Napa igtad ako nang maramdaman ang malamig na semento sa aking likod. Calyx eyes were dark, intense and flaming in anger like I did something very bad.

Mabilis ang hininga ko. My breath hitched. Then a familiar feeling spread like wildfire at the sight of his dark eyes. Para bang nakita ko na ang matang iyon noon at parehas na pakiramdam ang naalala ko ngayon.

"That..." He stopped as he bit his lower lips.

Pumikit siya nang mariin na para bang nahihirapan siya sa sitwasyon namin ngayon.

"I-I'm sorry, Sir." Lalagpasan ko na sana siya nang muli niya akong hawakan sa braso at ibalik sa dati kong tayo. Matalim ko siyang tinitigan.

I am not even sure if my stares to him are allowed between the boss and the employee pero kusang lumalabas iyon sa akin. I can't fully remember this man in front of me, wala akong alam sa kanya bukod sa kakaunting impormasyong nalaman ko mula sa iba. But I remember him as a person.

Pinagmasdan ko ang kanyang mukha. He even put his arms on my side as a sign of locking me in my position. Even without the right lightning, I can still see his perfect features. His thick and well-shaped eyebrows, deep-set of color brown eyes, pointed nose and soft curved thin lips colored after a red rose.

His hot breath lingered on my lips to make me realize that his face is only inches away from mine. Mas lalong lumalim ang paghinga ko lalo na nang lumambot ang kanyang mga mata habang nakatitig sa akin at unti unting bumagsak sa aking labi. Umawang ang kanyang labi, parang gustong tikman ang akin.

Tinikom ko ang bibig ko bilang pag ayaw sa balak niyang gawin. Napapikit ako nang mariin. The image of a man suddenly filled my mind. And that man has the same face as the man who is in front of me now. Muli akong dumilat at tinitigan muli ang kanyang mukha. Tinitigan niya ako habang hinahagilap ko pa ang nawawala kong ulirat.

"Damn it!" He pushed himself away from me at naglakad isang metro ang layo sa akin bago tumigil at muli akong nilingon.

"Forget what you saw. It was nothing." His eyes were now pleading. Convincing me that it was nothing. Like it wasn't his fault.

Ngunit, sino nga ba ako para hindi sundin ang utos niya? Isa lamang akong empleyado. Dahan dahan akong tumango sa kanya. Kitang kita ko ang mabilis na pag taas baba nang kanyang dibdib bago napahilamos ang dalawang kamay sa mukha.

"Get your things. Sasabay ka na sa aking umuwi." Aniya at lumabas ng silid.

Mabilis ang hininga ko habang pinagmamasdan ang pintuan na nilabasan niya. I even check my own heartbeat and its beating abnormally.

Tahimik ako buong byahe. Hindi ko alam kung ano ang magiging reaksyon ko. Nasa sasakyan ako ni Calyx. He's not saying anything, though. Ang sabi niya, ihahatid niya ako. I guess, its because we were friends before. Isang beses ko siyang nilingon. Ang isang kamay niya ay nasa manibela. Ang isang kamay ay naka tukod sa bukas na bintana habang pinaglalaruan ang ibabang parte nang kanyang labi.

The Bachelor Series 1: Forgotten Promise (Self-Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon