MDTB 7: End This

Mulai dari awal
                                    

Nang matapos na ang kanta niya ay doon ko nalang naisipang matulog na.

"Thank you, Rance." Sabi ko at ipinikit na ang mga mata ko.

-

Pagkabukas ko ng pinto sa unit ko ay bumungad sa akin ang mukha ni Rance. Teka, si Rance? Bakit nandito yan ngayon?

"Hala.. anong ginagawa mo dito?" Takhang tanong ko habang tinuturo siya. Hindi ko lang kasi talaga inexpect na makikita ko siya ngayon dito eh.

"C'mon baka malate ka." Nakangiti niyang sabi sa akin. So nandito siya kasi gusto niyang sabay kami? O baka naman nagaassume lang ako 'no?

"Uy wait lang! Sabay tayo papasok ngayon?" Feeling ko tuloy para na akong bata sa inaasta ko. Eh malay ko ba kasi kung bakit yan nandito diba.

"Ngayon? Nah, araw araw na." Sabi niya sabay kindat. Nakakatuwa siya magtagalog. Ang cute cute niya! Gusto ko tuloy pisilin yung pisngi niya.

Sabay kaming pumunta sa kotse niya tsaka ako pinagbuksan ng pinto bago siya pumasok at nagdrive.

"Alam mo nagbago ka na talaga..." Paninimula ko sa kanya. Napatingin siya sa akin nang nakakunot ang noo tsaka binalik ang tingin sa kalsada.

"Hindi ka na bully! Dati lagi kang nambubully ng kaschoolmate natin. Tapos dati palagi moko inaasar which is ngayon hindi na masyado so ayos na din pala." Narinig ko siyang tumawa kaya napanguso ako. Ang daldal ko na ba? Ewan ko ba basta ang alam ko komportable ako sa kanya.

"What? Gusto mong mambully ulit ako?" Sabi niya habang nakangisi. Eh? Sinabi ko ba yun?

"No. I wouldn't like that. Sinasabi ko lang kasi bigla kang nagbago, and I'm not used to the new Rance right now. But I must say that I'm loving this new side of yours." Sabi ko sabay tingin sa kanya.

Nakita kong napangiti siya sa sinabi ko kaya hindi ko maiwasang hindi mamula. May nasabi ba akong sweet or corny? Ang daldal ko na ah.

Habang nagdadrive siya ay hinawakan niya ang kamay kong nakapatong sa lap ko kaya naman ay napatingin ako doon. Bakit ba ang sweet niya? Dammit.

Nang nasa harap na kami ng school ay pinagbuksan niya ako ng pinto upang makababa.

Everyone's eyes are watching us kaya mas lalo akong naiilang. Inakbayan ako ni Rance at hindi pinansin ang mga fangirls niyang nagsisitilian at nagsisibulungan sa labas. Baka sanay na siya na ganito palagi ang routine niya pagkapasok ng school. Ayan ang hirap kapag heartthrob eh, lahat ng kilos mo sinusubaybayan nila.

Habang naglalakad ay nakasalubong namin ang mga katropa niya. Nakita kong nakatingin si Adrian sa kamay ni Rance na nasa balikat ko.

"Woah.. nagbirthday lang ako kayo na?!" Manghang tanong ni Ashton. Kahit kailan talaga ang ingay ingay nito. Tinalo pa ang mga babae eh. Haha!

"Sayang ang ganda mo, Meghan, pumatol ka sa isang unggoy." Umiiling na sinabi sa akin ni Knoxx. Natawa naman ako sa sinabi niya kahit kailan talaga bully siya kahit sa kaibigan niya.

"Fuck you, Evans." Malutong na mura ni Rance. Nagpeace sign lang sa kanya si Knoxx at tumawa.

"Meg, pwede ba tayo magusap?" Sabi ni Adrian. Expected ko na kakausapin niya ako. He knows my plan after all.

"Why do you need to talk to her?" Napatingin kaming lahat nang mag-salita si Rance sa tabi ko.

"Relax brad. Grabe ang bakod mo. Tsk. Hindi nangangain si Ad." Tumawa si Ashton habang sinasabi iyon.

Napailing nalang ako at sumenyas kay Adrian na sumunod siya sa akin. Nang makarating kami sa likod ng campus, kung saan wala masyadong tao ay kaagad ko siyang hinarap.

"It's official. Too late to back out, Meg." Sabi niya kaya bumuntong hininga ako.

"I... I don't know. Gusto kong umatras, I want to end this. Pero.. parang may pumipigil sa akin?" Sabi ko. Kumunot ang noo niya at ginulo ang buhok niya.

"But I think he doesn't really love me so-" Naputol ang aking sinasabi nang narinig kong nagsalita din siya.

"He loves... Shit, Meghan. I'm not the right person to say this. Ang sa akin lang, alam kong masasaktan ang kaibigan ko.. at kahit kating-kati na akong sabihin sa kanya ang intensyon mo, hindi ko ginawa. You know why? Because I trust you. You're like my sister dahil kay Marko and ayokong masira lahat ng iyon dahil lang dito. Pagisipan mong mabuti, Meghan. Hindi sa ayaw ko sayo.. I mean boto nga ako sayo para sa kanya eh, and you know that simula't sapul palang lagi na kitang niloloko kay Rance."

He likes me for Rance? Hindi ko alam pero bigla nalang akong namula ng maisip ko iyon.

"Tell me. Are you ending your plan now?" Tanong niya.

"I don't wanna end this. I don't want to end us."

Must Date The BadboyTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang