chapter 32

10 0 0
                                    

Ann Ramirez POV

Bumaba na ako sa sasakyan namin. Nasa loob na kami ng University ng dela Salle. Naging busy na ako this past few weeks dahil kay James. Ikaw ba naman ang magkanobyo ng selosong gwapo. Ewan ko na lang kung hindi ka kiligin hanggang bunbunan. Kaya naging busy ako dahil sa kilig! Hehehe jowk!

May konting problema lang kasi sa business sila mommy kaya kinailangan ang beauty ko ng bonggang bongga. Gosh! Muntik na talaga ako doon huh. Akala ko hindi makakalusot. Hehehe. Anebeyen! Sige na nga sasabihin ko na sa inyo.

May isang client sila daddy. Isang gwapong client. Actually hindi ang gwapong Andrew na iyon ang client nila, kundi ang daddy nito. Sa kadahilanang wala ang daddy nito at nasa business trip pinakiusapan ang kaisa isa nitong anak na siya ang makipagdeal kay daddy.

Pero dahil sadyang mahilig mambara at presko ang lalaki kinailangan nila daddy ang tulong ng maganda nilang anak. Ang diyosang si ANN RAMIREZ. Oh angal ka?! Hehehe.

At diyan na umarangkada ang beauty ng beauty queen ng mga Ramirez. At dahil sa maladiyosang ganda ko. Bumigay ang preskong Andrew delos Santos. Hehehe. Wala talagang nakakaresist ng beauty ko. Katulad na lang nang kung paano nainlove sa sa gandang to si James Aragon. Ang isa sa mga Arrogant Handsome ng dela Salle.

Napatigil ako sa paglalakad nang makita ko si bestfriend na dumaan sa harapan ko. Patingin tingin pa ito sa kung saan saang parte ng university. Akala mo naman baguhan sa paaralan na ito. Teka! Galit kaya siya sa akin kaya di niya ako pinansin at dinaanan lang niya ako. And bakit di man lang niya kasama si Nathan. Magkaaway ba ang dalawa?

Binilisan ko ang lakad upang mahabol siya. Nakikita ko na ang likod nito. Naka skirt ito na hanggang hita na kulay navy blue at white steeveless. Nakablonde din ito ng buhok. May daladala itong maliit na handbag sa kamay nito na kulay puti na may mga silver.

Hmmm wow si bestfriend huh kelan pa siya nagpa makeover. Ganito ba talaga magmahal si Nathan Gil? Kaya pala di nakakapagtakang maraming naghahabol dito at isa na doon si Claris. Abat kung kaya ka palang i-make over ng pagmamahal niya e di go lang. Hehehe pero si bestfriend lang iyon siyempre. Di na ako available eh. Hehehe. May Antipatikong Aragon na ako!

Di pa rin nito napapansin ang presensiya ko. Mas binilisan ko pa ang lakad ko. Nang maabutan ko ito, bigla ko iyong hinila sa kamay na naging dahilan kaya napaharap siya sa akin.

"Bestfriend naman sorry na". Sabi ko agad dito at niyakap na lang siyang bigla. Di ko naman naramdaman na yumakap siya pabalik kaya bumitaw ako sa kaniya at tiningnan ito. Nakita kong nakakunoot lang ang noo nitong nakatingin sa akin. She wa staring at me wearing a who-the hell-are-you look.

"Bestfriend alam kong mas lalo pa nadagdagan ang ganda mo dahil sa make over ng pagmamahal ni Nate, pero puwede ba, wag kang tumingin diyan na para bang di mo ako kilala." Sabi ko dito.

"Who are you? Who is Nate?" Tanong nito.

"Allysa Jimenez, puwede ba wag mo akong biruin ng ganiyan". Sabi ko sa kaniya.

"Who is Allysa Jimenez? Im sorry Miss but i dont know what you are talking about." Sabi pa nito.

Tiningnan ko siya ng maigi. Nakatayo lamang ito at tinitingnan ang ginagawa ko. Hinawakan ko ang mukha niya. Binaling ko sa left and right ang mukha nito. Tiningnan ko ang mga mata nito.

Nanlaki ang mata ko. Hindi nga ito si bestfriend pero kamukhang kamukha niya si Allysa. Kaano ano ni bestfriend ang babaeng nasa harapan ko. Biglang nanlaki ang mata ko. No its impossible! Matagal na siyang patay!

"Are you okey?" Nagaalalang tanong nito. Tumingin ako sa kaniya. Paano nga kung buhay siya? Alam na kaya ito ni bestfriend. Tumango naman ako. Pinagpapawisan ako.

Arrogant HandsomeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon