C.01

395 27 30
                                    

Noong una niya palang siyang nasilayan, sa hindi niya mapaliwanag na dahilan, para bang may binubulong ang hangin sa kaniya na natatangi siya. Hindi niya ito pinansin sapagkat wala siyang oras para pag-aksayahan ang isang hamak na trabahador lamang. Ngunit noong magkabanggaan ang kanilang mga mata, nakaramdam siya ng daloy ng kuryente sa kaniyang katawan. Sa kaniya namang dibdib may tumatambol sa kaniyang puso batay sa walang humpay na pagtibok nito ng mabilis.

Hindi niya maintindihan ang sarili niya kung bakit biglaan nalang nabuo ang interes niya sa kaniya. Tila ba parang hindi niya na makalimutan ang mga mata ng estranghero na nagtataglay ng kinang na noo'y niya lang nakita sa kahit sinuman. Hindi niya labis matukoy kung bakit at paano, ayaw niya man aminin pero kahit na anong pilit niyang kalimutan ang binata ay hindi niya magawa. Bababalik at babalik siya sa kaniyang isipan, tuwing gabi bago matulog, maging sa kaniyang panaginip ay binibisita din ng estrangherong iyon.

He lit up a fire inside of him that shouldn't have been put to life. It was strange to grew fascination with just a mere contact of the eyes, yet he couldn't help but be lured by him, by those mesmerizing yet gentle gaze of his. As if everything is supposed to happen, that it felt like he was bewitched by some sort of sorcery.

Hindi niya ito agad naunawaan pero sa paglipas ng mga araw, tuluyan na nga siyang tumatak sa isip niya. Hindi niya na rin itinanggi pa na magiging parte siya ng buhay niya mula noong hindi na siya maalis-alis sa kaniyang sistema.

Marami silang pinagkaiba, mula estado sa buhay, ugali, interes, hilig, at iba pa. Ngunit pinili niya pa rin sundin ang sinisigaw ng maliit na parte ng kaniyang isipan sa kabila ng pagkakaiba nila. Hindi ito nararapat pero hindi niya na pinigilan pa ang kaniyang sarili sa paghahangad ng kalayaan.

Because he have a feeling that it's him; the one that will bring his whole world back to life, take him away from all of his misery, and wipe the sorrow off of his empty heart.

And so it begins. . .

Hindi niya alam kung saan siya maguumpisa kaya inobserbahan niya na muna ang bawat galaw niya sa kaniyang araw-araw na pamumuhay.

Noon niya lang din napansin na hindi lang ang mga mata niya ang nakakahumaling sa kaniya. Pati na rin ang matatamis niyang ngiti na kulang nalang ay magka-diabetes na siya kakatitig dito.

Sa ilang araw na pagbantay niya sa kaniya mula sa kaniyang balkunahe o bintana, masasabi niyang isa siyang mabuting tao na may malinis na puso. Palaging natulong sa kapuwa, mas inuuna ang iba kaysa sa sarili niya, maalaga, masipag, at marami pa. Sa sobrang dami, hindi niya na ito mabilang. Baka nga makagawa na siya ng iilang papel na listahan ng lahat ng katangian na nakita niya mula sa estranghero.

Isang ngiti niya lang, sapat na para maalis lahat ng problemang hinaharap niya. Nakakataba ng puso at nakakatunaw ang bawat ngiti ng misteryosong binata kaya hindi niya mapigilang bumuntong-hininga sa tuwa sa tuwing nasisilayan niya ito.

He was like a gem, beautiful each and every way even if he do indeed have scratches but never have he seen a gem that shines bright like he does. Tinataglay niya ang lahat ng katangiang hinahanap niya sa isang tao kaya humanga siya dito at bago niya pa mapansin, inaabangan niya na pala siyang makita sa paglipas ng panahon. Para bang hindi mabubuo ang araw niya kapag hindi niya nasilayan ang binatang tinutukoy niya. Hanggang sa hindi na siya nakukuntento sa pagtingin lamang sa kaniya sa malayo at nais niya nang makausap ang taong 'yon.

Kaya isang araw, naisipan niyang lumabas mula sa kanilang tahanan kahit mahigpit itong pinagbabawal ng kaniyang ama. Alam niya sa oras na malaman nilang nawawala siya, magkakagulo ang lahat at mananagot siya sa kaniyang ama. Subalit hindi niya na inintindi pa ang mangyayari sa kaniya pagkatapos nitong gagawin niyang paglabag sa salita ng tatay niya. Ang tanging gusto niya lang ngayon ay ang makilala na rin siya sa wakas ng lalaking pumukaw sa kaniyang atensyon. Hindi naman kasi patas na ang estranghero lang ang gumugulo sa mundo niya, kaya sisiguraduhin niyang mabubulabog din niya ang isipan ng misteryosong lalaking 'yon.

Nanamit siya tulad ng lahat upang makihalubilo at makibagay sa iba. Sa ganitong paraan, hindi siya madaling makikilala ng mga tauhan ng tatay niya kung sakaling napagtanto na nilang wala na siya sa kaniyang silid.

Hindi naman siya gaanong magtatagal, matapos niyang makausap ang lalaking 'yon ay babalik na siya agad sa kanila. Kahit sandali lang, sana bigyan siya ng pagkakataon makipagkilala sa kaniya. 'Yon lang naman ang nais niya sa kaniyang paglabas sa araw na ito, wala nang iba.

Matapos niyang magtungo sa isang panaderiya, tumingin tingin na muna siya sa kaniyang paligid bago tuluyang lumapit sa kinaruruonan ng nagbabantay. Nakakapagtaka rin dahil hindi siya ang nandito kaya napasimangot siya.

"Mawalang galang na po. Pwede po bang malaman kung nasaan ang binatang kadalasang nagbabantay dito?" Tanong niya sa babaeng mukha may edad na.

"Pasensya na, iho. Wala pa siya, gawa nang siya ang naglako ng tinapay namin ngayon. Hindi ako sigurado kung kailan siya makakabalik." Nginitian na lamang siya sapagkat wala ang kaniyang hinahanap. "'Wag kang mag-alala. Sasabihan ko nalang siya na may naghanap sa kaniya pagkabalik niya." Pahabol ni nanay upang hindi siya masyadong madismaya.

Ngunit hindi niya maitatanggi ang pagka-dismaya niya sa kaniyang nalaman pero nginitian niya pa rin pabalik ang matandang babae at nagpasalamat sa kabaitan niyo kahit uuwi nalang sana siyang sawi.

Sa kaniya namang pagtahak ng daan pabalik sa kanilang tahanan, may nakabungguan siya dahil sa hindi pagbibigay pansin sa kaniyang paligid. May nahulog namang mga kagamitan ang nakabanggaan niya, kung kaya't agad siyang napaluhod at tinulungan ang estranghero pulutin ang nalaglag nitong gamit.

Hindi sadiyang nagkahawak ang kanilang mga kamay at para bang ito ang pinaka normal na dapat gawin, sabay nilang inangat ang ulo nila para masilayan ang isa't isa.

Sa pangalawang pagkakataon, nagkatagpo muli ang kanilang mga mata. Tila ba parang bumagal ang takbo ng oras sa kanilang paligid. Aakalaing ng kung sinumang makakita sa kanila ay nabato na sila sa simento na kinaluluhuran nila.

It felt like the sounds of fireworks were booming their surroundings as they gaze into each other's eyes. Hindi ito posible pero kung titignan sila ng mabuti, nagmimistulang nakinang ang kanilang mga mata.

It was the start of something new.

Faded » meanieWhere stories live. Discover now