chapter 36

11 0 0
                                    


Alex POV

Nagising akong nakahiga sa kama na napapaligidan ng puting mga dingding. Tumingin ako sa mga taong nasa paligid ko. Nandoon si mommy na nakatingin sa akin habang umiiyak at nandoon si Daddy na tahimik lang na nanonood. Nandoon rin si Jake na nakatingin lamang sa akin ng diretso.

Pero sa lahat nang iyon isa lamang ang nakaagaw ng atensyon ko. Ang babaeng pamilyar sa akin ang mukha. Ang babaeng nakalimutan ko man ng ilang taon ay nananatili pa rin sa puso ko.

Mommmy" bulong ko.

Umupo ako ng maayos. Nakatingin lamang ako sa kanila. Lumapit sa akin si mommy at niyakap ako.

"Anak ok ka lang ba? May masakit oa ba sayo huh?" Sunod sunod nitong tanong. Diretso pa rin akong nakatingin sa pamilyar na mukhang nakatingin lamang sa akin. Umiling lamang ako bilang tugon ko sa kaniya. Tumingin sa akin si mommy at sinundan nito ng tingin ang tinitingnan ko.

Bumitaw ito sa pagkakayap sa akin at umayos ng upo sa tabi ko. Hinawakan nito ang kamay ko.

"Anak, may dapat kang malaman". Pnimula nito. Tumingin lamang ako sa kaniya at naghihintay ng susunod nitong sasabihin.

"Siya si Angelique Jimenez. Siya ang mommy ni Allysa Jimenez na kakambal mo. Siya ang tunay mong ina". Sabi nito na umiiyak. Kusang tumulo ang luha ko sa narinig ko. Napatingin ako sa kaniya.

"S-si A-Allysa, kumusta siya?" nauutal kong tanong dito. Alam kong medyo napuruhan si Allysa. She save my life! Ako dapat ang nandoon. Ako dapat ang nasagasaan pero itinulak niya ako. Itinulak niya ako para hindi ako masagasaan. Pero siya naman ang naging kapalit nito.

"Shes still sleeping. Bugbog ang katawan nito dahil sa lakas ng impact ng pagkatapon niya. Unconscious pa rin siya hanggang ngayon". Malungkot nitong sabi. Umiyak ako ng malakas.

"Ako dapat iyon eh. Hindi dapat siya ang nandoon. She saved me even she thought that Nate's loved me." Umiiyak kong sabi.

"I need to see her please!" Dagdag ko pa.

"Later sweety. As of now kailangan mo munang magpahinga." Sabi nito. Tumango na lang ako at hindi na ako nagpumilit pa.

"Alice?" Napatingin ako sa nagsalita. Yes! Naaalala ko na ang lahat.

"Mommy?" sabi ko dito. Lumapit siya sa akin at niyakap ako ng mahigpit. Umiiyak ito.

"Buhay ka. Akala ko hindi na kita makikita pang muli. Akala ko tuluyan mo na kaming iniwan ng kapatid mo". Umiiyak nitong sabi. Niyakap ko siya ng mahigpit.

"I missed you so much mommy. Namiss ko kayong yakapin. Im sorry mom, kasalanan ko kung bakit nangyari ang lahat ng ito." Umiiyak kong sabi.

"Hush honey, wala kang kasalanan. Magiging maayos din ang lahat." Sabi nito. Umalis ako sa pagkakayakap sa kaniya.

"Mom, si Da-da-ddy?" Nauutal kong tanong. Yumuko naman ito at nakita ko ang sunod sunod na pagpatak ng luha nito.

"Wala na ang daddy mo anak. Kasabay ng pagkawala mo noon, nabalitaan kong patay na ang daddy mo. Car accident ang kinamatay nito." Sabi nito. Umiyak na naman ako ng malakas.

"Mommy! Hindi ko man lang makita at mayakap si daddy". umiiyak kong sabi.

"Shhh tama na anak, alam kong kahit saan man siya naroroon ngayon. Patuloy pa rin niya tayong binabantayan". Sabi nito na pilit na ngumingiti. Napatingin ako sa pinto ng marinig kong magclick ito.

"Mommy Monica?" Tawag ko sa babaeng naging ina ko nang ilang taon. Pilit akong tumayo kahit may dextrose pang nakasabit sa kamay ko. Tumayo naman si Mommy para alalayan ako. Lumapit ako sa mga taong naging magulang ko sq nakalipas ng ilang taon.

Hinawakan ko ang mga kamay nito.

