C.03

134 19 24
                                    

Hindi kapani-paniwala ang lahat ng nangyari sa kanila nitong nakaraan. It almost felt like a fairytale from every children's picture book. Parang kahapon lang noong pangarap niya lang siya, na ang kaya niya lang gawin ay tignan siya mula sa bintana ng kuwarto niya. Pero nandito siya ngayon sa tabi niya at hawak-hawak ang kamay niya. Wala na sigurong mas sasaya pa sa kaniya tuwing kasama niya si Mingyu, lalo na kung palagi siyang pinauulanan nito ng pagmamahal. Wala na siyang ibang hihilingin pa kung hindi ang makasama ang lalaking ito habangbuhay. Siya lang at wala nang iba, hindi na siya maghahanap pa. Walang katumbas si Mingyu, dahil siya ang nagbalik ng kulay ng buhay niya.

Simula noong naging magkasintahan sila, napadalas na ang pagalis ni Wonwoo ng bahay nila. Hanggang sa isang araw ay napansin na ito ng mga katulong nila sa bahay at agad naman ito nakarating sa kaniyang ama. Nang makauwi na siya, sinalubong agad siya ng isa sa mga katulong nila upang ipaalam na pinapatawag siya ng kaniyang ama sa silid nito. Sa oras na harangin siya ng katulong na 'yon, alam niya na ang dahilan at napalunok nalamang siya sa nerbiyos nang sambitin ng tauhan nila ang utos ng tatay niya.

He had long prepared himself for all consequences the moment he stepped out of their residence three years ago. He knew sooner or later they'll know of his frequent escapes and he won't lie about it. Susubukan niyang mag-open up sa kaniyang ama dahil gusto niyang malaman nila ang relasiyon nila ni Mingyu. Ayaw niya na itong itago pa at saka mas mabuti nang sabihin niya na ito habang maaga pa para maunawaan nila.

Buo na ang loob ni Wonwoo nang tumigil na siya sa harap ng pinto ng kuwarto ng tatay niya.

For starters, he took a deep breath to pull himself together and to calm his nerves before dropping three knocks on the door. Agad niya namang narinig ang boses ng tatay niya mula sa kabilang panig ng pinto bago tuluyan nang pumasok sa silid. Tumungo siya bilang paggalang at lumapit ng kaunti hanggang sa kaharap niya na ang work desk ng ama. His dad was looking at him with furrowed eyebrows and judging sharp eyes.

Hindi niya naiwasang ikuyom ang mga kamay niya dahil sa munting ekspresiyon na 'yon ng ama. After all these years of neglecting him, continuously living their lives as if he never existed, his own father is going to look at him like he's a piece of trash that needs to be thrown away.

He's not really mad, he's just disappointed because of all what he's been through without his parents. The loneliness, late night anxieties, existencial crisises, depression. They were both at fault. They were the root of all his misery and now his own father is going to give him that look. He's starting to think that maybe he really is just a mistake.

"Narinig kong pasikreto kang lumalabas ng bahay."

"Opo."

"Hindi ba sinabihan ka na namin ng mama mo?" Nanatiling nakasalubong ang kilay ng kaniyang ama, tono naman nito ay para bang sinabihan siya na isa siyang inutil.

He can't help but momentarily grit his teeth to stop himself from exploding. Hindi niya na lubos maintindihan kung para saan pa ang lahat ng ito. Oras na para tumayo sa kaniyang sarili nang malaman na nilang hindi nila pinapaganda ang buhay niya. Naging mabuti at masunurin naman siyang anak. Ginawa niya lahat ng gusto ng mga magulang niya kahit na wala sila para matuwa sa kaniya. Pilit niyang iniintindi noon na para naman sa ikabubuti niya ang lahat ng ito, pero kailanman hindi mapupuna ng pera o anumang kagamitan ang kalungkutan niya. Wala pa rin makatutumbas sa pagmamahal na nanggaling mismo sa puso. Kaya gusto niya nang tapatin siya ngayon ng ama niya, hindi niya na sasayangin itong pagkakataon na ito.

Subalit matapos ang lahat, hindi rin sila nagkaunawaan at na bugbog lamang si Wonwoo ng kaniyang ama nang tapatin niyang may kasintahan siyang lalaki. Siguro nga ginagawa lang ng mga magulang niya ang responsibilidad nila sa kaniya. Pero kahit kailan, hindi talaga nagkaroon ni isang katiting ng pagmamahal sa pamilyang kinagisnan niya. He blinded himself with fake hopes for too long that all he wanted now is to desolve from this cruelty they call "life". Kahit na sobrang sakit na ng katawan niya dahil sa mga suntok, paghatak, at pananampal ng tatay niya, hindi noon malalamangan ang pagdudusa niya simula kabataan.

Isa pa, wala lang itong mga pananakit ng tatay niya kasi hindi niya kinahihiyang mahal niya si Mingyu. Tatanggapin niya ang lahat ng mga suntok na ibibigay sa kaniya. Ipapakita niyang hindi matitinag ang pagmamahal niya sa kasintahan kahit ilan sapak pa ang matamo niya.

Kung hindi pa inawat ng isa nilang katulong ang tatay niya, siguro napatay na nito si Wonwoo sa galit.

Because Wonwoo was looking at him the whole time with those fierce eyes filled with determination.

Bago pa man siya iakay palabas ng silid, tumingin siya sa mga mata ng ama niya.

"Are you satisfied now?"

Faded » meanieWhere stories live. Discover now