C.07

114 20 13
  • इन्हें समर्पित: meaniempire
                                    

Madaling binuksan ni Wonwoo ang pintuan at sumalubong sa kaniya ang isang babaeng nakaitim, pati mukha niya mayroong nakatakip para hindi siya madaling makilala.

"Tara na."

Tumungo nalang ang binata at sinundan ang katulong sa direksiyong tinatahak niya. They strode silently through the dark and empty hall, careful not to make a sound or else someone will come to check. The other two girls are currently distracting the guards on duty but they need to hurry up, they can't hold the guards for too long.

"Rae―"

"Tamiah. Kasalukuyang kasama ngayon si eonni sa paglilibang sa mga guwardiya para hindi siya paghinalaan sa oras na malaman na nilang nawawala ka kaya naisipan naming magpalit. Pasensiya na kung biglaan."

"Naiintindihan ko."

Wala na silang oras magusap kaya binalot ng katahimikan ang kanilang paglalakad papunta kung saan nila inihanda ang magiging daan nila palabas.

Nang tumigil na si Tamiah sa paglalakad sa may isang nakabukas na bintana, tumingin siya kay Wonwoo at pinahiwatig na mauna siya. May puno na hindi kalayuan kaya nang lumabas siya mula sa bintana, sa sanga siya ng puno lumambitin.

Sa kaniyang paghahanda sa landing niya, may narinig siyang nabasag sa loob kaya agad siyang lumingon kay Tamiah.

"Hindi ko sinasadiya! Bilisan mo na bago pa sila makarating dito!" Pabulong na isinigaw ng katulong kay Wonwoo.

Tumungo naman siya at ibinalik ang konsentrasiyon niya sa kaniyang babagsakan.

Noong bumitaw na siya sa sanga, nagkaroon naman siya ng ligtas na pag-landing sa lupa at agad na tumingala upang kausapin si Tamiah.

"'Wag mo na 'kong samahan, mapapahamak ka lang! Kaya ko na 'to! Maghanap ka na ng lugar na puwede mong pagbihisan bago ka pa nila mahuli!" Pagpapaalam niya sa katulong.

Madali siyang tumungo sa gate upang lumabas na sa wakas. Pero bago pa siya tuluyang makalabas, nagsidatingan na ang mga tauhan ng tatay niya. Hindi na siya nagdalawang isip pang tumakbo kahit na hindi siya gaanong mabilis, basta kailangan hindi nila siya mahuli kaya tatakbo siya sa abot ng kaniyang makakaya.

He breathe heavily as he was being chased by his father's underlings, peeking every now and then to check their distance from him. Kailangan niyang pumunta sa may bandang bintana niya kung saan naruroon si Mingyu. Pero bago pa siya makarating doon, hinarangan siya ng kasintahan habang nakasakay ito sa motorsiklo. Hindi na rin nila kinailangan pang magusapan para malaman kung ano ang gagawin at agad na sumakay nalang si Wonwoo sa likurang espasiyo.

"Kumapit ng mabuti, baka maiwan ang katawan mo. Puso mo palang naman kasi ang pagmamay-ari ko, eh." Nakangising biro ni Mingyu habang hinahanda ang makina ng motor.

"Umayos ka nga!" Sita ni Wonwoo at mahina siyang hinampas sa likod.

Lalo lang lumawak ang ngiti ni Mingyu bago tuluyan nang iharurot ang motor niya. Kaunti-kaunti na silang napalayo sa mga tauhan ng ama niya, pero maya't maya lang ay nakasunod muli ang mga ito sa kanila na nakakotse.

Wonwoo clicked his tongue, secretly cursing those goons in his mind. Napahigpit ang pagkakapit niya kay Mingyu at nakuha naman nito ang mensahe kaya lalo niya pang pinabilis ang takbo ng sasakyan nila. Kulang na nga lang paliparin na ni Mingyu ang motor niya sa bilis nito. Binabawas-bawasan niya naman sa tuwing nakakalayo na sila ng kaunti sa mga nahabol kay Wonwoo. Ayaw niyang mapahamak silang dalawa, mayroon pa silang mga pangakong tutuparin at mangyayari lang 'yon sa oras na magkasama na sila. When they no longer have to worry about Wonwoo's father or anyone else.