"Salamat po. Maraming maraming salamat sa pagkupkop sa akin. Maraming salamat po dahil s nakalipas na ilang taon hindi ko naramdamang nagiisa ako. Salamat po dahil itinuring niyo akong isang tunay na anak." Sabi ko sa kaniya habang umiiyak ako. Nakita ko itong ngumiti kahit lumuluha.

"Masaya ako na naging parte ka ng pamilya ko. Masaya ako na kahit sa konting panahon naramdaman kong maging isang ina sa katauhan mo. Im sorry Alex este Alice kung hindi ko agad sinabi sayo ang totoo. Im sorry sa paglilihim ko sayo ng katotohanan." Umiiyak nitong sabi.

"Hindi niyo po kailangang magsorry mommy Monica. Masaya rin po akong nakilala ko kayo. Masaya po aki na naging parte ako ng pamilya niyo." Sabi ko sa kaniya.

"Bakit ba parang nagpapaalaman na kayo. Sinong nagsabi sa inyo na hindi na kayo puwedeng magkita?" Sabi ni Mommy na nakangiti kahit lumuluha na. Napatingin naman sa kaniya si Mommy Monica. Lumapit sa kaniya si mommy at niyakap ito.

"Maraming salamat Monica dahil kinupkop mo ang anak ko. Napakalaki ng utang na loob ko sayo." Madramang sabi ni mommy.

"Inaasahan kong patuloy niyo pa rin siyang bibisitahin sa amin. Hindi ko ipagkakait sa inyo si Alice. Kayo na ang pangalawang magulang niya.". Dagdag pa nito.

"Angelique maraming salamat". Umiiyak na sabi ni Mommy Monica.

"Daddy?" Tawag ko sa lalaking nakatayo at nakatingin lamang sa amin. Nilapitan ko ito at niyakap. Di man kami ganon kalapit sa isat isa pero pareho naming alam na sa konting panahon na pinagsamahan namin bilang isang pamilya. Napamahal na kami sa isat isa.

Naramdaman ko ang ganting yakap nito.

"Masaya ako dahil kahit papano nagkaroon ako ng anak sa katauhan mo. Ang swerte ng mga magulang mo sayo dahil napakamasunurin at napakabait mong anak." Sabi nitong maluhaluha na din.

Umalis ako sa pagkakayakap niya at tumingin ako sa kaniya at sa dalawang babaeng naging parte ng buhay ko.

"Puwede ko pa rin po ba kayong tawaging mommy at daddy?" Nakangiti kong sabi sa kanila. Nagkatinginan naman sila at parehong tumango. Nilapitan nila akong dalawa at niyakap. Nakangiti lamang na nakatingin sa amin si mommy.

"Ahem!"

Naputol ang pageemote namin dahil sa tinig na iyon. Napangiti ako nang makita ko ang mukha ni Jake. Nilapitan ko ito.

"Maraming salamat sa pagdala sa amin dito." Sabi ko sa kaniya. At niyakap ko siya. Nabigla siya sa ginawa ko pero mas nabigla ako dahil hindi ko inaasahan ang biglang pagdaloy ng kuryente sa katawan ko nang magkadikit ang mga balat namin. Napabitaw ako sa kaniya. Nakita kong nakatingin din siya sa akin.

"Did you felt that?" Tukoy ko sa naramdaman ko. Tumango naman siya. Mayamaya pa lamang at bigla niya akong hinila upang yakapin ulit.

Natawa na lang ako dahil sa ginawa niya. Hmm aminin ko man sa hindi gusto ko ang pakiramdam na nakayakap sa kaniya. Narinig ko naman tumawa ang mga kasama namin. Bumitaw ako sa kaniya.

"Nasaan si Nate?" Tanong ko sa kaniya.

"Hindi na siya dumalaw dito simula noong dumating ang mama mo." Paliwanag nito.

"Jake tulungan mo akong magexplain kay Allysa mali ang mga narinig niya na mahal ako ni Nate." Sabi ko.

"Alam ko. Dont worry kapag ok na lahat. Tutulungan kitang magpaliwanag sa kaniya." Sabi pa nito.

"Salamat". Sabi ko.

Narinig namin ang pagbukas ng pinto.

"Gising na po ang pasyente na nasa kabilang kwarto. Nagpupumilit pong bumangon dahil gustong makita si Alex Sandoval.". Sabi ng nurse.

Nagkatinginan kaming lahat at nagmadali nang lumabas ang tatlong matanda upang puntahan ang nasa kabilang kwarto. Inalalayan naman ako ni Jake papunta sa kinaroroonan ni Allysa. Masaya ako dahil nararamdaman kong unti unti nang mabubuo ang pamilya namin.














Arrogant HandsomeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon