C.05

120 16 11
                                    

Ayaw niya na mamuhay ng ganito, na palagi nalang ang gusto ng ama niya ang masusunod, may karapatan din siyang sumaya. Kaya pinagisipan niya ng mabuti ang pagtakas niya sa kanilang tahanan―kulungan na ito. Inabot ang pagpaplano niya ng ilang araw upang siguraduhin niyang handa na talaga siya sa gagawin niyang ito.

Nang malagpasan niya si Rae sa koridor patungo sa kuwarto niya, palihim na may inabot na nakatuping papel si Wonwoo sa kaniya at agad na tumuloy na sa paglalakad na walang sinabi ni isa. Hindi sila puwedeng magusap kung saan marami ang nakabantay sa kanila na para bang mga lubong gutom na gutom kung makatingin. Alam ni Wonwoo na maaaring masakripisiyo ang trabaho ng katulong sa gagawin niya, pero nasa kaniya naman 'yon kung papayag siyang tulungan siya sa kaniyang binabalak. Hindi niya siya pinipilit kaya puwede niyang tanggihan pero malakas ang pakiramdam niyang tutulungan siya nito. May kutob siyang maiintindihan niya kaya malaki ang tiwala niya dito.

Nang makarinig na siya ng katok mula sa pinto niya, alam niya na kung sino ito at hindi na nagsalita pa nang naging buo na ang isip niya na magiging tulong ang taong ito sa kaniya. May kasama pa siyang dalawa pang katulong na mukhang kasing edaran lang niya. Agad namang ni-lock ng isa sa kanila ang pintuan para walang maging istorbo sa kanilang paguusap. Nagkatinginan muna silang tatlo at ngumiti bago humarap kay Wonwoo na mayroong kislap ng determinasiyon sa kanilang mga mata.

"We're here to help."

Matapos magpakilala ng dalawa pang kasama ni Rae, na sila Tamiah at Alex, pinagpatuloy na nila ang paguusap tungkol sa plano ni Wonwoo na pagtakas sa bahay na ito. Ipinaliwanag ito ni Wonwoo sa tatlo ng malinaw para maunawan nila ito ng maigi. Noong una ay tinanong pa nga ni Rae kung sigurado na ba talaga siya sa gagawin niya, pero hindi na kailangan pang magsalita ni Wonwoo nang titigan niya ang dalaga na bakas sa kaniyang mukha ang pagiging seriyoso. Naintindihan naman agad ito ng binibini at pinagpatuloy na ulit ang kanilang masinsinang paguusap.

Sa huling pagkakataon, tinanong sila ni Wonwoo kung ayos lang ba sa kanila itong gagawin nilang pagtulong. Alam niya naman kasi sa oras na malaman ng tatay niyang kasabuwat sila ni Wonwoo, maaari silang mawalan ng trabaho. Ipinaliwanag niya rin sa tatlo na may iba pang posibling gawin ang ama niya sa kanila, lalo na may kapangyarihan ito dahil sa pera niya. Ayaw niyang mapahamak sila kapalit ng saklolong ibibigay nila sa kaniya.

This is their last chance to back down. Pero ni isa sa kanila, walang nag-back out. Rae only held her hand out and the other two placed theirs atop hers. Tumingin sila kay Wonwoo na para bang siya nalang ang hinihintay nilang sumali. But the older was quite taken aback that he just looked at them with surprise obvious on his face.

"Are you in or are you in?" Pabirong wika ni Rae.

With a serious look on her face, Alex faced Wonwoo. "Ipapasok ba o ipapasok?" Followed by Tamiah. "Saan ipapasok, sa―"

"Okay, guys. Kalma, baka 'di kayanin ni Wonwoo-ssi, pft."

Rae may have said her line successfully serious but looking at her, anyone would know she's trying too hard to surpass her laughter. Kasi tila ba parang natanga si Wonwoo sa mga lumabas sa bibig ng mga dalaga kaya bahagyang lamang kinayang pigilan ni Rae ang tawa niya.

She sure did taught them well.

Nang mahimasmasan na ang binata, ipinatong na rin niya sa wakas ang palad niya sa kamay nila at pabulong na sumigaw.

"For freedom! We fight!"

Faded » meanieDär berättelser lever. Upptäck nu