Patuloy lang si Mingyu sa pagmamaneho nang walang partikular na direksiyon na nais tahakin kaya napadpad sila sa harap ng isang kagubatan. Parehas silang lumingon sa kanilang likuran at nakitang papalapit na ang kotse ng mga tauhan ng tatay ni Wonwoo kaya nagkatitigan silang dalawa ng panandalian.

"Pumasok tayo." Seryosong saad ni Mingyu na sinangayunan ni Wonwoo.

Inabanduna na nila ang motor ni Mingyu at hawak-kamay na tumakbo papasok ng gubat. Hand in hand, they ran as fast as their legs can advance. Kahit na pagod na pagod na sila, hindi ito naging hadlang at nagpatuloy pa rin hangga't nakikita pa nila ang ilaw ng flashlight na sumusunod sa kanilang dalawa.

Everytime one of them feels like they can't go any further, they would squeeze onto each other's hands and still try not to stop on their tracks. Namuo naman ang pagasa sa kanilang isip nang makakita sila ng liwanag sa dulo ng tinutungo nilang direksiyon, pero naglaho na parang bula ang lahat matapos makalabas sa daang 'yon.

Dead End.

Napahinto silang dalawa habang gulat na napatingin sa ibaba ng bangin na kasalukuyang nilang kinatatayuan. Napakagat sa labi si Wonwoo sa inis na namuno sa kaniya. Kinuyom niya ang kabila niyang kamay ng sobrang diin, nagkasugat na ang palad niya dahil sa kuko niya. Mingyu just held his hand tighter, making Wonwoo face him. Mediyo nagulat si Wonwoo sa sumalubong sa kaniya. Ito na siguro ang kauna-unahang pagkakataong nakita niyang ganito ka-seriyoso ang mukha ni Mingyu at baka ito na rin ang maging huli.

"'Til death do us part." Mingyu said with the most saddest smile that he ever made. "Pero 'wag kang magalala. Pramis, sa susunod hindi na tayo magkakahiwalay." Pagdugtong niya.

Tears immediately dripped down Wonwoo's cheeks after hearing Mingyu's words. Pinunasan naman ni Mingyu ang mga ito bago ipatong ang noo niya sa noo ni Wonwoo. Ibinigay ng kasintahan ang pinaka-paborito ni Wonwoo sa kaniya. Ang kaniyang matamis na ngiti. Bago alisin ang natitirang pagitan sa kanilang mga labi.

They exchanged sweet nothings, such as dreams and promises, while they still can. Masaya si Wonwoo kahit hanggang dito nalang ang huling pahina ng libro ng pagiibigan nila ni Mingyu, kasi naging bahagi siya ng buhay niya. Kahit sandali lang, nagkasaysay ang buhay niya at naranasan niya maging masaya sa mga oras na nakasama niya ang kasintahan.

Higit sa lahat, nagpapasalamat siya kay Mingyu.

Dahil sa kaniya, natutunan niyang magmahal at maging matapang kahit sandali lang. Ang importante, nangyari ang lahat ng ito at pahahalagahan niya ito hanggang sa huli niyang hininga.

To him, all the times he spent with him is the most happiest times that ever happened to his life. Kahit na nagkakatampuhan at nagkakainisan sila kung minsan.

"I love you." Malungkot na saad ni Mingyu.

"I love you too." Sagot niya habang pilit pinangiti ang sarili sa kabila ng mga luhang nabubuo sa kaniyang mga mata.

Nang marinig na nila ang mga yabag ng paa ng mga tauhan ng tatay niya na papalapit, inihanda na nila ang mga sarili nila. Mahigpit nilang hinawakan ang kamay ng isa't-isa, na para bang dito lahat nanggagaling ang lakas ng loob nila, bago tuluyan nang magpatangay sa hangin at malaglag sa kanilang katapusan.

Goodbye, unfortunate ones.

At least, for now.

Faded » meanieजहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें