"Juice colored, Papa!" Sabi ko ng nakangiti pero bakas pa rin sa mukha ko ang pagkagulat.

Yinakap ako ni Papa at after non ay nagbless ako sakanya.

"Pasok na ko sa kwarto ko, Pa!" Natatawang paalam ko.

"Sige, sige."

Pagkapasok na pagkapasok ko ay tumakbo ako para bwelo at dinaganan ang kama ko! sa madaling salita ay wrinestling ko ang kama ko!

"Nakakapaaaaagooood! Grabe!" Reklamo ko.

Tinanggal ko na ung sapatos ko at ibinato ito kung saan at ung bag ko ay hinulog ko sa lapag. Walang paki kung may babasagin. Pwede akong bumili ng bago. Chos.

Tumingin ako sa kaliwa ko at nakita ko ung maliit na picture frame ko na ang nasa loob ay picture namin ni Claire ng nakawacky na nakapatong sa maliit na drawer ko na katabi ng kama ko.

"I miss you na, girl." Naiiyak na sabi ko. Ayan na ang pagka conyo ko. Umaatake na naman.

Pinulot ko ung bag ko dahil kukunin ko ung phone ko.

Nung nakuha ko na ay hinulog ko na ulit ung bag ko sa sahig.

Nagdadalawang isip ako kung tatawagan ko ba si Claire o hindi.

"Text ko na lang kaya?" Tanong ko sa sarili ko at tumingin muna saglit sa kisame para magisip.

"Sige na nga! Text na lang!" Sabi ko kaya tinext ko na lang siya.

To: Claire

Claire? Can we meet?

Tinitigan ko muna ung tinype ko.

"Eh? Panget!" Binura ko yun at nag type ng bago

Hoy, babae! Nasan ka? Miss ka na ng bestfriend mong ubod ng ganda! Oh diba? Ang galing ko. Rhyme pa. Hahaha! Mall tayo bukas?

Binasa ko ung tinype ko. Mukhang okay na yan kaya sinend ko na.

Wala pang isang minuto ay tumunog na ung phone ko. Ibig sabihin may nagtext.

From: Classmate

3y0wsZxc pH0ewsZxc ? wR0ng s3nd ph0e bhA kaYu ?

Napatulala na lang ako. Na wrong send ako.

Na wrong send ako sa isang jeje!

"Husay! Aish!" Pinalo palo ko ng mahina ung phone ko at tinapon ko na lang dito sa tabi ko at di na lang tinext si Claire.

Sa sobrang inis ko ay ginulo ko na lang ung buhok ko.

--

John Patrick

Nandito si Caligya sa bahay ngayon kaya banas na banas ako. Kanina pa siya nakadikit sakin. Tuwing uusod ako dito sa sofa ay uusod din siya. Tuwing tatayo ako tatayo siya. Kanina nga pinagtripan ko e.

Tumayo ako tas umupo tas tumayo tas umupo. Hahaha!

Tas may da best pa e!

Nung pinagtripan ko siya na tumayo at umupo ay nag kunwari akong nagbasketball sa sala kaya di niya ko nasundan. Nung tumatakbo ako pabalik sa may sofa ay tumayo siya kaya sinulit ko na ang pagkakataon at.....

BINANGGA SIYA KAYA NAPASALAMPAK SIYA SA SAHIG! AHAHAHAHA!

Kung hindi lang KJ ung lola at tatay ko e. Hays. Sayang.

Kanina pa nga pala siya nandito at kanina niya pa rin ako tinititigan.

Nakaupo din ako dito sa sofa kanina pa. Pag iniwan ko daw siya dito sa sala wala daw akong allowance ng isang linggo.

Ayoko naman siyang dalhin sa kwarto ko dahil... Dahil.. Lalaki din naman ako no! Natutukso! Nabubulag! Ayoko namang mangyari yon! Malaki pa naman ung ano niya...

UNG BAG! MALAKI UNG BAG! OKAY?

Baka manakawan ko pa siya e. Mahirap na. Hahahahaha!

"Uhm. Uuwi na ko. Nagtext na ung Mommy ko e." Maarteng saad niya.

Nakahinga naman ako ng maluwag.

Tumayo na ko at tumayo na rin siya tapos dumiretso na ko papuntang kwarto ko nung tawagin niya ko.

"John." Napakunot ako ng noo.

"Wag mo kong tawaging John. Baket?" Masungit na tanong ko.

"D-di mo man lang ba ako.. I-ihahatid palabas?" Sabi niya habang nagpapacute. Kala mong kay hinhin amputs.

"Malaki..." Muntik na kong matawa pero pinigilan ko kaya diniretso ko na ung sinasabi ko. "Malaki ka na."

"Uhh. Sige-" Naputol ung sinasabi niya dahil biglang sumingit si Lola.

"John Patrick. Ihatid mo si Caligya sa ayaw mo at sa gusto." Napairap ako sa kawalan at isinawalang bahala ung sinabi ni tanda. Naglalakad pa rin ako papuntang kwarto ko.

"John Patrick." Tawag niya sakin na may halong pag wawarning.

Nagtitigan muna kami saglit. Ako ang unang nakurap kaya padabog akong bumalik sa kinaroroonan ni Caligya.

"Tara na nga! Nanood pa amputs." Nauna akong lumabas sakanya.

"Bye po, Grandma!" Rinig kong paalam ni Caligya kay Lola.

"Magiingat ka, ija."

Nung nakalabas na ako sa may gate ay pumasok na ulit ako.

Ihatid lang naman sa labas e. Ang swerte niya pa nga't sa labas ng gate ko siya hinatid hindi sa labas ng pinto e.

"Patrick!" Pucha! Walang katapusang tawag e!

"Bakit na naman?!" Tumakbo si Caligya papunta sakin at kiniss ako sa pisnge at niyakap kaya nadama ko ung malaking... Bag.

Medyo nagulat pa ko sa naramdaman kong... Bag kaya di ako nakaiwas agad.

Grabe. Ang laki talaga ng bag. Parang malaman este maraming laman.


"Thanks sa pag hatid. Ingat ka papasok." Sabi niya at umalis na.

Nung nawala na sa paningin ko ung kotse niya ay pumasok na ko sa loob ng bahay ng pawis na pawis dahil ang laki talaga ng... Bag niya. Dadamputin ko sana ung.... Loob ng bag kaso baka makahalata siya.

Pumunta na kong kwarto ko at umupo sa may harap ng computer ko.

Wala akong magawa kaya binuksan ko ung account ni Cal sa facebook.

Tiningnan ko muna ung oras.

3:49

Pinindot ko ung pangalan ni Renneloppe tapos nag chat ako.

Hey.

Di siya nakaonline kaya linog out ko na lang muna at naglaro ng LOL.

I'm Inlove With My Stepsister's STEPBROTHERTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang