C.08

185 20 22
                                    

Agad siyang napadilat na para bang gulat na gulat. Nararamdaman niya pa ang mabilis na tibok ng puso niya. Aakalain ng kung sinuman na tumakbo siya ng ilang kilometro dahil sa pawis at hindi balanseng paghinga niya. Napahipo siya sa pisngi niya nang makaramdam siya na may dahan dahang dumadaloy dito. Bukod sa pawis may iba pa siyang napunasan.

Luha.

Sa tingin niya dulot ito ng napanaginipan niya pero hindi niya maalala kung ano ang mga pangyayari, ang tanging alam niya lang ay kasama niya si Mingyu dito.

The dream's fragments still lingered in his chest, his body knows, but it was already a blur in his mind. No matter how hard he tries to remember it, he couldn't, and just end up having a headache.

Napabuntong-hininga nalang siya at tinitigan nalamang ang kisame ng kuwarto niya, pansamantalang pinapahinga ang utak niya bago ayusin ang hinigaan niya at pati na rin ang kaniyang sarili. He's not the best there is but at least, he tried even though he folded the bed sheets sloppily.

Pagkabukas naman niya ng pinto, saktong kakatok na sana si Mingyu at nagulat pa nga silang dalawa sa isa't-isa. It took them a minute or more to finally recover from their shock, but they ended up laughing it off afterwards. It's comforting that they get to have moments like these, especially in mornings. Simula noong nakilala niya ang nakababata agad silang naging malapit na para bang karapat-dapat talaga silang magkakilala.

Despite everything, he accepted the younger and even treated him like he belongs to the family. They were like the best of friends even though they had a lot of differences, ranging from likes, interest, personality, and more. Hindi naging hadlang ang mga ito upang magkasundo silang dalawa at maging malapit sa isa't-isa. Kung minsan nga baka hindi mapansin ng kung sinu-sino man ang nakatatanda sa kanila. Kasi bukod sa higit na mas matangkad si Mingyu, mas marami siyang kayang gawin kaysa sa kaniya. Hindi niya ito kinainggitan, sa halip ay nagpapasalamat siya dahil naging parte ng buhay niya ang nakababata.

"Ano, Hyung? Masiyado na ba akong guwapo kaya natutulala ka?" Pabirong saad ng nakababata na agad nakatanggap ng mahinang sapak galing kay Wonwoo.

Hindi niya napansin na bigla pala siya napaisip ng malalim sa harapan nitong batang ito. He should lessen thinking too much, he might turn into a worrywart by any chance. It's not good for the health to worry too much.

"Kain na tayo, Hyung." Nakangising pangaanyaya ni Mingyu sa kaniya.

Napangiti nalang siya bago tumungong hapag-kainan kasama si Mingyu. Napuno naman ng sari-saring kuwentuhan at tawanan ang almusal ng dalawang binata, hanggang sa maalala ni Wonwoo ang panaginip niya. Mediyo nagalinlangan siyang ikuwento ito sa nakababata, baka kasi mawirduhan ito sa kaniya. Hindi niya pa rin naman maalala ang mga pangyayari kaya binanggit niya nalang at mukhang interesado pa nga si Mingyu.

Noong sabihin niyang hindi niya matandaan ang mga nangyari, sa hindi niya maintindihang dahilan, para bang panandaliang nakita niya ang kalungkutan sa mga mata niya. Tatanungin niya pa sana si Mingyu kung bakit nang biglang tumunog ang telepono niya kaya nabaling ang atensiyon niya rito. Pagkatapos naman noon ay agad siyang tumayo at ininom ang kape niya ng isang lagukan lang. Kanina pa naman ito naitimpla kaya mediyo lumamig na at dahil na rin nadala sila sa kanilang pagkukuwentuhan.

"Gyu, mauuna na 'ko. May pupuntahan pa kasi ako." Paalam niya sa nakababata na tinunguan naman siya.

"Ingat ka, Hyung."

After exchanging waves and goodbyes, he proceeded outside their apartment on a hurry. Although for a moment, when their eyes collided, Mingyu seemed hurt but he shrugged it off. Baka guni-guni niya lang kasi 'yon, wala naman kasing ikalulungkot si Mingyu. Mabait at pala-kaibigan si Mingyu, hindi rin siya nagtatago ng sikreto sa kaniya simula pagkabata. Nasosobrahan na siguro siya sa kaniyang pagbabasa ng mga nakakaiyak na libro kaya kung anu-ano nalang naiisip niya. He really needs to stop thinking too much, he might get old too fast.

×××××××××××××××××

It was a cloudy day.

The sun was blocked by cotton-like clouds as he was welcomed by the chilly breeze of autunm. It was their break time when he thought of getting some fresh air in the rooftop of their school. The wind was soothing, perfect for relaxing every nerve.

He have gone there to relax himself, to relieve some stress.

Not.

Pumunta siya doon para pagmasdan ang kailanman hindi puwedeng mapasakaniya muli. Ang tanging kaya niya lang gawin, tignan siya sa malayo at ihangad ang kaniyang kaligayahan. Tutal ito naman ang pinangako niya sa kaniya, na hindi niya na sila hahayaang magkalayo kahit na iba na ang takbo ng panahon.

Sa hirap at ginhawa, tutuparin niya ang mga salitang binitawan niya noon dahil ganoon niya siya kamahal. Handa siyang gawin ang lahat kung 'yon ang makakapag-pasaya sa kaniya. Para sa kaniya, ibibigay niya ang lahat kahit hindi na siya ang nasa kaniyang tabi. Dahil ngayon, parte nalamang ng nakaraan ang dati nilang pagmamahalan. Isa nalang silang larawang kupas, napaglipasan na ng araw at halos hindi na makita sa sobrang labo. Pero hanggang sa araw na ito, tinutupad niya pa rin ang pangakong sinambit niya noong araw na magkawalay sila.

Mahal niya pa siya at wala pa ring nagbabago sa nararamdaman niya noon hanggang ngayon, pero hindi na niya ito maibabalik pa. Hindi na ito magiging katulad ng dati kasi hamak na magkapatid lang naman sila. Even if they're only half brothers, it's not the same as it was that time.

Everything is different; a lot had changed, so is his heart, but Mingyu's love remained the same.

He wanted this.

For him to fulfil his oath, his memories were recovered and not a single one was missed. But no matter what time and year they're able to be together and even if they get the chance to meet again, destiny's game is just as cruel as it was before.

"Kahit hindi na ako ang nagpapasaya sa'yo tulad ng dati, hinding-hindi na kita iiwan." He smiled bitterly, looking down at the couple on the school's grassy ground.

Hand in hand, they laughed heartily and seemed as if they're glowing. He knows those gleam in their eyes.

He knew it all too well that it hurts.

"Masakit man tanggapin, titiisin ko ang lahat kasi mahal pa rin kita."

Pinunasan niya agad ang luhang nakatakas mula sa kaniyang mata bago huminga ng malalim. Hindi niya na matagalan ang sakit at bigat ng dibdib niya kaya kinakailangan niya nang umalis sa lalong madaming panahon. Ngunit bago siya tuluyang tumalikod, sinubukan niyang ngumiti kahit alam niyang tumutulo na ang mga luha niya.

"Sana maging masaya kayo ni Jihoon hyung. Ngayon palang binibigay ko na ang blessings ko sa inyo."

They can't paint the same picture exactly how it used to be.

All he can do is look back at it.

At the faded picture of them.

Faded » meanieWo Geschichten leben. Entdecke jetzt