Chapter 19 ♬ Capable Of Love Again?

Magsimula sa umpisa
                                    

"Alright, good job everyone!" Masayang wika ni Niel sa aming lahat noong natapos kami sa unang dalawang kanta na itutugtog namin bukas. "We'll be rocking tomorrow! Lalo na, we have the best vocalist here."

Hindi ko man nakikita pero siguradong nag-uumpisa ng mamula ang mukha ko lalo na noong naramdaman ko ang pag-akbay niya sa akin.

Tumunog na ang bell na naghuhudyat para sa pananghalian.

"Serene may pupuntahan ka ba ngayon?" tanong niya pa sa akin. Nauna nang tumakbo si Rico papunta sa cafeteria na sinundan naman ni Nathan.

Umiling ako bilang sagot kay Niel.

"Want to grab some lunch together?"

"Hindi ka ba sasabay kanila Rico ngayon? Baka hanapin ka nila."

"No worries. Ayoko rin kasing makipila pa sa cafeteria. Nagbaon na lang ako."

"Oh, parang 'yung dati? Sandwich ba ulit?" Naaalala ko 'yung una niya akong niyaya. Ang sarap nu'ng ginawa niyang sandwich. Ngayon na inaaalala ko 'yun ay naglalaway na ako. "Bibigyan mo ako? Sige, game!"

Lumaki ang ngiti sa mga labi niya. "Let's go then!"

"Yehey!"

"Hindi ka ba hahanapin ni Mr. Valdez?" Napahinto kami ni Niel noong marinig naming magsalita si Jace.

"Hindi naman siguro. Dad was actually pretty chill since yesterday. Kahit ako nagulat na parang hindi siya mukhang kabado. Parang alam na niya na tayo talaga ang mananalo bukas." Sagot ni Niel sa kanya. I looked at them both and saw how different they are from each other. Niel was all smiles and Jace was all frowning. Warm versus cold. Happy face versus blank face.

They are just two separate side of a coin. Kahit ngayon talaga nagugulat pa rin ako na magkaibigan sila.

"Serene, let's go?" muli ay tawag sa akin ni Niel. Humakbang ako papalapit sa kanya at kapansin-pansin ang paghakbang din niya Jace papalapit sa akin. Hindi ko alam kung gusto niyang sumama o kung gusto niya kaming pigilan dahil may sasabihin pa siya kay Niel. Noong biglang dumating si Mr. Valdez at tinawag ang pangalan ko, tila ba nakahinga siya ng maluwag.

Taas kilay akong napatingin sa kanya. Para saan naman kaya iyon?

"Serene, can I talk to you for a second?" Muli ay nakuha ni Mr. Valdez ang atensyon ko kaya ibinalik ko ang tingin sa kanya.

"Opo." Humarap ako kay Niel at napakamot sa ulo. "Mukhang importante yata ang pag-uusapan namin. Pasensya na Niel ah. Pass muna ako."

Ngumiti siya sa akin pero mukha siyang malungkot. "Hindi okay lang. Sige, punta ka na roon. Mukhang kailangan ka talagang kausapin ni dad."

Pagdating namin sa opisina ni Mr. Valdez ay umupo ako sa tapat ng mesa niya.

"Bakit po?" Hindi ko mapigilang itanong matapos marinig ang katahimikan sa panig niya. Para tuloy akong biglang kinabahan. Am I in trouble?

"Hmm, paano ko ba sasabihin ito?" tila malalim niyang tanong sa sarili habang marahang hinahaplos ang baba.

"Ang alin po?"

Huminga siya ng malalim at umayos ng upo.

"I have read and heard the songs that you gave me and all of them are awesome but..."

"Pero... ano po? May problema po ba?"

Umiling siya sa akin. "No, no, it's not that. Actually they are all good pero may naisip kasi akong ibang plano para roon sa mga kanta na ipinasa mo sa akin. At saktong-sakto siya roon sa theme na naisip ko kaya nanghihinayang ako kung iyon ang isasabak ko sa Battle of the Bands. Ngayon kung okay lang sa'yo, hihingi sana ako ng permiso sa'yo na 'yung mga kanta mo ang gagamitin ko para sa isang mini concerto rito sa school. Siyempre kung okay lang sa'yo."

Listen To My SongTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon